Knight In A Bloody Armor

2.4K 73 5
                                    

*Knight In A Bloody Armor*

Inis kong hinagis ang libro sa mesa bago ibagsak ang sarili ko sa upuan. Nakanganga lang si Yale sa’kin. Wala akong makitang kahit na anong silbi ng death visions ko, hindi rin naman siya premonitions or something. Nakikita ko lang yung smoke so anong silbi nu’n? Hindi naman natatawag na third eye ‘yon kasi ability ang third eye at bago ka magkaroon ng third eye, kailangang mabuo ang seventeen senses. At hindi kasama doon ang usok na nagbibigay ng senyales na paubos na ang buhay ng isang tao.

Nakakasira ng ulo. =____=

“Dreaming, tumigil na tayo.” TT0TT

Tinapunan ko siya ng matalim na titig. “Tumigil? Paano ako titigil? Yale, hindi na’ko makatulog ng gabi! Nakikita mo ba itsura ko? Mukha na’kong zombie!”

Nag-flinch siya nang sumigaw ako.  “H-Huminahon ka muna, Dreaming. Siguro naman pwede tayong bumalik sa Clique tapos magpatulong kay Dark Lockhart ulit. I’m sure kapag nakipag-usap tayo ng maayos, bibigay rin ‘yun.”

“What? Never! Hindi na’ko babalik du’n at hindi na’ko makikipag-usap ulit sa lecheng ‘yun! Never! As in NEVEEEERRRRRRR!!!” >:/

“Sabi ko nga mataas ang alta-presyon mo eh.” (.___.)

“GRRRR!”

Bumalik ulit ako sa shelf ng mga librong naka-stock lang sa mini library niya. I was desperately willing to try and read every books na may kinalaman sa supernaturals. I mean wala naman akong interes do’n dati. Lalong wala akong pake kung buong angkan ko eh may taglay na kanya-kanyang kapangyarihan. Tama nang nalahian lang ako, ayokong nagtataglay ng gano’ng klaseng ka-weirduhan.

“Sha bahala ka d’yan. Magluluto lang muna ako.” tumayo si Yale mula sa kinauupuan niya at lumabas na ng silid.

Nagbubuklat ako ng mga libro ng tahimik. TAHIMIK. As in sobrang tahimik na isang kaluskos lang ay maririnig ko. Ano pa kaya kung tunog na ng binatong bintana?

*CRASH!*

=____=

Dahan-dahan akong sumilip mula sa bookshelf kung saan nakatayo ako kanina. Nagkalat ang mga bubog sa sahig at sa mesa na malapit doon. Wala namang pumasok, ni walang bato. Isa lang ang kapansin-pansin na nasa sahig.

Itlog.

-_______-?

Lumapit ako at dinampot ang itlog. Hindi siya size ng pangkaraniwang itlog pero hindi rin naman size ng pang-peacock na egg. Yung malaki? Kasing laki lang siya ng kamao ko. H’wag nang magtaka, sinukat ko siya. = . =

Kung ito ang ibinato sa bintana, de dapat nabasag na ‘to. Tsaka bakit naman may magbabato ng itlog sa bintana? Ano ‘yun, trip-trip? Sa dami ng pagti-tripan bintana pa ng bahay ni Yale? Tsaka sa dami ng ibabato talagang itlog?

“Booyaka!” \(*0*)/

“AY GAGA!” 0____0

“Hihihihihi…” :3

Napanganga ako ng bongga. Yung… yung hawak kong itlog. Hala! Waaaaaaaaaaahhhhhhh! <(0o0)>!!!

“T-Tyanak… tyanak ka!” 0_____0

The thing keeps giggling. What the heck?

Nabasag yung top ng itlog na hinahawakan ko tapos bigla na lang bumulaga ‘tong… ano nga bang tawag dito? Hindi siya tao. Walang taong kasing-liit lang ng kamao mo. Pero hugis tao siya kung wala lang siyang pakpak. Itim yung pakpak niya eh, may damit siyang super liit na version pero itim rin tsaka feeling ko isang hila ko lang do’n mapupunit ‘yon eh.

The Seed Of AzraelWhere stories live. Discover now