Chapter Five

245 12 3
                                    

SO FAR, Czarina and Kye's date was going great. Dinala siya nito sa Alba na isa sa mga paborito niyang restaurant dahil sa authentic Spanish cuisine na mayroon ang mga ito. Natatandaan niya noon na nabanggit niya kay Kye na paborito niya ang Spanish cuisine kaya siguro doon siya nito dinala.

Pero ang hindi niya inasahan ay ang kadaldalan ni Kye. Hindi niya akalain na may itinatago pala itong kadaldalan. He shoots her question after question. Kaya naman walang dead air sa pagitan nilang dalawa. Sa tingin niya'y pinaghandaan talaga ni Kye ang date nilang iyon at doon siya mas lalong na-impress.

But now, it was time for her to question him.

"Of all the things in this world, Kye, what would make you the happiest?" seryosong tanong niya kay Kye.

Napatingin ng diretso sa kanya si Kye na para bang nag-iisip ito ng magandang isasagot para i-please siya. Pagkuwa'y nilagay nito ang isang kamay sa ilalim ng baba at tumingala ito sa ceiling ng restaurant.

"Siguro kung makakapag-branch out pa ang Sky's Place, makalaro muli ako ng basketball at makapag-tour ako around the world without paying anything at kung mabubuhay ako ng matagal," sagot ni Kye sa kanya.

Czarina couldn't deny it but she was a bit disappointed on his answer. He was a bit unsure of what he's really talking. Baka kasi iniisip nito na sinusubukan niya ito. Oo. Sinusubukan niya ito pero hindi ito dapat ma-conscious sa kung ano ang isasagot nito. Ang gusto niyang sagot ay iyong galing mismo sa puso nito. But he didn't. Kung ano ang unang pumasok sa isip nito'y iyon agad ang isinagot nito.

"Kapag nag-branch out ang Sky's Place matutuwa ka na ba o hihilingin mo ulit na sana mag-branch out ka pa? Kapag ba nakapag-tour ka na around the world, magiging masaya ka na talaga? Hindi mo na ba hihilingin na sana maulit muli 'yon? At kapag ba nakapaglaro ka ulit ng basketball, tama na sa'yo ang isa? Lastly, you cannot run from death, Kye," aniya rito.

"Ano ba talaga ang gusto mong itanong sa'kin, Czarina?" tanong nito sa kanya. Halata niya ang hindi nito pagkapakali sa upuan.

"What would really make you happy," aniya rito. Ngunit hindi na nito nasagot pa ang sinabi niya dahil naistorbo sila ng isang ingay na nanggagaling sa purse niya. Tumutunog ang cell phone niya at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay napangiwi siya nang makita ang pangalan ni Kaizen sa phone screen niya.

"Excuse lang ha? I really need to take this call," paalam niya kay Kye saka siya tumayo mula sa kinauupuan niya at pumunta sa ladies room ng restaurant. Doon niya sinagot ang tawag ni Kaizen. "What?" bungad niya rito.

"Nasaan ka? Nandito ako sa bahay n'yo," agad na sabi sa kanya ni Kaizen na ikinalaki ng mata niya.

"Bakit nand'yan ka? May sinabi ka ba sa kanila? Oh, shit, Kaizen! Hindi nila alam ang tungkol sa'tin," sabi naman niya dito. She almost jerked at the word "sa'tin" because it almost sounded real.

"So, I figured. I hate to tell you this but I've extended our relationship for a week, babe," sabi ni Kaizen sa kanya saka nito tinapos ang tawag.

"Shit!" mura niya. Sinubukan niyang tawagan muli si Kaizen pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Kaya ang kapatid niyang si Chai na lang ang tinawagan niya. Mamaya pala ay pinagti-trip-an lang siya ni Kaizen at wala talaga ito sa kanila.

"Ate! Nandito si Kaizen Arenzana! Boyfriend mo pala siya?" agad na bungad sa kanya ng kapatid niya.

"Chai, 'wag mo muna siyang paalisin, ha? Sinabi mo ba sa kanya na nasa isang date ako?" tanong niya rito.

"Oo. 'Yon naman ang totoo eh. Lagot ka, ate. Mukhang galit si Kuya Kaizen ngayon," pananakot pa sa kanya ni Chai.

Shit! "Sabihin mo, pauwi na ako. At 'wag n'yo na siyang kausapin kung pwede lang," bilin niya rito.

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon