Chapter 17: Bundol

2.4K 37 0
                                    

Mikaél

Time check 9:29 A.M. Nakatulog din ako pero ilang oras lang but atleast I was able to rest. Nasa dining area na kami ng hotel ngayon at si Timothy lang 'yung kasama ko. Nag-iinarte si Chad kasi nga medyo uminit ang ulo ko sa kanya kaninang madaling araw, diba? Tsk. Pabebe ang mokong. Medyo gutom na rin kasi kami at si Tim kakagaling lang sa morning routine niya which is jogging. I want some coffee and french toast pero baka gutumin pa ako so I might also eat eggs and bacon as well. Ganun talaga eh, mayaman tayo pero patay gutom tayo when it comes sa pagkain. HAHAHAHA. Kung pwede lang magdala ng sariling food dito ngayon, baka nagdala na ako ng tinapa para kanin na lang ang po-problemahin ko.

Umupo na kami ni Tim sa aming table which is nasa far right banda, malapit sa dalawang foreigners na if I'm not mistaken, ay parang mga Dutch yata.
Pasubo na sana ako ng unang kain ko of the day nang mahagilap ng mga mata ko si Paulette in her oversized white shirt which says 'WORSHIP' and she's wearing jeans. I waved at her para makita niya ako and when she saw me, ngumiti siya at naglakad papunta sa amin.

"Looks like someone's happy to see you..." bulong ni Timothy sa akin

"Shut up..." sabi ko sa kanya

"Asus. Kinikilig ka pa eh..." sabi niya ulit so I glared at him

Tinignan ko siya ng masama kaso saktong nasa harapan na namin si Paulette so napawi yung inis ko at napalitan ng kilig.

"Good morning..." bati niya pero sa akin lang siya nakatingin

"Good morning..." bati ko rin and we both gave each other a knowing look

"At good morning din! May tao pa dito ah. Baka kasi makalimutan niyo 'ko..." epal naman ni Tim kaya tumawa lang si Paulette

"Hi! I'm Paulette nga pala..." pakilala niya kay Tim kasi hindi pa sila nagmi-meet in person eh

Tim just only knew her based on the stories and chika namin ni Chad.

"Nice to meet you. I'm Timothy Uysieng..." sabi naman ni Tim at tumayo pa para makipag-shakehands sa babygirl ko

So tumayo ako at inagaw yung kamay ni Paulette. Pareho silang napatingin sa akin at tinawanan ang pagka-childish ko.

"Bro, chill. Sayo lang 'tong bebelabs mo..." sabi agad ni Tim kasi nag-aapoy yung tingin ko sa kanya

Tumawa lang si Paulette.

"Chill..." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi

Sigurado akong namula ako. Grabe yung tingin sa akin ni Tim.

"What?" inis kong tanong kay Timothy

"Haaaa? Wala bro. I'm just smiling..." sabi naman ni mokong

"Smiling your face. Kumain ka na nga lang. Isubo ko sayo pati yung plato eh...." sabi ko kaya mas lalo pa siyang tumawa

"Pikon ka talaga ever since..." sabi niya at buti na lang nandito si Paulette kasi kung wala naibitin ko na ng patihaya 'to

Kumain kaming tatlo pero kami lang ni Paulette ang nag-uusap. Minsan nakikisaling-pusa 'tong bestfriend ko at si Pau lang 'yung sumasagot at pumapansin sa kanya.

-------------------------------------------------------------

Paulette

Breakfast was done and it's so good. Nglalakad na kami ni Kael ngayon patungo sa ice cream shop kasi he wanted to do some walking for fast digestion of food daw and we're both craving for some ice cream. Though meron naman sa hotel but still and we heard that this ice cream shop is the best in this island. While walking, kitang-kita namin ang ilang portions ng Isla Eslaveria, the island for happy souls daw. Kailan kaya kami makakapasok 'dun? Hindi ka kasi basta-basta lang makakapasok eh, you should be fully happy daw. Happy naman ako ngayon kasi obviously, Mikael is here to make me happy and feel loved.

MIKAÉL VENEREZA (18+) COMPLETEDWhere stories live. Discover now