P.VAMPIRE | Chapter 23

2K 99 5
                                    

POSSESSIVE VAMPIRE
Loving Bloodsucker [BxB]

CHAPTER TWENTY THREE

SYEMPRE hindi papayag si Vince na ganoon ang gawin ni Tristan, mapatawad lang siya sa ginawa nitong hindi maganda. Mabilis na mainis siya sa tuwing naaalala niya ang paghawak ng malanding higad sa katawan ni Tristan.

Pagkagising nila, agad na pinaghanda niya si Tristan ng masarap na pagkain, na kung saan ang iba ay sobrang anghang at ang iba naman ay may halong kaunting bawang. Kaya naman mangiyak ngiyak na kumain si Tristan. Pagkatapos ay bumaba sila ng bundok at inutusan si Tristan na ipagpatuloy ang naudlot na pinagawa sa kaniya. And to make it tough, pinakuha ni Vince ang mga bagong putol na puno at pinasibak iyon kay Tristan.

“Sweetie. I want hugs and kisses.” Tristan pouts while wiping his sweaty ripped body.

“No hugs and kisses for you. Tapusin mo iyan lahat, kung ayaw mong sa labas ka ng kwarto mamaya matutulog.” Ani ni Vince.

Nakahilig siya sa isang recliner na nasa ilalim ng puno, na kung saan limang metro lang ang layo nito sa kinaroroonan ni Tristan.

Hindi naman maiwasang mapangiti ni Vince dahil sa parang bata si Tristan. Nakasimangot itong nagsisibak ng kahoy, na kaunti nalang ang naiiwan.

“Malapit na naman iyang matapos, kaya kaunting tiis lang. Okay ba?”

Tristan nods like a kid. “Basta akin yang katawan mo buong gabi.”

Vince rolled his eyes. “Okay. Bilisan mo na riyan dahil may kasunod ka pang dapat gawin.” Aniya saka binuklat ang isang libro.

Sa tuwing tatawagin siya ni Tristan, binibigyan niya lang ito ng masamang tingin. Nakakainis lang kasi na nauudlot ang pagbabasa niya, lalo na't kung minsan ay lutang ang isip niya at hindi alam kung saan banda na ang binabasa.

Maya't maya, muling naudlot ang pagbabasa ni Vince nang marinig niya ang boses ng isang tao na kinasusuklaman niya. The gay once tried to strip his clothes.

“Hi pogi. Pawisan ka ata, gusto mo punasan ko.” Malanding sambit nito. “Kawawa naman ang gwapong tulad mo, na bagay na bagay sa akin.” Ani nito na may pakagat kagat pa sa labi.

Mukhang breed ng kabayo at kambing ang mukha nito. At isama pa niya ang dugo ng higad na nananalaytay sa ugat nito.

“Oy gwapo, bakit hindi mo ako pinapansin? Kahapon ang saya nating mag-usap ahh.”

Akmang hahawakan niyo ang braso ni Tristan, pero hindi niya iyon nagawa dahil sa umatras si Tristan papalayo.

“I'm not in the mood to talk to you. Better leave me alone.” Walang kaemo emosyong sambit ni Tristan habang inaayos ang kahoy na sisibakin.

“Pero-”

Hindi na natuloy ang pagsasalita ng bakla dahil sa paglapit ni Vince sa kanila. Kalmado lang ang mukha nito at may pekeng ngiti sa labi. But deep inside, he is angry towards this kind of person. Muntik na siyang pagsamantalahan noon nang nilasing siya nito.

“Oh, Vinsie dear, ikaw pala. Mas sumarap ka rin ha.” May ngisi sa labi na sambit nito, pero binalewala lang ito ni Vince at tinitigan ng sobrang lamig ito.

“Alis.” Kalmadong sambit ni Vince habang nakakrus ang braso sa dibdib. “Now.”

“Gusto ko pa makausap si pogi. Tingnan mo ohh, pawisan na sa kakasibak ng kahoy.” Ani nito saka lumapit kay Tristan at akmang hahawakan ito, pero lumayo si Tristan.

Dumilim naman ang paningin ni Vince dahil sa malanding higad na ito. Noong nandito pa siya nakatira, hindi talaga titigil ang higad na ito kahit na sisigawan pa siya ng sobrang lakas ng taong kinukulit nito.

☑️POSSESSIVE VAMPIRE: Loving Mr. Bloodsucker [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon