P.VAMPIRE | Chapter 1

15.6K 476 60
                                    

POSSESSIVE VAMPIRE
Loving Bloodsucker [BxB]

CHAPTER ONE

VINCE GROANS in disappointment and exhaustion. "This sucks. Bakit ba ang malas malas ko ngayon!?" Inis na sambit ni Vince habang naglalakad sa gilid ng daan, na malapit sa isang parke.

Bagong salta lang siya dito sa siyudad para makahanap siya ng trabaho na maaaring makatulong sa kaniyang pamilya. Kinakailangan nila sa ngayon ng pera para naman may magamit sila at pambayad narin sa pagpapaopera ng kaniyang ama.

That is the main reason why he went to city and seek for a good suitable work for him. As soon as possible, he has to one to help them. Nakatapos naman siya sa pag-aaral at malaki naman ang maitutulong niya, kaya bakit ganoon. Inalis na nga niya ang pagiging mahiyain at sobrang energetic pa siya sa pagsagot, kaya bakit? Bakit?

Bakit ang malas niya? Maaga pa naman siyang nagising lara nakahanap kaagad at maunahan ang ibang applicant sa pupuntahan niya.

Napabuntong hininga si Vince at umupo sa isang bench sa isang lilim, habang hawak hawak ang brown envelope. Hindi na niya alam ang gagawin niya. After all that rejection he received, he doesn't know what to choose right now.

Gusto niyang makatulong lang naman sa magulang niya at para narin sa sarili niya't hindi na hihingi ng tulong sa iba.

Napakagat si Vince sa labi habang tinititigan niya ang isang babae na may nakabuntot na bodyguard at maid. "Please naman, okay lang sa akin kahit na maging kasambahay ako. Okay na sa akin iyon. Marunong naman ako sa gawaing bahay at masarap pa magluto, pati ang nagluluto." Sambit niya sa mahinang boses at ibinaling ang atensyon sa baba.

Nang biglang makaramdam siya ng gutom, napagpasiyahan ni Vince na magpunta sa isang kainan para kumain. Kaunti lang kasi ang nakain niya kaninang umaga bago siya umalis.

Habang naglalakad siya patungo sa isang malapit na kainan, yung hindi naman kamahalan ang binibenta, nahagip ng paningin niya ang isang pamilyar na tao. And as Vince remember, nakilala niya ito noong third high school palang sila. Isa sa matalik niyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita.

"Jay!" Buong lakas at puno ng galak na sigaw ni Vince para makuha niya ang atensyon nito. At mukhang rinig na rinig nito iyon, kaya napabaling ito.

"V-Vince?" Sambit nito saka humarap kay Vince. "Vince... Ikaw nga! Vince Santillan, right?"

Vince smiles. "Long time no see, Jay Gonzalo." Aniya saka nakipagkamayan.

May ngiti sa labi na nakipagkamayan naman si Jay sa kaniya at tinapik tapik ang balikat nito. Well. Hater nga naman ng yakap.

"Musta ka na? Matagal tagal rin tayong hindi nagkita."

Jay shrugs and let go of Vince's hand. "Ito, isang programmer sa isang kilalang kompanya. It's been months that we haven't seen each other. Ikaw, kamusta ka na."

Marahas na buntong hininga ang kumawala sa bibig ni Vince saka mapait na ngumiti. "Ito, hanggang ngayon ay wala paring trabaho na mapasukan. May times na pasok na sana ako, kaso may biglang papasok na bibida at aagawin ang posisyon na nakuha ko. Kapag lalaki ang boss at may babae na sexy na pumasok para mag-aapply, agad na aalisin ako. Ganoon din kapag babae ang boss. Parang ang malas malas ko ngayon."

☑️POSSESSIVE VAMPIRE: Loving Mr. Bloodsucker [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon