You love me, You love me not

56 4 0
                                    

Habang naglalakad lakad, my eyes dropped to this beautiful flower. Sa sobrang ganda, naakit akong pitasin iyon.

"He loves me"
"He loves me not"

Unti unti Kong tinatanggal ang mga petals at sinasabi ang mga katagang yun while I'm thinking of someone, I smiled.

"He loves me"
"He loves me not"

Paulit-ulit ko iyong isinasatinig habang patuloy pa din ang paglalakad.

"He loves me"
"He loves me not"

Hindi ko na Alam kung saan ako dinadala ng mga paa. Lakad lang ako ng lakad habang pinipitas ang mga petals ng kaninang napakagandang bulaklak.

"He loves me"
"He loves m~~"

Napatigil ako ng biglang may narinig. Inilibot ko ang aking paningin at napagtantong nasa isang eskinita na ako.

"You loves me"
"You loves me not"

Pilit kung tinutunton kung saan galing ang tinig na iyon. Nakita ko ang pulang kotse na nakaparada sa gilid. Rinig Kong doon nanggagaling ang tinig, nagtaka pa ako kasi impossible namang ang kotse yung nagsasalita.

"You loves me"
"You loves me not"

Habang papalapit Ay mas lumalakas pa iyong tinig, habang lumalakas Ay mas pamilyar pa ito. Pati na din ang mismong kotse, parang nakita ko na dati.

"You loves me"
"You loves me not"

And there I saw these two people, they're at the back of this beautiful red car.

"You loves me"
"You loves me not"

Gusto ko mang Malaman Kung kaninong boses yun Ay Hindi ko magawa dahil nakatalikod siya saakin, kaharap ang isang lalaking Hindi ko din makita ang mukha dahil natatabunan sa ulo ng babaeng nagsasalita. Nagtago lang ako sa parteng Alam kung Hindi nila ako makikit.

"You loves me"
"You loves me not"

Habang sinasabi niya ang mga iyon Ay kitang kita ko naman ang isa isang pagkalaglag ng petals ng bulaklak sa paanan nila.

Patuloy lang na ganun hanggang sa maubos ang dahon ng bulaklak. At ang huli niyang naisatinig Ay ang mga katagang "you loves me"

Tumili ang babae sa subrang saya na naramdaman. Aalis na sana ako ng bigla silang magyakap dalawa at naghalikan. Bigla Ay Unti unting tumulo ang luha sa aking mga mata, pilit ko itong pinipigilan pero patuloy pa din ito sa pagragasa.

I walked towards them and hinablot ang buhok ng babae.

"Ang landi mo" I shouted as tears falls down again.

"A-aray ano ba? Anong bang problema mo" mas lalo akong nairita dahil sa pagsagot niya. "At bakit ka umiiyak?"

Tumalikod ako sa kanila as I wiped my tears away once again. Nang masiguradong Wala na ang mga luha Ay syaka lang ulit ako lumingon sa kanila.

"Patay ka Kay mama, kanina pa kita hinahanap Tapos naglalandi ka lng pala. Grade 3 pa nga lang kayong mga bwesit kayo" at syaka kinaladkad ang babae.

"A-ray ate naman eh... So bat ka nga umiyak?"

"Wala... Sanaoll lang may Jowa"

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now