Chapter One

356 21 3
                                    

NAHILOT ni Czarina ang magkabila niyang sintido dahil sunod-sunod na problema ang kinaharap niya nitong mga nakaraang araw. Unang-una, talo ang koponan ng San Mig Coffee Mixers na paborito niyang koponan sa PBA l sa first game ng Finals. Tinalo ito ng pinakaayaw niyang koponan na Rain or Shine Elasto Painters. Pangalawa, hindi nagustuhan ng kliyente nila ang story board na ginawa niya para sa bagong ad ng mga ito. Pangatlo, wala siyang boyfriend. At pang-apat, kailangang-kailangan niya ng pera para sa pang-tuition ng kapatid niya.

"Miss Czarina, pinapatawag ka po ni Sir Nick sa office niya. Ngayon na daw po," ani Steffi na sekretarya ng boss niyang si Nick Velarde—ang may-ari ng Royale Advertising Agency na pinagtatrabahuhan niya.

"Sabihin mo nire-revise ko pa 'yong story board para sa Lumia. Mamaya ko na lang siya pupuntahan," aniya kay Steffi na hindi man lang nag-aangat ng tingin.

"Eh, ngayon na daw po. Kung 'di ka daw po pupunta, maghanap ka na daw po ng trabaho bukas," ani Steffi. Noon lang siya nag-angat ng tingin dito.

She grunted. "What's up with our boss? Nag-away na naman ba sila ni Rodgine? Pagbubuhulin ko na silang dalawa eh," aniya rito. Natawa lang naman sa kanya si Steffi. Napabuntong-hininga naman siya saka siya tumayo mula sa kinauupuan niya.

Kapag nag-away ang boss nilang si Nick at ang nobya nitong si Rodgine ay apektado ang buong opisina nila dahil nagiging iritado si Nick. Ayaw na ayaw nitong nag-aaway ito at si Rodgine pero minsan ay ito rin naman ang gumagawa ng dahilan kung bakit sila nag-aaway.

"Ano na naman ang dahilan ng pag-aaway nila ngayon?" tanong niya kay Steffi habang naglalakad sila patungo sa opisina ni Nick.

"Late na naman po yata kasi sa date nila kagabi si Sir Nick. Nakipag-meeting kayo sa Lumia kagabi 'di ba?" ani Steffi.

"Gago talaga 'yong Nick na 'yon! Hindi naman niya nabanggit na may date pala sila ni Rodgine. Pwedeng ako na lang naman ang nakipag-usap sa Lumia kagabi," aniya.

"Hay, naku! Ewan ko ba do'n kay Sir Nick. Minsan kasi bipolar din 'yon eh," natatawang sabi ni Steffi.

Napangisi siya. "Hala! Isusumbong kita kay Nick. Bipolar pala ha," biro niya rito. Nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi niya. Siya naman ang tawa ng tawa ngayon dahil sa reaksyon nito.

Ang sarap talaga nitong asarin. Fresh graduate lang ito at sa Royale ito nag-training noon kaya in-absorb na rin nila ito. Mabuti nga at komportable dito si Nick kaya ito ang napili ng boss nilang maging sektretarya nito.

"Miss Czarina, joke lang naman po 'yon eh," napapakagat-labing sabi nito.

"Joke lang," natatawang sabi niya rito. Magkasabay silang pumasok sa opisina ni Nick na may kausap sa telepono. Sinenyasan niya ang kanyang relong pambisig nang tumingin ito sa kanya para sabihin ditong dalian.

"Yes, Mr. Flores. I perfectly understand. Sure. We'll get him," ani Nick sa kausap nito sa telepono bago tinapos ang tawag. Sa pagkakaalam niya ay si Santi Flores nang Rapture underwears ang kausap nito.

Ang Rapture ang pinakapaborito niyang kliyente dahil nag-e-enjoy siyang gumawa ng ad para sa mga ito. Rapture is the leading underwear brand in the country. Isa pang rason kung bakit nag-e-enjoy siyang gumawa ng ad sa mga ito'y dahil sa hot models at hot pictorials. Lalo na't siya pa minsan ang namimili ng model para sa ad ng mga ito. Sa limang taon niya sa Royale ay tatlong ad na ng Rapture ang nagawa niya para sa mga ito. At hindi pa man dumarating ang panahon nang paggawa para sa bagong ad ng Rapture ay may naiisip na siyang tema ng ad ng mga ito.

"Ang aga ng Rapture ngayon ah," aniya kay Nick. Karaniwan kasi'y bago mag-summer pa nagpapagawa ng ad ang Rapture pero ngayon pa lang ay mukhang magpapagawa na ang mga ito.

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon