P.VAMPIRE | Chapter 28

1.7K 96 0
                                    

POSSESSIVE VAMPIRE
Loving Bloodsucker [BxB]

WARNING: This chapter includes some inappropriate contents and may cause discomfort to some readers. Reader discretion is advised.

CHAPTER TWENTY EIGHT

HINDI MAKAPANIWALANG tinitigan nina Vince at Tristan ang lalaking pormadong pormado na nakatayo ilang metro ang layo mula sa kanila. At kitang kita rin sa mukha nito ang gulat nang makita sila.

Tumikhim si Sam para makuha ang atensyon ng tatlo, na kung saan grabe na ang kakaibang ihip ng hangin sa pagitan nila.

“Magkakilala kayo honey?” Takang tanong ni Sam saka naglakad papalapit kay Reijin, pero hinarangan ito ni Tristan kaya natigilan siya.

“Kuya? Wala man lang sabi? Patago?” Nanunudyong palipat lipat ang tingin ni Vince kina Sam at Reijin.

“Nainggit ako ehh, pake niyo ba?” Ngumuso si Reijin at nag-iwas ng tingin. “Hindi lang kayo ang pwedeng magkaroon ng future asawa.”

Pansin ni Vince ang pagkurap kurap ng mata ni Sam. “Kuya?”

Tristan clears up his throat and stood beside his sweetie. “So, sino sa inyo nagpapatusok?” May ngisi na tanong nito.

Vince chuckles. “Feel ko si Kuy-”

“Ako ang top sa amin.” Mabilis na sagot ni Reijin saka tumayo sa tabi ni Sam na natamaan ng hiya. “Siya ang bottom ko, no more questions. Bakit kayo nandito?”

“May gusto lang bisitahin, at maghahanap narin ako ng magandang pwesto para kay Tristan kapag napatay ko siya.” Sagot ni Vince. “Kayo?”

“Same rin. Umalis na kayo.” Pagtataboy ni Reijin sa dalawa, na napangiwi naman. “Honey time namin to, alis na.”

Wala sa oras na dumilim ang paningin ni Vince. ‘Honey time? Sa libingan ng mga bampira. Ang sweet ha.

“Nakahanap lang ng jowa, grabe na kung magpaalis.” Inis na sambit ni Vince sabay hila kay Tristan. “Dapat reregaluhan mo ako ng sandosenang box ng chocolates. Hindi tayo bati.”

Ngumuso't nagtampo at nagtungo sa isang counter kung saan nagtatanong para agad na malaman ang lokasyon ng pupuntahan. Sinabi na ito sa kaniya ni Tristan, bago siya bitawan ng binata.

Nang makapagtanong na si Vince, muling hinila niya si Tristan na tahimik na nagpahila sa kaniya. Doon siya mismo patungo sa deriksyon kung saan nag-uusap sina Sam at Reijin.

Reijin sighs and caress his hair. “Bibilhan na kita Lil Buddy, wag ka nang magtampo.” Aniya saka umakbay kay Sam.

“Hindi na ako magtatampo kung maibigay mo na. Hihiramin ko lang jowa mo, magkikipagkaibigan lang.” Ani ni Vince sabay hawak sa braso ni Sam.

Tristan rapidly blinks. “Sweetie, ayokong may kasama tayo. Hayaan mo na iyan sila. Gusto kitang masolo.” He pouts and held Vince's hand.

Mabilis namang iniwas ni Vince ang kamay niya, at kaniyang inakbayan si Sam. Pansin niyang parang kinabahan si Sam, kaya napatitig si Vince kay Tristan. At nakita niya ang nandidilim na mukha ni Tristan at sobrang talim ng tingin.

“Magbestfriend tayo Bro, ako ang gagawa ng cake niyo. Wag ako ang pagalitan mo.” Ani ni Sam na inaabot si Reijin.

Send help.

Nagkibit balikat si Tristan at mabilis na kinarga si Vince na parang sako.

Nagulat naman si Vince sa ginawa ng binata kaya nagpumiglas siya para ibaba siya nito. Pero wala namang epekto ang ginagawa niya dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kaniya ng binata. Pinipigilan niyang sumigaw dahil baka pagsabihan siya ng mga guard dahil sa ingay ng bunganga.

☑️POSSESSIVE VAMPIRE: Loving Mr. Bloodsucker [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon