Paalam

487 12 0
                                    

"Babe sorry Hindi ako makaka dating sa date natin, may importante talagang pinapagawa si papa. I'm so so so sorry babe"

"Babe pwede bang sa ibang araw na kita samahan? Busy kasi talaga ako ngayon eh"

"Wait babe ha, tataposin ko lang tung projects ko."

Andito kami ngayon sa dorm, nag luluto ako ng pagkain while abala naman si Mark sa cellphone niya.  Ngayon lang siya umuwi dito dahil busy siya sa mga school works, Alam niyo naman college niya eh.

"Babe birthday na pala ni Sam bukas no?" Napatigil ako sa paghahain ng mga niluto ko nang sinabi niya iyun.

"Luh Oo nga, nakalimutan ko shet" Samantha is my long time best friend. Sa lahat lahat ng makakalimutan ko eh yung kaarawan niya pa, buti nalang pinaalala ni mark.

Tumawa siya saka nagsalita "Ano? Bili tayo ng regalo mamaya?" I chuckled Tapos tumango tango.

"Ito babe oh, ganda diba?" Itinuro ko sa kanya ang isang silver na butterfly necklace na may kasama ring butterfly earings. Saglit siyang tumingin sa tinuro ko at tumango syaka bumalik sa pagta-type sa cellphone.

"Happy birthday day Sam" I greet her nang makarating kami sa bahay nila. She smiled syaka pinapasok kami.

"Happy birthday Sam" narinig ko pang bumati si Mark pero pumasok na ako.

"Asan regalo mo sa akin ha? Ikaw talaga nagtatampo na ako sayo" Sabi niya ng matapos makitang Wala akong dala-dala. Tumawa lang ako.

"Blow your candles anak" ginawa naman ito ng dalaga.

Kakatapos lang namin kumain at nag oopen na siya ng mga gifts. Madaming kakilalang mga negosyante ang parents niya kaya andaming dumalo at nagbigay ng regalo, ang yaman din kasi nila.

"Be, here's my gift" Sinundan ko siya sa kusina, at syaka Dun inabot ang munting regalo.

"Ikaw ha, meron ka palang dala. Hindi mo man lang binigay sakin kanina" I chuckled syaka idinahilang nahihiya ako.

"Wow ang ganda naman nito" animong namamangha tumingin sa akin. Alam kung gustong-gusto niya ang mga yun lalo na at butterflies, she loves butterflies. "Thank you bes, Alam mo talaga kung anong gusto ko" she hugged me.

"Hindi lang yan"

"Talaga? Ano pa? Ikaw ha Di mo naman sinabi na may pa double gift ka ngayon. Ano to? Bumabawi ka sa mga panahong Di mo ako nabigyan? Naku be okay lang naman yun" natawa nalang ako sa mga pinagsasasabi niya. Lumabas ako sa kusina para kunin ang natitirang regalo para sa kanya.

Napatakip siya ng bibig ng sa wakas Ay pinakita ko na sa kanya ang regalong Kay tagal kung pinagplanohan, pero Hindi ko mabigay bigay sa kanya.

"Oh may ghad bhes" takip bibig pa din niyang usal.

"Surpriiise, oh ayan ha. Unique na unique tung gift ko, Wala pang nakagawa nito for sure." I smiled at her. Natatawa ako sa itsura niya.

"Oh my ghad bes don't cry. Ito na nga oh, diba gusto mo siya? Ayan na ginawa ko nang regalo" I wiped her tears away.

"Hindi ka ba masaya na magiging sayo na siya? Diba kay tagal mo siyang hinintay? Oh ako na nga tung nagpakahirap para Hindi ka na malungkot Tapos ngayon iiyak ka? Jusko naman be eh. Ano pa ba gusto mo? Dali ibibigay ko.

"B-bes I'm s-so sorry... I'm r-really sorry Hindi k-ko sinadya" she keep on crying, now begging for my forgiveness.

"B-bakit ka ba nag so-sorry? Hindi mo naman kasalanan yun" she looked at me, I smiled. I hugged her, syaka pinipigilan ang mga luhang kumakawala sa aking mata.

"I love you bes" Tumalikod ako sa kanya at humarap sa regalong tinutukoy ko.

"Ingatan mo siya ah? Dapat ibigay mo lahat ng gusto niya. Wag na wag mo siyang papaiyakin at sasaktan dahil malalagot ka sa akin talaga" pagbabanta ko dito, syaka yumakap.

"Pakasaya kayo ha? Kay tagal din kayong nagtago eh..... Paalam, mahal ko" I kissed his cheek "I love you"

Sa ilalim ng maitim na langit,
Ako'y naglalakad mag-isa.
Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin,
Ay ang pagpatak ng aking mga luha.

Nag-uunahan, naghahabulan.
Hindi ko na makita aking nilalakaran.
Ang akin lang Alam
Wala na itong patutunguhan.

Nagparaya na naman,
Itong munting dalaga.
Paalam aking mga mahal,
Hanggang sa muli nating pagkikita.

Time of death: 12:51 am

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now