Dark Desires

2.4K 67 4
                                    

*Dark Desires*

Sa tingin ko sanay na akong makita ang usok na pumapaligid sa bawat taong nadadaanan ko kaya hindi na rin ako masyadong nagre-react at bwisit na bwisit. Isa pa naaaliw naman ako kay Anael na lilipad-lipad sa may kaliwang balikat ko para sundan ako sa classroom. So today, I think the smokes aren’t that much annoying as it was before.

“Dream?”

“Mm?”

“Mahal ni Anael si Dream.”

Napahinto ako. Tumingin ako sa kanya. “Bakit?”

“Kasi mahal na mahal ni Anael si Dream.”

Nagpalinga-linga ako. Sumuot ako sa tagong pasilyo, sumusunod pa rin siya. Para siyang yung makulit na fairy sa Adventure Island na nang-iiwan lang kapag naiinip siya sa katagalan ng pagtalon ng player para umabot sa kabilang hill. Kaloka. =___=

“Nakakawindang kang nilalang ka. Weekends ka lang nag-stay sa’kin mahal na agad? Wala pa nga akong napipigang impormasyon sa’yo.”

“Pero mahal talaga ni Anael si Dream.” :'(

I extended my arms to him. With one poof, nakapagpalit na naman siya ng size at sinugod ako ng yakap. Over. =___=

“Balik ka na ulit sa mini version. Kailangan ko nang pumasok sa klase. Baka mahuli ako.”

Ngumiti siya at bumalik sa dati niyang size. I resumed walking to the classroom. Maingay pa rin, senyales na walang pang guro. Nagpatuloy ako hanggang sa silya ko. Hindi ko pinansin ang nakatungangang lalaki na pinangatawanan na atang tumabi talaga sa upuan ko. Aish.

Speaking of tunganga, nakatingin siya sa may kaliwang parte ko kung saan nakalutang lang si Anael. Nakikita niya? “I see you didn’t freaked out that much.”

Tinignan ko siya. Wow, he pretty much just hinted that he sees Anael. “Nakikita mo siya?”

Tumango si Dark, confirming the idea. “I’m glad you didn’t throw him away or anything to that extent.”

I squinted my eyes at him in warning. “Ano bang alam mo? Bakit kasi hindi ka na lang umamin? Sino ka ba talaga tsaka bakit epal ka ng epal sa buhay ko? Ang laki mong panggulo alam mo ‘yun?” biruin mo ‘yun, sa isang simpleng photoshoot lang nagkanda-letse-letse na ang buhay ko. Sino ba kasi talaga ‘to?

“The deal is still being offered, Dream. One yes and it’s done.” He said it with such a sad tone na parang gusto kong bawiin kaagad ang pagtataray ko. He’s so close to pleading, his eyes screamed it all, it’s so freakin’ obvious pero sinusubukan niyang itago. “Just a yes is all I’m asking.”

Ngunit kahit gano’n, kahit may parte sa’king gustong bumigay sa pakiusap niya, umiling pa rin ako. “Ayoko. Never! Hindi ako makikipag-date sa’yo!”

Nakatawag ng atensyon ang sigaw ko. Nakanganga lahat ng mga babae sa’kin. Mukhang hindi makapaniwalang nambasted ako. <__<

Nag-iwas ako ng tingin. Nagkunwari akong abala sa paglalabas ng notes mula sa compartment ng desk ko. Lumakas ang mga bulungan kaya napaangat ako ng tingin. I saw Dark glaring at the door. Sinundan ko iyon ng tingin. A guy wearing a Saint Claire’s uniform in white stood there. Nagpapalinga-linga siya hanggang sa matagpuan niya ang mga mata ko. Instantly, he smiled and strolled down to my seat.

“Hi, is this seat taken?”

Nanlaki ang mata ko. Mabilis na nag-play ang flashback ng nangyari nung isang gabi sa utak ko. Siya yung lalaking nagligtas sa’kin nung isang gabi. Charing, ligtas raw. Sino ba ‘to? Ba’t parang ang dami atang mukhang model sa classroom na ‘to?

The Seed Of AzraelWhere stories live. Discover now