Chapter 16.

1.6K 53 12
                                    

BEA

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Jho.

"Ewan"

"Umayos ka nga!" naiinis na sagot niya.

"Jho, define home" sabi ko sabay sulyap sa kanya ng mabilis. Nagda drive kase ako hehe.

"Home is not a place, it's a person" mahinahong sabi niya.

"Well, I just want to show to you your real home." nakangiting sabi ko.

"What do you mean, Bei?" tanong niya.

"Bilang ka ng 10, malalaman mo rin" sabi ko, kaya hinampas niya naman ako. Brutal.

"Kalokohan ka naman eh" parang batang sabi niya.

"8, 7, 6, 5, 4, 3, " di ko na natapos ang pagbibilang ng magsalita siya.

"Bat ka sa 8 nagsimula? Eh sabi mo 10" masungit na sabi niya.

"Nanghahampas ka pa eh" sabi ko sabay tigil sa harap ng isang bahay. "Baba na, may naghihintay na sorpresa sa'yo sa labas" malokong sabi ko. Bumaba naman ako agad at pinagbuksan siya.

"Bea, saan ba tayo ha?" sabi niya, pero di lang ako kumibo at inalalayan lang siya hanggang sa makalapit kami sa gate. Nag doorbell naman agad ako.

"I'm glad that you're finally home, Jho" nakangiting sabi ko, narinig naman namin ang pagbukas ng gate.

"A-ate? A-ate pangs?" I think ito yung si Jaja eh.

"J-ja, omg i miss you!" sabi ni Jho sabay yakap kay Jaja.

"Ate, i miss you too. Ang tagal mong nawala" umiiyak na sabi nung Jaja. Habang ako nakatingin lang sa kanila. Nakita ko naman na may papalapit sa amin na babae.

"Janel, aba't hindi ka nagsabi na may bisita ka pala, sino ba yan?" ngunit napatigil siya ng kumalas ng yakap si Jho galing sa bisig ng kanyang kapatid.

"J-jhoana? Ikaw na ba yan?" di makapaniwalang sabi ng Mom ni Jho.

"M-mama. M-ma sorry po" sabi ni Jhoana at naglakad papunta sa mama niya.

"Sorry po. Sorry po. Sorry" yan ang paulit ulit na sabi ni Jho habang umiiyak sa balikat ng kanyang ina.

"Ate, thank you sa pag uwi dito kay Ate Jhoana" sabi ni Jaja, sabay punas ng luha niya.

"Here oh, malinis to" nakangiting sabi ko sabay abot ng panyo, tinanggap niya naman. "Actually, matagal ko na siyang gustong dalhin dito eh. Kaso humahanap lang talaga ako ng right timing. And thank you also for accepting my message request" sabi ko. Ngumiti naman siya.

"Pwede pong payakap ate? Bilang pasasalamat lang" sabi niya kaya niyakap ko naman siya. Ang layo ni Jho sa kapatid niya, ang sweet samantalang siya nakakatakot haha.

"Janel, papasukin mo na yang kasama ng ate mo. Halika tuloy ka" sabi nung mom ni Jho. Sumunod naman kami ni Janel sa kanila.

"Uhm, Ma'am hindi na po ako magtatagal dito. May kailangan pa po kasi akong tapusin" nahihiyang sabi ko nung makapasok na kami sa bahay nila.

"Ay naku hija! Hindi ba yan pwede ipagpaliban muna? Gusto kong dumito ka muna at kumain. Bilang pasasalamat lang sa pag alaga kay Jhoana ko" sabi nung Mom niya.

"Bei, di ba yan pwedeng makahintay? Stay ka muna dito please" sabi ni Jho, nahiya naman akong tumanggi.

"Ahm, tatawagan ko muna po yung secretary ko, sasabihin ko nalang po na bukas ko nalang yun tatapusin" sabi ko, kaya napangiti naman si Jho.

Bon Voyage, Beast.Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora