P.VAMPIRE | Chapter 13

3.6K 188 0
                                    

POSSESSIVE VAMPIRE
Loving Bloodsucker [BxB]

CHAPTER THIRTEEN

HALOS hindi makatulog ng maayos si Vince dahil sa naglilikot sa isip niya ang sinabi ng binata. At kasama sa paglilikot ng sinabi ni Tristan na magdedate sila, ay ang paglilikot ng kamay ni Tristan na hinahaplos ang hita niya.

Pareho silang boxers lang ang suot kaya ramdam agad ng binata ang malambot na balat nito. Gusto niya sana may suot siya na pajama at damit, kaso dahil sa pagbabanta ng binata na pupunitin niya raw iyon, no choice siya.

Pagkagising ni Vince, agad na nagluto siya ng agahan para sa dalawa na tulog parin sa ngayon. It is already seveven twenty five in the morning kaya kailangan niyang maghanda para may pagkain na maabutan ang dalawa kapag nagising na ang mga ito.

“Good morning sweetie.” Bungad na bati ni Tristan na walang pang-itaas, na kakapasok lang sa kusina at humihikab pa.

“Morning mo mukha mo, bastos!” Inis na sambit ni Vince saka ipinagpatuloy ang pagluluto ng scrambled eggs.

“Ang sweet naman ng pambungad mo sa akin sweetie.” Nakangising sambit ni Tristan sabay bigay ng naglalambing na yakap kay Vince.

Vince tsked and swivel towards Tristan. “Ngayon alam ko na kung anong ginagawa mo tuwing gabi sa akin. Sarap talagang ipalunok sayo 'tong kawali.”

Natigilan siya bigla dahil sa naramdaman niya ang pagtusok ng kung ano sa hita niya. Nang tingnan ni Vince si Tristan, napansin niyang nakangisi ang loko habang kinikiskis iyon.

Dala ng inis, buong lakas na piningot niya ang ilong ng binata hanggang sa kumalas ito ng yakap at magreklamo.

“Aray ko naman, ang sakit no'n ahh.” Pagrereklamo ni Tristan habang hinihimas ang ilong na namula. “Kailangan mo ito pagbayaran sa pamamagitan ng halik.”

Vince rolled his eyes and took one hotdog, and put it on Tristan's mouth. “Iyan ang halik mo. Masarap diba?”

Tristan chews the food and smile. “Don't forget our date tonight. Gusto ko mag-ayos ka ng mabuti.”

“I'm not sure with that thing. Parang gusto kong umatras.” Ani ni Vince saka kinuha ang mga naluto na niya.

“Why?” Tristan shocked. “Pinaghandaan ko ito ng mabuti para maganda.”

Tumikhim si Vince at bahagyang lumapit. “Akala ko ba sa date, tanging place at pagkain ang ihahanda. Bakit narinig ko kagabi na ihanda ang kama at bumili ng pinakanakakalasing na wine? Yung tipong isang lagok ko lang, lasing na agad ako para...”

Tristan cut him off by kissing passionately. “Wala akong sinabi na ganyan kagabi.” May pilyong ngiti sa labi na sambit nito. “Baka dahil excited ka sa romantic date natin kaya ganoon ang pagkakarinig mo.”

Magsasalita sana si Vince para pagsabihan si Tristan at akmang susuntukin niya ito, kaso hindi na natuloy dahil sa narinig nilang hikad na nagmumula sa pintuan ng kusina.

Pagkatingin nilang dalawa, nakita nila si Prinze na bagong gising at kinukusot pa ang mga mata.

“Good morning kiddo.” Bati ni Vince sabay kurot sa tagiliran ni Tristan.

Tristan grunts. “Come here kiddo, time for breakfast. Your Mommy cooks this for us.”

With astonishment in face, Vince quickly kick Tristan's butt because of its craziness.

“I mean your Papa cook this.” Ani ni Tristan habang hinihimas ang pang-upo na nakatanggap ng magandang bati, mula sa paa ni Vince.

Tumango lang ang bata at lumapit sa dalawa na nakabukas ang kamay para sa yakap.

☑️POSSESSIVE VAMPIRE: Loving Mr. Bloodsucker [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon