Chapter 12: Halik

2.1K 45 0
                                    

Mikaél

Kung hindi ko lang kilala at kaibigan 'tong si Timothy baka nasuntok ko na 'to. Darn it. I still can't believe that he's dating my sister and they've been secretly dating for two years. Kaya pala laging atat makapunta ng bahay 'tong isang 'to. Kaya pala gusto niya lagi na binibilhan si Lottie ng liptint kahit saang bansa man siya pumunta.

"WHAT THE FUCKING BULLSHIT! TOTOO?!" pati si Chad nagulat din 'nung sinabi namin sa kanya

"Yep. I'm so sorry if all this time I've been hiding this to you, guys. Alam niyo naman, wala pa sa legal age si Charlotte and I don't want na magka-issue at masaktan siya. She's still young and sensitive kahit petty things lang 'yan..." sabi ni Timothy at alam ko namang mahal niya talaga 'yung kapatid ko

What I can't accept yet is the fact that my sister is too young for him. Baka masuntok talaga siya ni Dad if malaman niya 'to. Pa cool-cool lang 'yang si Emperador pero bulkan 'yan kapag nagalit.

"Bro, ako 'yung kinakabahan sa inyong dalawa eh. Paano kung mabisto kayo?" tanong ko kay Tim

"Oo nga. Bro, lakas din ng trip mo. Patay ka kay Uncle Nyle niyan..." segunda naman ni Chad

"Bros, I'm not scared at all. Kung pwede nga lang sabihin ngayon, gagawin ko talaga kaso baka ako naman ang malalagot kay Charlotte..." sabi ulit ni Timothy and he's currently calling Lottie

I wanna see her reaction kapag nalaman niyang alam ko na.

------------------------------------------------------------

Paulette

Nagbabasa ako ng book na All The Bright Places ni Jennifer Niven at the moment. Ang bigat pa kasi ng tiyan ko and I'm still lazy to do something. Narinig kong may sumigaw sa room nina Mikaél so I got up from my bed right away. Baka ano nang nangyari sa mga 'yun. Might as well check if they're okay.

Kumatok ako ng dalawang beses until someone opened the door.

Hindi si Mikaél. I don't know why but I got disappointed. Problema mo, Pau? Ma-aattach ka na naman tapos wala na namang mangyayari? Tsk.

"Hi. How may I help you?" sabi 'nung guy and I assume kaibigan siya ni Mikaél

"Ahh...si Mikaél? May narinig kasi akong sumisigaw so nag-alala ako..." sabi ko at nakita kong ngumiti ng slight 'yung kausap ko

"Hang on. I'll call him..." mukha namang mabait 'yung kaibigan na 'yun ni Kael

After ng ilang segundo ay si Mikaél na 'yung kaharap ko.

"It's getting late. May problema ba?" tanong niya sa 'kin at mabilis naman akong umiling

"Wala naman. Kayo ba? May sumigaw kasi kanina kaya nag-alala ako..." sabi ko sa kanya

"Everything's fine here. Sorry if nag-worry ka pa..." sabi niya sabay ngiti sa akin

I love his eyes and the way his lips forms into a sweet smile. 'Yung mata niya maangas pero may tamis kapag tinititigan ko.

"You okay?" napansin niya yata na medyo natulala ako

"Ah yes. Sige, I'll go back na lang...." paalam ko at tumango naman siya

"Sure..." sabi niya at 'yun lang 'yun?

Buti pa si Theodore Finch ng All The Bright Places may pakialam kay Violet Markley. Ako na nga 'tong concern, ako pa 'yung sinabihan lang ng 'sure'. Okay fine. Sure!

Dismayado akong pumasok sa loob ng room ko. Magbabasa na nga lang ako. Bakit ba ako nag-iinarte in the first place?

Maya-maya'y may kumatok sa pintuan ng room ko. It must be the food na pina-deliver ko. Mostly desserts siya kasi wala eh, nagki-crave lang ako ng eclairs ngayon.

I opened the door and I saw Kael standing outside. May dala-dala siyang plastic bag.

"Siopao at balut, gusto mo?" tanong niya sabay ngiti

"Sure..." sagot ko kahit na naiinis pa rin ako na sinabihan niya lang ako ng sure kanina

"Should we go inside?" tanong niya sabay nguso sa loob ng kwarto ko

"Come in..." sabi ko naman

------------------------------------------------------------
8/10/20
9:36 AM

MIKAÉL VENEREZA (18+) COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ