Chapter 9.

1.7K 43 14
                                    

JHO




"You must consume foods and beverages rich in folate, calcium, protein and iron. The supplements that I gave you, you must take it on time. Wag iinom ng ibang gamot kapag hindi ko nireseta ha. Wag magpalipas ng gutom, kumain on time at higit sa lahat wag makalimutang mag breakfast" sabi ni Doc Ella.


"Yes po, Ate Ells. Mabuti nalang at wala si Bea dito habang sinasabi mo yan, kase for sure magiging praning na naman yun para balaan ako" natatawang sabi ko. Totoo naman kase haha.


"Aba! Tama lang yun, Jho. Atsaka binilin din kita sa kanya. Mabuti nalang at sinsunod niya ang sinasabi ko, pinagalitan ko kase yun last check up mo kase nga diba palagi siyang wala diyan sa bahay kapag may flight siya" Ate Ella said.


Nakabalik na rin pala si Bea sa trabaho niya. Aaminin ko na nahirapan ako at first kase nasanay na ako na andiyan sa. At isali niyo na rin ang pagiging protective niya sa akin, konting galaw ko lang aalalay agad siya.


"Pero nag iingat naman po ako Ate Ells. At isa pa po, ayoko naman po dumagdag sa iisipin ni Bea. Pagod pa yun galing biyahe niya po" sabi ko, magsasalita sana si Ate Ells ng may kumatok at bumukas ang pinto.


"Hi guys"


"Himala at ngayon lang kita nakita na dumalaw ulit dito. Hindi halatang pagod ka, ang fresh paps ha" sabi ni Ate Ells at sinalubong ang pumasok na Bea.


Naka men's short siya na kulay maroon at naka penshoppe striped shirt. Tapos naka harry potter eyeglass. Wow ha, may balak pang mag ayos mula sa mahabang biyahe. Iba ka, papi Bei. Ikaw na.


"Yeah, I have a little time naman to make ayos for myself. Ayoko naman magmukhang zombie na pupunta dito no" sabi niya sabay lakad papunta sa direction ko.


"Hi, Jho" sabi niya sabay halik sa tuktok ng ulo ko. Ugh shit, ang bango bes. Pumantay naman siya sa tiyan ko atsaka hinimas ito. "Hi little chootie, are you okay there?" sabi niya na parang may sasagot sa kanya.


"Aba, bat parang nakikita ko na ang future niyong dalawa? Totoo bang family friend ka lang talaga netong si Bea, Ineng?" pagbibiro ni Ate Els. Napatayo naman si Bea saka umupo sa harap ko.


"I thought your job is a doctor? Di ko alam na interviewer ka na pala ngayon, ano ka alagad ni Tito Boy?" pagbibirong sabi ni Bea. Tangina talaga to! Kaya natawa nalang ako.


"Aba! Aba! Aba! Matuto kang gumalang sa nakakatanda sa'yo Bea ha. Atsaka anong alagad ni tito boy? Hoy hindi ako kalbo para maging alagad niya" kaya ayun napatawa ulit ako sa sinabi ni Ate Ella. Solid talaga pag magkasama tong dalawa.


"Ahm, Jhoana. Yung nga sinabi ko ha. At ikaw naman Beatriz, alagaan mo to. Wag naman sana umabot sa point na ikaw pa yung aalagaan ni Jhoana" sabi ni Ate Ells. Kaya nagpacute lang si Bea sa harapan niya.


Matapos naming magpa alam kay Ate Ella ay lumabas na rin kami agad sa hospital. Actually medyo naiilang nga ako eh, pinagtitinginan kase ng mga nurse si Bea. Hindi ko naman pala alam na sikat talaga tong kasama ko. Tapos may naririnig pa akong mga bulongan na sobrang swerte ko daw kay Bea, papi na hot pa. Pero oo nga naman swerte ako sa kanya kase naging kaibigan ko siya.


"Are you hungry na ba?" malambing na sabi ni Bea pero nakatingin parin sa daan. Papunta kase kami ngayon sa mall.


"Hindi pa naman. Ikaw ba?" sabi ko.

"Actually I want to eat chicken fillet. Drive thru tayo sa Mcdo?" sabi niya, kita ko ang ningning sa mga mata niya haha.


Bon Voyage, Beast.Where stories live. Discover now