Pagod na ako

56 4 0
                                    


Matagal na nung akoy iwanan mo, matagal na nung akoy pinagpalit mo.

Ang sakit sakit mong mahalin. Ang hirap hirap mong intindihin.

Nagtiis ako ng Ilang taon mapanindigan lang yung pangako ko, nung maghiwalay tayo'y nagtiis pa din sa sakit na Iniwan mo.

Araw araw akong nadudurog habang ikaw Ay buong-buo kapiling niya.

Araw araw akong naghihinagpis habang ikaw nagpapakasaya.

Mga kaibigan koy pinagtabuyan ko pa, dahil lang sayo sinta.

Pero pagod na ako.

Pagod na akong masaktan.

Pagod na ang aking mata kakaluha gabi't umaga.

Pagod na akong maghintay na ikay muling bumalik.

Pagod na ako, suko na, ayoko na, tama na.

Kaya ngayon pangako ko aking sinta, huli na ito.

Hindi na ulit ako maghihintay sa pagbabalik mo.

Hindi na ulit ako magpapakatanga nang dahil sayo.

Pangako koy huling Patak na ng luha ito.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now