Where's my happy ever after

960 15 1
                                    

Cinderella's first love, marry her.
Aurora's prince charming, loves her

Disney princesses has there own
Prince charming and happy ever after.

My mother used to tell me I'm a princess,
My father used to call me her princess.

But where is my prince charming?
Where's my happy ever after?

"Edgar asan na naman ang salamin ko?"

"Ewan, asan mo ba nilagay?"

"Eh ikaw nga tinatanong ko Tapos tatanongin mo ako pabalik?"

"Eh sa Hindi ko Alam eh"

Napailing nalang ako sa dalawang matandang nagsisigawan sa aking harapan.

"Ma, nasa ulo mo lang ang salamin mo" napapailing na Sabi ko dito, kinapa naman niya ang kanyang ulo syaka ngumisi ngisi.

"Tignan mo, ako pa pinagbintangan kanina" ani pa nang isang matanda.

"Eh sorry na by, Alam mo naman ako tumatanda na" panunuyo ng ginang dito.

"Tumatanda ka na ba? Parang 20 ka palang ah" ayun bumanat ang aking ama. Ito naman isa nagpakipot.

"Ikaw ha, bolero ka pa din" hinampas niya ang ngisi-ngising lalaki. They uttered I love you to each other, syaka naglambingan sa mismong harap ko.

"Hep hep hep hep, break it down yow. Andito ako oh? Di niyo ba Alam?" Pagpipigil ko sa tangkang paglalapat ng kanilang mga labi. Napayuko ako ng umasta si mama na akoy paluin.

"Ikaw talagang bata ka, panira ka"

"Ma Hindi na ako bata" nagmamaktol kung Sabi.

"Oo Hindi na bata pero Wala pa ding bebe" tinawanan ako ng dalawang matanda kaya agad akong napatayo mula sa sofa syaka pumasok sa aking kwarto.

"Pano kasi yung inaasam asam niyang bebe eh may iba ng nagmamay-ari" rinig na rinig ko pa din ang kanilang mga pinagsasasabi.

"Anak kasi bakit siya pa? Humanap ka ng iba oh, ang ganda ganda mo Tapos blah blah blah" Hindi ko na pinakinggan ang kanilang pinagsasasabi at isinalampak ang earphones sa aking tenga syaka dumeritso sa malaking bintana.

Nakatingin lang sa mga taong naglalakad sa labas. Ang iba'y naglalambingan, nakahawak ang mga kamay. Ganun lang ang trabaho ko sa araw araw na nagkukulong ako sa kwarto. Minsan Ay nanonood ng mga Disney movies, syaka mga palabas na puro couples ang nakikita.

Sa pinaggagagawa koy iniinggit lang ang sarili
Dahil sa mundong ito'y walang totoong prinsipe.
At kung ako may mapapasok sa mahiwagang mundo.
Siguro ako si tinker bell na naghihintay Kay Peter pan, pero si peter pan Ay meron nang wendy.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now