Chapter 19.

1.6K 50 13
                                    

JHO

"It's a girl?" di makapaniwalang tanong ko.

"Yes, ineng. May little Jhoana ka na" masayang sabi ni Ate Ella.

"Did you hear that, Jho? May baby girl na tayo" masayang sambit ni Bea.

Ang tanong? Kailan magkakaroon ng tayo? ay, gege.

"Kaya ikaw, wag na wag ka ng mawawala sa tabi ni Jhoana ha. Mabuti nalang at di ka pinapahirapan neto" sabi ni Ate Ella na animo'y sinesermonan si Bea.

"Ay nako, Ate Els. Hindi mo natatanong. I am having a hard time sa kanyang paglilihi" sabi niya tapos may pa quote pa talaga siya gamit ang fingers niya.

"Mabuti na yon para wala kang kawala. Ikaw naman ineng, patuloy mo lang pahirapan to ha." sabi ni Ate Ella, natawa nalang ako.

"Uh? Bea, I heard na nagkita na kayo ni Fel? So how was it?" pahabol ni Ate Ella.

Ah? Fel? Kaya pala eFEL. Ay yux ang corny!

"Uhm, actually yeah. You know we're just making bawi to each other kasi matagal tagal na din yung last bonding namin" sabi ni Bea.

"Mukhang bawing bawi kana nga eh, halos ilang araw na rin kayong magkasama. Tapos nagca-cancel ka na rin daw ng mga flights for her" sabi ni Ate Ella. Napailing nalang si Bea.

"Ayaw mo nun. I am trying to have a jowa na. Diba gusto mo na ako magka jowa?" sabi ni Bea, napairap naman si Ate Ella.

"Pero ayaw ko siya para maging jowa mo. May iba akong gusto at hindi siya yun" sabi ni Ate Ella habang nakatingin sa akin ng nakakaloko, napayuko nalang ako.

"Wow, may irereto ka? Naks, naman." sabi ni Bea.

"Oo, gusto mo ireto ko na ngayon sayo eh" panghahamon na sabi ni Ate Ella.

"Sana all prepared. Oh sige nga, reto mo na agad para naman masimulan na namin" sabi ni Bea. Tangina.

"Oh, Jhoana. Ireto na daw kita, para masimulan niyo na daw" malokong sabi ni Ate Ella, parang uminit naman bigla ang mukha ko, gagi.

"Ate Ella" pagbabanta ko sa kanya. "Wag mong isipin yun, Bea. Nagbibiro lang yang si Ate Ella" kinakabahang sabi ko. Shit.

"Oo nga naman. Alam ko naman na mapagbiro si Ate Ella. So, una na kami Doc. At bawas bawasan mo na rin yang pagiging mapag biruin mo ha" sabi niya kaya nakahinga naman ako kaagad.

"Sige, kita nalang tayo sa next check up mo. At ikaw Bea, pag isipan mo yung sinabi ko. Hindi ako nagbibiro don" sabi ni Ate Ella, humihirit pa eh.

"Doc,  una na kami" pag aagaw ko ng pansin kay Ate Ella, bumeso naman ako. "Utang na loob naman, parang lalabas ang puso ko sa kaba" pabulong na sabi ko sa kanya, kaya natawa naman siya.

//

"Where do you want to eat?" tanong ni Bea ng makasakay kami si car niya.

"Ikaw? Saan mo gusto?" balik kong tanong sa kanya.

"I ask you, tapos tanong din sagot mo" naiiling na sabi niya.

Sagutin kita diyan e. Ay wow niligawan ka na?

"What about we will make a vlog habang nagluluto tayo? What do you think of it?" sabi niya, napatingin naman ako sa kanya.

"It sounds good, pero wala ka bang lakad today? Baka may lakad kayo ni Fel?" nag aalangang tanong ko.

Bon Voyage, Beast.Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum