Love Fades

68 4 0
                                    


"Suuuuurpriiiiise" bungad ko Kay Ellie, I hugged her.

"Gague babe, bat di mo sinabi sa akin na babalik ka edi sana nasundo kita"

"Surprise nga diba babe?" I smiled, tumawa siya saka dinala ang gamit ko sa loob ng dorm.

Its been a year since nung huli Kong pasok dito. Lumipad kasi ako papuntang America para taposin ang natitirang isang taon na pag-aaral, ang Daming nagbago.

"Kumain ka na ba?" Naupo ako sa kama syaka umiling-iling sa kanya. "Rest, matulog ka muna at gigisingin nalang kita pag handa ng pagkain"

"Nah, I want to stay awake for me to spend all the time with you" tinignan ko siya syaka ngumiti.

Yun nga, I didn't sleep Kahit pagod na pagod ang katawan ko. I stayed awake para naman makabawi ako sa mga oras, araw, at mga buwan na Hindi niya ako kasama.

Pagkatapos naming kumain, niyaya ko siyang lumabas at mamasyal. Nag mall kami, nag laro sa arcade like how we spend our days before. We spend the day playing and shopping dahil Alam kung dito siya sasaya.

Nung gumabi nay bumalik kami sa dorm. But it didn't stop there, dahil kagaya ng dati Ay nanood pa kami ng horror movies.

Humiga ako sa mga hita niya habang nanonood pa din ng palabas, naramdaman kong nagulat siya kaya I smiled at her.

"Clay, its already 12" Pagpapaalala niya, makikita sa mukha ang lungkot.

"Yeah I know, hayaan mo muna. Taposin lang natin itong isang movie" sambit ko sabay ngiti nang pagkaganda-ganda. Pilit din siyang ngumiti pabalik.

Nagising ako ng maramdaman ang init na dumadampi sa aking paa, nakatulogan ko ang pinapanood na palabas kagabe.

Agad na hinanap ng aking mata si Ellie pero Wala akong ibang nakita bukod sa isang peraso ng papel na nakapatong sa mesa. I smiled bitterly.

'Clay it's over' basa ko dito.

Napatawa nalang ako, Hindi mapigilan ang halo halong mga emosyong nararamdaman.

Siguro hanggang doon nalang talaga iyon.

Nahiga ako sa kama syaka doon inilabas ko ang emosyong kanina pa nagwawala, ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Akala ko naubos na sila, pero ito na naman at nag-uunahang mahulog mula sa aking mata.

Inalala ko lahat ng mga pinagdaanan namin dati. Kung paano kami naging masaya, kung paano kami nagmahalan. Tapos umabot sa hiwalayan.

Pero Hindi ko kinaya, Hindi ko kaya.

Kaya humiling pa ako ng isang pagkakataon, isa pang araw sana.

Humiling ako ng isang araw, isang araw para muli makapiling siya.

Isang araw dahil umasa akong Baga maibabalik pa.

Isang araw sa mga araw na Hindi niya ako kasama.

Humiling ako ng isa pang araw dahil baka mabago ko pa yung desisyon niya.

Na baka, Siguro pwede pa?

Umasa akong babalik pa ang dating tinitibok ng puso niya.

Ginawa ko lahat para ipadama ulit ang pagmamahal ko para sa kanya.

Pero kulang pa, Hindi siya masaya.

Hindi na siya masaya.

Siguro hanggang doon nalang talaga ang lahat, Hindi ko na maibabalik ang dating pag-iibigan.

Dahil sa mga araw na lumalaban ako, eh unti-unti na palang nawawala.

Wala na, Hindi na ako ang itinitibok ng puso niya.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now