Dark Pains

1.9K 56 3
                                    

*Dark Pains*

“AHHHH!!”

Napabalikwas ako ng bangon. Dark’s side of the bed was empty. Again. Pang-ilang linggo na siyang biglang nawawala ng hating-gabi pagkatapos paggising ko ng umaga nakayakap na siya sa akin. Sigurado ako. Boses ni Dark ‘yon eh.

“D? Asan ka?”

“AHHHH!!!”

I flinched with that scream. It’s a scream of pain, of agony. I didn’t like it one bit.

Dali-dali akong umalis ng kwarto at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig na iyon. Hindi ko man kabisado ang mansyon na ‘to, alam kong kagaya ng mansyon namin, mayroong nakatagong silid ang lugar na ‘to. Maaaring isang basement. Kailangan ko lamang hanapin ang hagdanan na magdadala sa akin.

Alam kong doon ko matatagpuan ang hinahanap ko.

I passed through the tall wall. Napahinto ako. Beneath that I heard gruntings. Fast breathings. From my calculation, isang tao lamang ang pinanggagalingan niyon.

Naghanap ako ng passage na maaaring mag-lead sa tagong lugar na pinanggagalingan ng ingay. Aksidente kong na-slide ang isang fraction ng dingding. Bumulaga sa akin ang madilim na kawalan na tanging ang bakal na hagdanan pababa lamang ang nagbibigay ng laman.

“AHHHGH!”

“Dark…”

Walang dalawang-isip kong tinahak ang hagdanang iyon pababa. Dinala ako nito sa isang dungeon na panay kulungang bakal ang nakahilera. Nasapo ko ang dibdib ko. Eksaktong kumalansing ang bakal sa may dulo ng hilerang iyon. Agad akong tumakbo para makita kung naroon nga si Dark.

And I found myself hurting from the sight.

He was kneeling in pain. His wrists are both tied up in a chain that binds from the wall. He’s coughing blood. Too much blood that I was afraid for his life. “Dark…”

Nag-angat siya ng paningin. His eyes were not the same anymore. The one is a shade of yellow and the other is now a shade of brown. What has happened to him?

“Dream… Dream… Oh God AHHHHH!”

“Oh my God. Dark, where’s the key?” I shook the metal cage. Hindi ko mabuksan. “Dark, where is the damn key? DARK!”

I could see traces of smoke rising from his back na para bang nasusunog siya. Dark… “Just… just wait for me upstairs, baby D. I-I’ll come… AHHHHH!!”

This is breaking my heart. I need to find away to hold him. No please this can’t happen. “Dark, I’m not going. Please, baby, tell me where’s the key. You can’t do this to me. Tell me where’s the key. Let me in please?”

Pinahid ko ang mga luhang nag-uunahang umagos mula sa mga mata ko. Hindi ko siya kayang panoorin ng nahihirapan. Hindi ko kayang manood lang. Kailangan niya ako. Nararamdaman kong kailangan niya ako.

“AHHHHHH!” he grunted, his breathing going fast. There goes the little burn rising again. “I-In the wall… hanging… in there.”

Agad kong hinanap ang susi sa bawat pader ng kulungan. Nakapa ko siya sa pangalawa. Nanginginig ang mga kamay ko nang susian ko ang kandado ng kulungan na kinalalagyan ni Dark. I practically just ran and knelt down before him and took him in my arms. He buried his face in my neck and cried in pain there.

Hindi ako namamalik-mata nang makita ko ang usok na nagmumula sa likuran niya. It looks like it’s burning invisibly sa hindi ko malamang dahilan.

“Dark… you said it’ll be fine. Will it be really fine?”

“It will, baby D. Trust me.” then he screamed again.

The Seed Of AzraelWhere stories live. Discover now