She, who loves to be drawn

22 4 0
                                    

"Picturan mo nalang kasi ako Tapos I drawing mo nalang sa inyo. Nakakapagod mag pose pose Tapos Hindi pa gumagalaw." Pagrereklamo ni Amy.

Gusto niya na I drawing ko ulit siya matapos makita yung unang drawing ko sa kanya. Ako naman si tanga pumayag, crush eh.

"Wait kuhanan mo ako, yung parang Hindi ko alam" Syaka sa nag pose nang nakatagilid sa camera.

Amy is my childhood best friend. Mula bata Ay magkasama na kami kaya Hindi na ako nagtaka ng isang araw Ay nagkagusto ako sa kanya. Hindi din naman siya mahirap gustohin eh, mabait, maganda Tapos matalino pa.

Sabay din kaming grumadute ng college, Doctor na siya while I'm an architect.

"Eth magkita tayo, may sasabihin ako sayo" napangiti ako ng marinig ang kasihayan sa tinig niya.

"May sasabihin din ako sayo eh, pero may kukunin lang muna ako sa bahay... Doon nalang tayo magkita sa coffee shop?" Napatingin ako sa cellphone nang ibaba ko na ito.

I think it's time to tell her what I feel.

Dali-dali Kong isinilid sa isang plastic na lalagyan ng mga regalo ang picture frame na naglalaman ng iginuhit Kong mukha niya syaka nakangiting nagtungo sa coffee shop.

"Amy gusto kita"

"Amy sorry kung itinago ko sayo ito ng mahabang panahon"

"Amy... Arghhhh" para akong balew na nagsasalitang mag-isa dito sa parking lot.

"Inhale... Exhale... Inhale..."

"Ethan!" Napatigil ako ng bigla Ay tawagin niya ako, I smiled "Anong Ginagawa mo Jan? Halika na"

I enter the coffee shop nervously.

"Gague ka antagal mo"

"Sorry naman... So ano yung sasabihin mo?" I asked while tinatabi yung regalo ko para sa kanya.

Napangiti ako ng nakita ang kinang at saya sa kanyang mukha pero nawala din iyon ng nakangiti niyang iangat ang kanyang kamay at pinakita sakin kung anong nandon sa daliri niya.

"I'm engaged" Bigla Ay parang gumuho yung mundo ko, bigla Ay parang nawala yung pag-asang mayroon ako kanina.

Pinilit Kong ngumiti para itago ang sakit na nararamdaman.

"T-talaga? Bat Hindi ko nalamang may boyfriend ka na ha?" Nagtatampo kunyaring tanong ko. Ang hirap pala magtago ng sakit no? Yung tipong Kahit parang artista Hindi kakayanin.

"Sorry na Eth, kasi naman natatakot kaming baka Hindi pa tanggap ng mga magulang namin kaya tinago muna namin." Sa paglalambing niya ay mas dumagdag pa iyong sakit na nararamdaman ko. Ilang saglit na lang ay baka bibigay na yung mga luha ko at bumagsak.

"At syaka Alam mo Eth magaling din siya mag drawing, Grabe andami na nga niyang drawing sakin." Makikita mo talaga sa mga mata niya ang saya at yung pagmamahal. Yung tipong parang iniisip niya yung maswerteng lalaking iyon habang ako yung nasa harapan niya, and that breaks me even more.

"T-talaga? Oh edi sabihin mo sa kanya na magpapa drawing din ako" Tumawa siya kaya nakita tawa din ako pero mukhang nagtunog peke lang din iyon.

"Ay wait, diba may sasabihin ka din? Ano yun?" Her eyebrows rise, naghihintay ng sagot ko. Pero umiling-iling lang ako.

"Nakalimotan ko eh" kinamot ko ang aking batok na parang nahihiya dahil nga nakalimutan ko.

"Nakuuu.... Oh eh ano yang bitbit mo? Para sakin ba yan?" Pilit niyang tinatanaw kung ano ang laman niyon pero inilayo ko ito.

"H-hindi, Hindi no asa ka. Para to sa Mahal ko" pagpapaliwanag ko, bigla Ay lumaki yung mga mata niya syaka umawang ang bibig.

"Naks Eth, may Mahal ka na pala ha. Hindi mo man lang ba siya ipapakilala sakin?... Asan ba siya? Bat Hindi mo dinala dito?" Tanong niya habang nilibot ng tingin ang buong coffee shop na para bang andoon yung babaeng hinahanap niya at nagmamasid lang.

I looked at her. Her face, her nose, her lips.... And her fingers mas lalo pa akong nanlumo nang makita ang makinang na bagay na iyon. Hindi ko mapigilang mag isip ng mga sana. Sana ako yun, sana ako nalang at sana sa akin nalang nanggaling yung singsing na yun.

"Wooy Gague ka, Asan na Sabi siya?" Rinig Kong tanong pa niya pero masyado akong lutang kakaisip.

"Ayun may Mahal palang iba"

What if sinabi ko sa kanya dati palang yung nararamdaman ko, matatanggap niya kaya ako? Aamin din ba siyang Mahal niya ako? Kung nagkalakas lang sana ako ng loob dati, Siguro kami yung ikakasal ngayon

"Ahhhh" bumalik ako sa katinuan ng bigla Ay yakapin niya ako. "Okay lang yan Eth, andito lang ako tuwing kailangan mo 'ko"

Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman at yumakap pabalik sa kanya. My tears started to fall as she keeps on rubbing my back. No words or phrases can describe what am I feeling right now. I never thought that such pain would exist without any physical pain.

"Ganun ka na ba ka manhid?"

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now