Until we meet again

775 30 0
                                    

"Hello Hon! On the way na ako." sabi ko kay Prince habang nagmamadaling lumabas sa jeep.

"Sige, hintayin nalang kita dito."

"Sige. I love you." Malambing kung sabi sa kanya.

"I love you too. " Napangiti ako at binaba ang linya.

2nd anniversary kasi namen ngayon ng boyfriend ko kaya pupunta ako sa apartment niya. Legal kami both side kaya pwedi kaming magkita every time na gusto namin.

May bitbit akong cake at pagkain dahil ang plano lang naming dalawa ay sa apartment niya lang kami buong araw.

Pagkarating ko sa apartment ni Prince ay pumasok agad ako dahil hindi naman naka lock .

" Babe. "

Pumunta ako sa kusina para ilagay doon ang pagkain.

" Babe." Tawag ko ulit kay prince pero walang sumagot kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto niya.

'Shit bakit kinakabahan ako. '

Nagdadalawang isip akong buksan ang pintuan dahil baka gaya ng nakikita ko sa tv makikita ang kanilang boyfriend na may ibang babae.

Kakapanood mo yan ng Tv kaya paranoid ka, Tss

Aalis na sana ako ng marinig kung tumugtog ang paborito kung kanta kaya kahit kinakabahan ako ay pinuksan ko ang pintuan at bumungad sakin ang madilim na kwarto.

"B-babe." Hinanap ko ang switch ng ilaw dahil ang dilim talaga ng buong kwarto kahit alas diyes palang na umaga, Pag ka bukas ko sa ilaw ay kinusot ko muna ang aking mata ng naging blurred ang aking paningin dahil nasanay sa dilim.

Nilibot ko ang aking paningin at napa luha ako dahil sa ayos ng kwarto. Nagkalat ang ibat ibang kulay ng balloon sa sahig at miron din sa kisame habang sa taas ng head board may naka sabit na cartolina na may naka sulat na " happy 2nd anniversary hon." lumapit ako sa kama ng makita kung may bouquet. Hinanap ko si prince pero wala akong makitang prince, Pupunta na sana ako sa cr ng may nakita akong petals ng roses na ginawang aisle papuntang veranda .

Mas lalo akong napa luha ng makita ko si Prince na naka tayo sa rose petals na heart ship.

" Come here. " Sabi niya habang naka lahad ang kamay kaya kahit umiiyak lumapit ako sa kanya at inaabot ang naka lahad niyang kamay.

"Shhh. Kung alam ko lang sana na iiyak ka dahil sa dito sana di ko na ginawa to lahat." Pinunasan niya ang aking pisnge at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.

"Masaya lang ako kasi every monthsary natin at anniversary hindi mo nakakalimutan."

"I love you so much Hon, I can't imagine my life without you. " Madamdamin niyang sabi habang naka tingin sakin.

"I love you more than I can show you in a lifetime, Palagi mong tandaan na mahal na mahal kita higit pa sa sarili ko." Hindi ako sumagot at hinalikan siya sa labi at agad den naman siyang tumugon.

"Hon! Laro tayo. One kill one kiss." Nandito kami ngayon sa sala at tumatambay, kumakain ako habang naglalaro siya ng online games. Umiling ako at sinubuan siya ng cake.

" Madaya ka. Ako yung dehado sa laro na yan kasi magaling ka diyan ibig sabihin non marami kang mapapatay. Edi marami ding kiss? Nah. Ayaw ko. "

" Hon. Sige na pumayag kana. " Pangungulit niya sakin pero hindi ko nalang pinansin.

" Hindi muna ako mahal?"

Short Stories Compilation (Under Revision)Kde žijí příběhy. Začni objevovat