Prologue

937 29 9
                                    

"'KAINIS! Mapapatay ko talaga ang Kaizen Arenzana na 'yon! Bwisit siya! I hate him to the core!" nanggagalaiti sa galit na sigaw ni Czarina.

Katatapos lang ng final game ng Xavier University na kinabibilangan ni Kaizen at nang Princeville University na unibersidad nila. Mortal na magkaaway ang dalawang unibersidad pagdating sa basketball. Aaminin niyang magaling naman talaga ang Xavier Giants pero dahil loyal siya sa kanyang alma mater ay dinadaig ng inis ang nararamdaman niya para sa koponan ng mga ito.

She's a fan and it's only natural for her to act like that.

"Masyado kang affected, Czarina. Chill. May mga susunod pa naman silang laban eh," natatawang sabi sa kanya ng matalik niyang kaibigan na si Cyrene.

"Kahit na 'no! Importante ang bawat laban," aniya rito. Kasalukuyan silang naglalakad sa parking lot at hinahanap nila ang Kuya Blake ni Cyrene na siyang susundo dito. Ngayon lang sila makakauwi dahil hindi sila nakisabay sa pag-uwi ng mga tao kanina pagkatapos ng laban.

"Okay. Sabi mo eh. Pero 'di ba dapat sa team natin ka magalit kasi nagpatalo sila? At pwede ba, 'wag mong apihin si Kaizen. Magaling kaya siya. Gwapo pa," pagtatanggol ni Cyrene sa kalaban na tila kinikilig pa nang mabanggit ang pangalan ni Kaizen.

"Princeville student ka ba o ano?" nakataas ang isang kilay na tanong niya rito.

"Princeville student. Pero sports naman ako. Kung makaarte ka, daig mo pa 'yong mga naglaro at natalo eh," ani Cyrene na ikinasimangot niya.

"Ah, basta! Naiinis ako sa mga Giants lalo na sa Kaizen na 'yon. At ikaw naman, umuwi ka na nga. Nakakainis ka na rin!"

"Itulog mo na lang 'yan. May bukas pa," nakangising sabi sa kanya ni Cyrene.

"Whatever," pairap na sabi niya rito.

Hinanap nila ang sasakyan ni Kuya Blake at nang makita nila ito'y agad na nagpaalam siya sa mga ito. Magkaibang way kasi ang daraanan nila kaya hindi siya makakasabay sa mga ito pauwi.

"Mag-ingat ka ha, Czarina. Ihatid ka na kaya namin sa sakayan," alok ni Kuya Blake.

"'Di na, kuya. Madali lang naman lakarin mula dito ang sakayan eh," aniya rito.

"Ingat, 'bes! Baka mamaya makatisod ka ng higante d'yan," nakangising sabi ni Cyrene.

"Kapag nangyari 'yon, he better stay away from me. Dahil sigurado akong mapapatay ko siya," sagot naman niya rito.

"Cheerio! See you tomorrow!" tatawa-tawang paalam sa kanya ni Cyrene.

Kinawayan niya ito at ang Kuya Blake nito bago siya naglakad palayo sa mga ito. Saka niya tinahak ang daan patungo sa kanyang sakayan pauwi. But halfway through her walk, she felt someone grab her by the arm. Ang inisyal na reaksyon niya ay tingnan kung sino ang humawak sa kanya at pagkatapos noo'y lahat ng mga susunod niyang gagawin ay nawala na sa isip niya.

A Giant! hiyaw ng isipan niya. "Giants" kasi ang tawag sa koponan ng mga ito.

"Nice. It's not just your pretty mouth that's interesting," amused na sabi sa kanya ni Kaizen Arenzana. His lips formed in a lopsided smile. She cursed him for having that low and seductive voice that got her heart beating wildly.

Napatanga lang siya dito. Pakiramdam niya'y natanggalan siya ng dila kaya hindi siya makapagsalita. Pakiramdam niya'y nanigas ang katawan niya kaya hindi siya makagalaw. Pakiramdam niya'y napako ang mga mata niya rito kaya hindi mapuknat ang tingin niya sa mukha nito. Ang tanging organ lang yata na gumagana sa kanya ay ang utak niya—wirdo pa kung makapag-isip ito.

Kaizen Arenzana was eye-stuckingly gorgeous, nerve-wrackingly hot and irritatingly charming. She couldn't believe it for herself. She's charmed by someone she considered an enemy. The man she was cursing a while back; the man she wanted to kill. But then again, she's a lady with a heart and eyes for gorgeous men—Kaizen was one gorgeous specie.

Halos maging isang linya na ang mga mata nito sa pagngiti sa kanya. Half-Japanese kasi ito. He was towering over her and there's nothing she can do but to look up—and now, she's stuck staring at him. Hindi niya iyon matatawag na "starstruck" dahil hindi naman niya ito iniidolo o sinusuportahan man lang. Pero mukha itong dapat talagang tinitilian ng mga babae.

Hindi siya mukhang kaaway, anang isang bahagi ng isipan niya.

"I thought you're the sharp-tongued girl I heard a while ago. Hindi naman pala. Katulad ka rin ng iba. Easily charmed," ani Kaizen na dahilan para matauhan siya.

Ipiniksi niya ang kanyang kamay at gamit ang dalawang kamay niya ay itinulak niya ito. Pagkuwa'y naglakad siya palayo rito pero sadya nga yatang gusto siya nitong inisin dahil umagapay pa ito sa paglalakad niya.

"Ano ba'ng gusto mo?" pasigaw na tanong niya rito.

"Ikaw." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. "Joke lang. Gusto lang kitang makausap," anito.

"Puwes! Ayaw kitang makausap. Kaya pwede ba? 'Wag mo na akong sundan," inis na sabi niya rito saka muling naglakad palayo rito.

"Ayaw mo akong kausapin pero gusto mo naman akong tingnan," sabi pa nito na nakasunod pa rin sa kanya.

"Alam mo, nagulat lang ako kanina kaya kita natingnan—"

"Oh, sorry. 'Natitigan' is the right term, babe," singit nito sa kanya.

"At dahil 'yon sa gulat. Look, Giant. Magkaaway tayo at hindi tayo dapat na nag-uusap. So, please? Stay away from me? O, baka naman gusto mo akong tumawag ng guard?" banta niya rito.

"Whew! You're one hell of a chick. Pero gusto kong itama ang sinabi mo. Ikaw lang ang may gustong mag-away tayo. Friendly kaya ako," pagbibida pa nito.

"With all sorts of girls. At gusto ko ring itama ang sinabi mo kanina. I'm not 'easily charmed'. I actually wanted to kill you," mariing sabi niya rito.

"Why? Dahil natalo namin ang team n'yo? Babe, that's lame."

"Don't call me 'babe'!"

"I think it's in my prerogative to call someone I like 'babe'," swabeng sabi nito. Nanlaki na naman ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. But at the back of her mind, she felt flattered. "Ang cute mo talagang tingnan," pagkuwa'y sabi nito sa kanya. Tangkang aakbayan niya ito pero itinulak lang niya ito palayo.

Kinapa niya ang kanyang bulsa at nang may makapa siyang barya ay humugot siya ng piso roon saka iniabot kay Kaizen. "O, 'ayan ang piso. Humanap ka ng kausap mo!" aniya rito.

Tinawanan lang siya ni Kaizen. "God, Czarina. I want to get to know you more."

"Well, I don't," mataray na sabi niya rito. Pagkatapos ay hindi na niya ito pinansin. Naglakad na siya patungo sa may sakayan dahil gustong-gusto na niyang umuwi.

"When can I see you again, Czarina?"

"After ten years!" sigaw niya rito.

Narinig niya ang malakas na tawa ni Kaizen. "When we see each other again, I'll make sure that you'll beg for my attention," narinig pa niyang sabi nito.

"Yeah, right. As if that'll happen," napaharap na sabi niya rito.

"Want to bet on that?" anitong muling lumapit sa kanya.

"Oh, sure. Hinding-hindi ako magmamakaawa para sa atensyon mo, Kaizen Arenzana. Itaga mo pa 'yan sa bato!" mariing sabi niya rito.

"After ten years, kapag lumapit ka sa'kin at nagmakaawang pansinin kita, you would be my girlfriend. No questions asked," anito sa kanya.

"Fine. Pero kapag ikaw pa rin ang unang lumapit sa'kin, you would buy me a car and a house. No questions asked," sabi naman niya rito.

"Deal," ani Kaizen. Nginisihan niya ito. Confident siya na hindi siya ang unang lalapit dito—moreso, ang magmakaawa pa para sa atensyon nito.

That's pathetic. Kaya good luck na lang dito. We'll see what happens after ten years. Not that she wanted to see him.

---

---

Sina Kaizen, Czarina at Kye ang unang nagparanas sakin na magkaroon ng "Reader's Choice" seal sa PHR. Sana magustuhan nyo ang kwento nila. 😊

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon