The Dark Side

2.1K 77 2
                                    

*The Dark Side*

 

 

 

“AH!”

“Sorry.”

Pang-ilang beses na ba akong nagso-sorry? -___- Pasensya naman noh. Hindi kasi ako nurse. Nag-offer lang akong dalhin siya sa mansyon niya na by the way ay sumobra ata sa laki pero hindi ko sinabing gagamutin ko ang sugat niya. Kabanas.

“Sire, okay lang kayo?” biglang pasok ng isang lalaking matangkad na mukhang nasa thirties or something near that.

Lumingon si Dark at tumango sa kanya. “Okay lang ako, Glenn. Iwan mo na kami. Naghihintay si Milena sa’yo sa ibaba.”

“Wala ka nang kailangan, Sire? Sigurado kang ayos ka lang?”

“Konting galos lang ‘to. Wala kang dapat na ipag-alala.”

“Kung gano’n… mauuna na’ko.” then he turned to me and bowed his head slightly. “Lady.”

Tumango lang ako sa kanya with an awkward smile. Sinarado niya ang pintuan ng silid. Maya-maya lang ay tumayo si Dark at kumuha ng T-shirt na pampalit sa hinubad niyang damit kanina. I think this is where the question enters. “Anong nangyari sa’yo?”

Tumigil siya sa pagkalikot sa mga gamit niya sa desk office. Isinuot niya ang nakuha niyang damit bago bumaling sa akin. “Will you promise not to run away and go to him if I tell you?”

HIM? What the eff? “That depends. If you kill someone then I’m gonna run away from here faster than the lightning strikes.”

Nag-iwas siya ng tingin. Nakita ko siyang lumunok saka ibinalik ang atensyon niya sa mga mata ko. “I did kill. A lot of ‘em.”

Holy guacamoli! What the hell is he thinking? “Are you out of your mind? Ikaw dapat ang nilalagay sa asylum at hindi ako! Nababaliw ka na ba? Who did you kill?”

“Creed’s servitors.”

Nanlaki ang mata ko. “Did you hurt Creed? I swear to heavens if you hurt him—”

“…you’ll kill me?” gumuhit ang mapait na ngiti sa labi niya pagkatapos ay ibinagsak ang kanyang katawan sa swivel chair na nasa likuran lang niya. His jaws tightened. Ibinaon niya ang mukha niya sa mga kamay niya and I heard his lifeless chuckles. “Will you ever believe what I say, Dream? Will you still believe me?”

“What do you mean?”

He sighed. Nakita kong may pinahid siya sa mukha niya bago siya tumayo. I’m sure he cried for a brief seconds. “Naniwala ka kay Creed. Pwede ka bang maniwala rin sa akin?”

“You know… when I told you things before, you didn’t believe me. You thought I need help. And if I think now that you need help…” I trailed off, watching his agonizing face. I smirked. “Talk. I don’t wanna waste any time.”

The Seed Of AzraelWhere stories live. Discover now