Chapter 17.

1.5K 49 10
                                    

BEA

"Cabin crew, please take your seats for take-off"

"Captain, thanks for the safe ride" sabi ni Therese, batchmate ko nung college.

"Ang formal Tey ha. Well, that's my duty. Welcome, and see you on my next flight" sabi ko sabay beso sa kanya. Papasok na ako sa parking ng airpot bitbit ang gamit ni Ced.

"Baaabe, hintay naman" rinig kong sigaw ni Ced.

"Bagal mo, sino ba yun?" tanong ko.

"That's Basti, may party kasi next week. Ahm yung may ari ng airlines din, if you're free next week samahan mo ko please" sabi niya sabay puppy eyes. Natawa naman ako.

"Saan pala si Deanna?" tanong ko sabay bukas ng backseat ng car ko at nilagay dun ang maleta niya.

"She can't go, may meeting daw siya na pupuntahan eh" sabi niya, binuksan ko naman ang passenger seat ay sumakay siya dun. Pumasok naman ako agad sa driver seat.

"Ahm, papaalam lang ako kay Jho" sabi ko sabay kabit ng seatbelt ko. Tumingin naman siya ng mapang asar.

"Aba, aba! Bat pa magpapa alam? Na develop na ba? Malapit ng mahulog, Captain?" tumatawang sabi niya.

"Mama mo nahulog. Anong develop? Ano ako printer?" barumbadong sagot ko sabay bukas ng engine ng car ko.

"Bwesit hahahaha" hinampas niya naman ako sabay tawa.

"Pero bat pa kasi kailangan magpa alam, diba? Alam mo may naaamoy na ako sa inyo ha" sabi niya, nag focus lang naman ako sa pagda drive, mahirap na kung sasagutin ko pa to for sure asar lang ang abot ko dito.

"Hala! Hindi na siya makasalita, iniisip ang tamang sagot? Huy, babee kapag may feelings na, ako dapat unang maka alam ha" sabi niya, napailing naman ako.

"Anong aalamin diyan, Ceddy babe? Hindi ikaw yung unang makaka alam kasi dapat ako muna. I will make it sure first bago ako mag share sa'yo" nakangiting sabi ko.

"Ang tagal mong ma realize na nahulog kana pala sa kanya. Turtle ka pala? Di ako na inform jusko ka" naiiling na sabi niya, kaya natawa nalang ako.

"Ced, paki sagot naman nung call" sabi ko when I heard my phone ringing.

"Hello po" sabi ni Ced, ni loud speak niya naman kaagad so I will be able to talk pa rin sa taong tumawag.

"Hello, Bea anak" kinabahan naman ako dun sa nagsalita. It was Jho's mom, fuck.

"H-hello po t-tita" kinakabahang sagot ko. Habang si Ced nagpipigil ng tawa.

"Anak, andito pala si Jho ngayon sa bahay. Pinasundo ko kase siya sa papa niya" sabi niya. Tumango tango naman ako na as if makikita ni Tita.

"Ahm, ganun po ba? No problem po. Sabihan mo na lang po ako kung susunduin ko po diyan si Jho" sabi ko.

"Anak, gusto ka sanang makilala ni John eh. Papa ni Jhoana. Kung wala ka namang trabaho ngayon. Dito ka nalang maghaponan at matulog sa amin" kaya pinagpawisan ako ng dis oras. Ay jusko po.

"G-gusto po akong makilala ni sir John? Sige po, pupunta po ako diyan" kinakabahang sabi ko.

"Maa, pagod yan si Bea. Wag mo ng papuntahin pa dito"

"Jhoana, minsan lang naman to. At gusto ring personal na magpasalamat ang papa mo kay Bea" rinig kong sabi ni tita.

"Okay lang naman sa kanya. Bea, anak. Hintayin ka namin dito ha. Mamaya pa naman yun, pwede ka pa maka idlip sandali" sabi ni tita.

Bon Voyage, Beast.Where stories live. Discover now