Chapter 18: Club

2K 41 6
                                    

Mikaél

Nakarating na kami sa meeting place ni Rafi at ng mga kaibigan niya. On our way to the club, nagkaroon kami ng chance to have a little chitchat about our lives. She works as chemist and guess where? She's working at Uncle Flint's pharmaceutical company. Uncle Flint is Dad's younger brother. What a small world, diba? At first daw she somehow knew that I'm related to Uncle Flint kasi nga daw Venereza and our family name daw has taken over this country. Well, hindi naman. Our family has businesses lang in various sectors and we do work hard just to be where we are now.

The name of the club is The Hopchicks and it looks like a decent club. Yung walang stripper. 'Yung inuman lang at sayawan pero walang laplapan sa banyo.

"So, alam ba nila na may kasama ka?" agad kong tanong at kakapasok lang namin sa entrance

"Actually no pero okay lang naman sa kanila..." sabat niya

"How's Uncle Flint as a boss, by the way?"

"He's very strict but in an appropriate way naman. Sometimes he does crack some jokes but atin-atin lang 'to ah....waley mostly 'yung jokes niya...." sabi niya and I laughed hard with what she just said

"He's a weirdo. Siya lang 'yung nakakaintindi ng jokes niya..." sabi ko at tumawa siya

"Buti na lang hindi ka waley..." sabi niya sabay ngiti sa akin

"You haven't heard my jokes yet..." sabi ko naman at nakapasok na kami ng club

Everything is in neon. The lights are all good in purple and yellow green colors plus the tables are in hot pink as well. For sure babae 'yung owner ng club na 'to. Halata sa colors eh.

"Edi mag-joke ka lang nang mag-joke sa next nating pagkikita..." sabi niya and she looks so cute


Maliit siyang babae. Hanggang balikat ko nga lang siya at yung buhok niya sobrang ikli, hanggang balikat niya lang. Para talaga siyang college student at kulang na lang magka-backpack para maging kagaya ni Dora. She's freaking cute, man.

"So, I'll be able to see you again pala?" tanong ko



"Yes ofcourse. The island is too small not to bump on each other, diba?" sabi niya sabay wave sa mga babae na nasa di kalayuan


I'm guessing they're her friends. Nakaka-intimidate naman.

"True...." segunda ko kasi totoo naman


Medyo nawawala na 'yung pagka-dismaya ko kay Paulette. Kamusta na kaya siya ngayon? Kumain ba talaga siya ng ice cream? I hope she's okay. Kahit na wala siyang pakialam sa akin, I freaking care about that lady.

"Hey girls! Sorry na-late ako..." bati ni Rafi sa mga kaibigan niya


"Yo girl! Okay lang uy. Kaka-order lang din naman namin so walang problema. Sino siya?" sabi nung babaeng blonde yung buhok at naka-sando lang. Tinuro niya ako and I can feel all their eyes on me.


"He's a friend. Pamangkin ng boss ko..." sabat ni Rafi at niyaya akong umupo


Akala ko noong una they're here to party pero business pala 'yung pag-uusapan nila. They are planning to open a scent shop and it's a collaboration of them four. Lahat pala sila ay chemist at nakaka-OP to be honest. Thanks to Rafi for checking up on me,talking to me, and including me in their conversations.

Mabait 'tong babaeng 'to. Conservative manamit at hindi makabasag pinggan.

"Okay ka lang, Viii?" bumulong siya sakin at napangiti ako sa tawag niya sakin


"Viii?" tanong ko



"Venereza 'yun..." sabat niya



"Oh okay. Dapat pala Viii din itawag ko sa'yo kasi Villelez ka eh..." sabi ko at ngumiti lang siya




"Depends on you. Sarap ng lemonade noh?" inangat niya 'yung iniinom niya and unlike her friends, siya lang 'yung hindi umiinom ng alcoholic drinks


"It's good..." sabi ko at nakita kong nakatingin sa akin 'yung isa niyang kaibigan. 'Yung curly hair na chinita. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti naman kahit papaano.


Their meeting/ hangout went really well at nauna nang nagsibalikan sa hotel nila 'yung mga kaibigan ni Rafi. Kami namang dalawa ay naglalakad lang sa gilid ng beach at namumulot siya ng shells.

"You know what, para ka talagang bata...." sabi ko sabay tawa


"Hayaan mo na 'ko. Nagko-collect kasi talaga ako ng shells. Ang cute lang kasi nila..." sabi niya naman sabay lagay sa bulsa niya ng mga nakuha niya



"Wala namang problema 'dun. Enjoy ka lang..." saad ko



Tinignan niya ako sabay ngiti. Her smile is so pure. Alam mong masayang-masaya talaga siya.


"Thanks for tonight pala ha? Hindi ko malilimutan ang araw na 'to..." at bigla siyang naging sentimental



"That's alright. I'm happy that I was able to go there with you..." sabi ko naman at sakto kasi may naapakan akong shell




Dinampot ko ito sabay inilawan gamit ang phone ko.




"Look...." tawag ko sa kanya at lumapit siya sa akin




"Ang cuteeeeee!" tuwang-tuwa siya




It's a heart-shape shell at ang weird lang kasi normally shells don't come in this shape naman.


"Keep it..." sabi ko sabay abot ng shell sa kanya



"Yieeee. Thank youuu!" sabi niya




And then we continue on looking for more shells. Simple lang 'yung ginagawa namin but I'm happy. As in literally, my heart is beating in weird and fast beats.

-------------------------------------------------------------
8/20/20
10:22 A.M


MIKAÉL VENEREZA (18+) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora