Chapter Four

252 12 3
                                    

NAG-ANGAT ng tingin si Czarina mula sa binabasa niyang libro nang may naramdaman siyang naglapag ng tray sa mesa niya. Nakita niya ang nakangiting mukha ni Kye na nakapagpangiti rin sa kanya. Tama nga na nagpunta siya sa Sky's Place dahil gumaan ang pakiramdam niya nang makita niya si Kye.

Pampa-good vibes nga 'to. Kaka-out lang niya sa Royale at doon siya agad dumeretso bago siya umuwi sa kanilang bahay.

"On the house?" nakangising sabi niya rito na ang tinutukoy ay ang lamang milk tea ng tray.

"Oo naman. Bago sa menu namin 'yan. Ginger milk tea. I want you to try it since you're fond of milk teas," ani Kye bago ito umupo sa katapat niyang silya.

Hindi pa niya nauubos ang strawberry milk tea niya pero gusto na niyang matikman ang ginger milk tea na bigay nito. She was curious of how it tastes like. Nakatikim na siya ng salabat pero hindi niya iyon iniinom hangga't hindi niya nalalasahan ang tamis. Salabat kasi ang ipinapainom sa kanya ng mama niya tuwing napapaos siya.

"Thank you ha. Kanina pa nga kita hinahanap eh. Naisip ko na baka nasa back of the house ka," aniya rito habang inaabot ang baso ng ginger milk tea.

"You are? I mean, hinahanap mo talaga ako?" hindi makapaniwalang tanong nito. Natawa siya sa naging reaksyon nito.

"Oo. Naghahanap ako ng manlilibre sa'kin eh. Salamat dito ha?" biro niya rito bago tinikman ang ginger milk tea na bigay nito.

Tumawa si Kye. "You're welcome."

Ayos naman ang lasa ng inumin pero hindi pa rin iyon kasing-sarap ng ibang milk tea na natikman niya. The drink was lacking of something she couldn't put a name into. Maybe some pulpy texture. Pero hindi rin naman niya masisisi sina Kye kung hindi lagyan ng mga ito ng ginger bits ang inumin dahil baka makaapekto iyon sa texture, lasa at dating ng milk tea. Like any other milk tea, the pearls added to the enjoyment of drinking the tea but it wasn't enough.

"So?" untag sa kanya ni Kye.

"Bine-benta n'yo na ba ito?" tanong niya rito.

"Hindi pa. Bakit? Ano'ng verdict mo?" tanong nito na tila kinakabahan pa. Nakaka-amuse talaga ang ugali nitong iyon. He's acting as if he's still a teenager who's afraid to tell his crush about his feelings. Not that he liked her or something.

"It's just plain milk tea for me. The ginger flavor isn't as strong as I thought it would be. Hindi katulad no'ng ibang milk tea flavor n'yo na dominant ang lasa kaysa sa pinakang tea. I think it lacks of something. Flavor, texture and I think sweetness too. Sino'ng nakaisip nito?" tanong niya rito.

"Ako, actually. Nakuha ko ang idea dahil nakita kong gumagawa ng salabat ang mama ko. So, I came up with ginger milk tea. Sorry dahil hindi ko na-meet ang expectation mo. Ang yabang ko pang ipatikim 'yan sa'yo," nahihiyang sabi nito sa kanya kasunod ang pagkamot sa likod ng ulo nito.

Napailing siya rito. She couldn't help herself but to be amused to him. He's a grown up man yet he still managed to look and act like a teenager.

"Lahat naman tayo dumadaan sa trial and error. Okay lang 'yan. I'm sure you'll get the right formula and have the best ginger milk tea next time. Basta ako ang unang titikim ha?" aniya rito.

"Thanks for the words of encouragement. Ikaw talaga ang una kong patitikimin ng new and improved ginger milk tea na 'yon. Anyways, what are you reading?" pag-iiba nito ng usapan. Napangiti na naman siya. Alam niyang pinapahaba lang nito ang usapan.

Kinikilig siya in a cute way. He's acting as if he's really interested in her that got her so amused in the next conversation they went into. Sinagot niya ang lahat ng tanong nito at ganoon din naman ito sa kanya. Sinabi niya sa sarili niya na pagiging magkaibigan lang ang punto ng pag-uusap nilang iyon o nang pagkikilala niya kay Kye. But she knew otherwise. Kinikilig kasi siya at hindi na malayong magustuhan din niya ito sa huli.

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon