Chapter 1.

3.5K 63 29
                                    

JHO




"Hey what's up mga ka bhe, we're here again for another episode of my vlog"


Maligayang bati ko habang nakaharap sa camera. I was doing this a year ago, and vlog became my escape in everything. Natulungan ako upang sumikat dahil sa mga videos that I posted on my youtube channel.



"As I promise on my last vlog, i'm gonna share my special recipe for kare kare. And here I am, tinatahak ko na ang daan papunta sa'yo. Charoooot, echoz naman kayo agad! Siyempre yung daan papuntang kitchen hahaha" paloka loka na sabi ko.



When i'm doing my thing, bigla nalang akong naduwal at sumuka ng sumuka. And I have no fucking idea, what's going on?! Fuck. It's been 3 days, 3 days na akong naduduwal. Kaya dali dali kong kinuha ang cam ko at i-save yung nasimulan ko ng video. I'm not really feeling well. What the fuck is happening?!



"Tangina naman! Ano ba lalamunan, makisama ka naman oh" naiinis na sabi ko sa sarili ko. Kaya I call my friend for some questions na itatanong ko.



"Hello, Jho?"


"Tangina naman, Jia. Bat ba ang tagal sumagot?" naiinis na sabi ko habang umiinom ng tubig.


"Wow ha! Di naman halata na bad mood ka" nang aasar na sabi niya.


"Ji, nasusuka ako" sabi ko at sabay takbo ulit papuntang sink. Shit.


"Naku! Jhoana, anong nangyayari sa'yo? May lagnat ka ba?" nag aalalang sabi niya.


"Wala no! Loka! Naduduwal lang ako, pero alam mo yung feeling na wala naman akong reason para masuka. Pero nasusuka ako" sabi ko sabay mumog.


"Did you consult on a doctor?"


"Ay naku Ji! Parang bata naman yan, ano ako? Magkakasakit ng malala. Ay jusko ka!" sabi ko.


"Ahm, aside from being nasusuka? Ano pa nafe-feel mo?" tanong niya.


"Minsan nahihilo. Minsan gusto ko lang matulog. And ayaw ko sa amoy ng Joy na sabon at ayaw ko rin sa amoy ng mango"


"What the? Dinatnan kana ba ngayon na month? And kailangan kapa nagsawa sa Joy na sabon, eh mukha ka ngang adik sa kaka amoy nun. And mango? Really huh, Jhoana?!"


Imbis na ako yung may tanong. Siya ata ang maraming tanong🤘


"Actually delay na ako ng 3 days. And ngayon lang to nangyari. Bat mo tanong? Bakit ikaw wala pa ba?" sabi ko sabay subo ng grapes.


"Tangina! Magbihis ka! Punta tayo sa OB ng kilala kong friend. Magpacheck up tayo!" natatarantang sabi ni Jia.


"Hahahahah, patawa ka naman Ji! OB? Bakit nakakagamot ba yun ng pagsusuka? Gaga ka talaga eh no" natatawang sabi ko.


"Ikaw yung patawa! Gaga ka ba? Jhoana, baka buntis ka! Kaya magbihis ka na diyan. I'll fetch you" sabi niya sabay end ng call.


Kaya medyo naloading pa ako sa sinabi ni Jia. No way! This can't be.



"Putangina! Di kaya buntis talaga ako?"


_____________________________

BEA





Bon Voyage, Beast.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon