Dark Truth

2.3K 68 4
                                    

*Dark Truth*

**“Baby D, happy ka ba?”

“Tinatanong pa ba ‘yan? Masaya ako, Dream. Masayang-masaya.”

“I’m glad. I’m glad that you’re happy after sending me to hell.”**

“Yap, Yale, okay lang ako. It’s just a dream.” In-adjust ko ang mga hawak kong libro para hindi mahulog habang ang isang kamay ko eh nakahawak sa phone. “It’s just that I think yung panaginip na ‘yon eh may gustong sabihin sa’kin.”

“Yah? And what is that? Seriously, Dream, nagising kang sumisigaw kanina. Dapat hindi ka na pumasok eh. Sobrang putla mo kaya.”

“Okay nga lang ako. You know I heard the pet name ‘Baby D’ somewhere. I just can’t point a finger to it.”

“Baby D? Hmm… common endearment ba ‘yon? Parang di naman.”

“Exactly. Hindi naman trend ‘yun pagdating sa endearments so nahihiwagaan ako kung bakit parang narinig ko na ang endearment na ‘yun. Isn’t it strange? And me talking to someone. Jeez. Creeps me out.”

“What I find strange is… the dream itself. Buong existence mo, hindi ka pa nananaginip kahit na isang beses. That explains your name because you never dreams. What happened there?”

Sabi nila, it’s the birth curse that made me a dreamless human. Dahil sa hindi nga normal ang parents ko, nagkaroon sila ng maraming complications nang ipanganak ako. Kill, my brother, was smoothly born. Lalaki kasi siya, means hindi niya pwedeng manahin ang genes ni Mommy. Unlike me, babae ako. Ibig sabihin pwedeng sabay kong manahin ang genes ng Daddy ko—which is being a vampire, at ang genes ng Mom ko—which is the curse of the evil eye. At kapag nangyari nga ‘yon, hindi malinaw kung saan hahantong.

That’s what you call a literal power overload.

“And that too. So in total, nakakalito talaga.”

“Well… don’t worry, I’ll see if I can do something then.”

“Okay. Call you later, papunta akong classroom.”

“Sige, sige. Take care, Dreaming.”

Tinapos ko na ang tawag. Ibabalik ko sana ang cell phone ko sa bulsa nang may bumunggo sa balikat ko kaya lahat ng hawak kong libro nalaglag sa sahig. Inis kong dinampot kaagad ang mga ‘yon. “Oh my gosh, I’m sorry. Let me help you.”

Nararamdaman ko siyang nagpupulot rin ng mga libro. By the shoes and the voice, I knew it was a girl. Tumayo ako nang matapos ako sa pagpupulot. Nakatayo na siya at nakangiti sa akin sabay abot ng mga librong napulot niya. “Hi, I’m Katherine Lee. Pasensya na, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Pasensya na talaga.”

“Katherine… Lee?”

“Mm.” Sabay tango niya.

Sa pangalawang pagkakataon, nalaglag ang mga librong hawak ko. Hindi dahil sa nabunggo ako, dumulas sila mula sa nanghihina kong kamay. Katherine. Katherine Lee!

•FLASHBACK

“Katherine? Anong ginagawa mo sa kwarto ni Dark?” magagalit sana ako kung hindi ko lang siya nakitang naghahanap ng kung ano sa mga drawer ni Dark sa tabi ng kama. For all that I know is holy, sino ba namang hindi magugulat kapag nakakita ka ng babae sa silid ng boyfriend mo?

“Hinahanap ko kasi yung papeles na pinapakuha niya sa akin. Eh nasa bar counter kasi sila kaya ako na ang inutusan niyang pumunta dito sa office niya. D, patulong naman oh.”

The Seed Of AzraelWhere stories live. Discover now