Chapter 13.

1.5K 47 6
                                    

BEA


"Bat kayo umabot sa ganun?" I asked Ej habang naka upo kami sa couch.

"Di ko din alam. Basta one day lahat nagbago. And then yun wala, naghost na pala ako" sabi niya sabay inom sa bote ng black label. Di ko na binigyan ng baso, siya lang naman iinom.

May flight ka kase bukas haha.

"Sabi mo one day pa lang nawala, diba? Baka busy lang yon, or di kaya may iba na talaga" natatawang sabi ko kaya umirap naman siya.

"Beatriz, sa araw na nalaman kong marami ng nagbago. Dun palang alam ko sa sarili ko na wala na siya. Oo, one day siyang nawala pero di na kase katulad nung dati na palagi kaming mag kausap, kasi habang tumatagal, lumalabo na pala" sabi niya.

"Hintayin mo baka babalik ulit" sabi ko. "Mahal mo na ba?"

"Mahal ko na ba?" balik niyang tanong sa akin.

"Siguro, ewan, oo. Pero di ka naman magkakaganito kung di mo mahal, diba?" sabi ko, kaya napainom naman siya sa bote niyang hawak.

"Tangina, mahal ko na nga" sabi niya kaya napangiti ako.

"Ej, mahal ka ba?" sabi ko, kaya hinampas niya ako.

"Ewan ko sa'yo. Nawala na nga diba? Tapos magtatanong ka pa! Ikaw pa ata yung lasing dito eh." sabi niya.

"Bakit hindi ba nagsabi sa'yo na mahal ka na niya? Waait, ilang months na nga ulit kayong naglalandian?" sabi ko.

"Tangina, Bei. Ang sakit ng word mo, naglalandian talaga? Di pwedeng flirting? Pasosyalin mo naman." sabi niya kaya natawa ako.

"Seryoso kasi! Kaya ka iniiwan eh, kase ganyan ka" sabi ko.

"Road to 1 year na sana, kaso nawala pa" sabi niya sabay inom na naman.

Tangina, diba to natatapangan sa iniinom niya?! Sanaol matatag.

"Wow! 1 year? Tapos di niyo pa nilagyan ng label? Ay ang bagal pala nun eh" di makapaniwalang sabi ko, pero tumingin lang siya sa akin ng nakapoker face.

"Ikaw? Hindi ka mabagal? Ay wow, nahiya yung ka flirt ko sa inyo ni Kianna Dy!" sabi niya sabay irap.

Ay oo nga, mabagal din pala ako hehe.

"Pero you know, Bei. I realized that label isn't important" sabi niya kaya napakunot ako ng noo.

"Kase when you already feel comfortable on someone, kahit wala kayong label. Okay lang. Kasi alam mo sa sarili mo na kahit wala pang kayo, comfortable ka na sa kanya" nakangiting sabi niya.

"But still, label is important." sabi ko.

"Iba yung definition ko sa label eh, kase oo may label kayo pero hindi naman kayo masaya sa isa't isa. Hindi pa naman pala kayo sigurado, and yung mas worst pa nagkakasakitan na kayo" seryosong sabi niya.

"How can you tell that label is important? Kung duwag ka rin naman pala at hindi ka pa handa" kaya napatingin ako sa kanya.

"Duwag siya?" tanong ko.

"Oo, siguro. Hindi ko alam. Pero ganun na rin yun, nawala siya kase duwag siya. Hindi niya kayang magtake ng risk, hindi niya kayang sumugal. Pero sa totoo lang panalo naman siya" malungkot na sabi niya.

"Panalo siya? Saan?" sabi ko.

"Putangina! Ang slow mo, bat ba ako nakatiis sa'yo?" sabi niya sabay hampas sa'kin. "Edi siyempre, sa akin. Kase tataya din ako sa larong yun. Kaya kung sumugal siya, edi susugal din ako" naiinis na sabi niya.

Bon Voyage, Beast.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon