Chapter Three

266 16 5
                                    

HINDI napigilan ni Kaizen ang mapangiti at ma-amuse dahil sa reaksyong ipinapakita ni Czarina ngayon. Inis, galit at gulat—iyon sigurado ang nararamdaman nito ngayon dahil sa kanya. But he just sat there, admiring her. Ten years had made her into a fine and hot woman that she is now. Kahit na halos maputol na ang litid nito sa leeg sa pagsigaw ng "what" at alam niyang umakyat na sa ulo nito ang init ng dugo mukha pa rin itong adorable sa mga mata niya.

"Oh my gee!" bulalas naman ng isang babaeng kasama nila sa conference room na sa sapantaha niya'y assistant o sekretarya ni Nick Velarde.

"Hmmm. I see," tanging sabi ni Nick. Nakangisi ito habang nakatingin kay Czarina.

"You see? Ayaw naman pala kasing pag-pose-in ni Czarina ng hot and sexy poses si Kaizen kaya hindi niya ito pinayagan sa Rapture endorsement. Kaya pala gano'n na lang ang pangungumbinsi niya sa'kin na ibang model na lang ang kunin," paliwanag naman ni Sir Santi. Iyon kasi ang sinabi niya rito. Not true but effective. Mas lalo siyang napangiti.

"Pumayag ka na sa Rapture endorsement?" tanong sa kanya ni Czarina na hindi pa rin bumababa ang tono ng pananalita.

"Pumayag na ako sa endorsement dahil gusto mo na akong magpose para sa Rapture 'di ba, babe?" sabi niya rito habang deretsong nakatingin dito.

"Okay," kalmadong sabi nito. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya nito sa braso saka hinila palabas ng conference room. "Excuse us," hinging-paumanhin nito sa mga kasama nila. "What the hell, Kaizen? That bet is a personal matter! Trabaho ang sa Rapture! Bakit mo sinabi kay Sir Santi na boyfriend kita?" inis na tanong sa kanya ni Czarina. Halatang pigil na pigil nito ang mapasigaw sa sobrang inis.

"As I've said before, a bet is a bet, a deal is a deal," kibit-balikat na sabi niya rito.

"Damn you!" inis na sabi nito sa kanya.

"Sweet," pang-aasar pa niya rito. She grunted. Naikuyom pa nito ang magkabilang palad sa sobrang inis sa kanya. "I'll take you to lunch later to make it up to you," nakangiting sabi niya rito.

"You are not my boyfriend and you're not going to take me anywhere!" mariing sabi nito sa kanya.

"Sorry. They already know," sabi naman niya rito.

"Bawiin mo 'yon sa kanila," udyok nito sa kanya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Because it's not true! Come on, Kaizen. Deal with this Rapture ad professionally," anito sa kanya.

"No can do. I want you to be my girlfriend ten years ago. I'm not going to let this opportunity pass just because of professionalism. Pwede naman tayong magtrabaho ng maayos kahit na may relasyon na tayo ah. I'm sure other people won't mind," sabi niya rito.

"Well, I would mind! Unang-una, hindi ako nagmakaawa sa'yo. Ang tanging ginawa ko lang ay lapitan—"

"Ooops. Hang in there. Sa pagkakatanda ko, dalawang beses mong nabanggit ang salitang 'please' do'n sa may dugout. Iyong una ay no'ng humihingi ka sa'kin ng picture at autograph dahil 'big fan' kita. Pangalawa ay no'ng kinukumbinsi mo na akong maging Rapture model," aniya rito.

"Shit! Hindi na ba 'to mapag-uusapan?" pilit nito sa kanya.

"No. You've been my girlfriend the moment you thought of pulling that 'wig-shades-big fan' stunt on me," sabi niya rito.

"How about I buy you a house and a car?" anito sa kanya na ikinakunot-noo niya.

Nakaramdam siya ng lungkot sa kanyang puso ng sinabi nito iyon. Hindi ba talaga siya papasa dito kahit kailan? Doesn't she even find him handsome? He's tall. A lot of girls go for tall guys. Why can't she? He's got a charming smile too. It worked on other girls. Why can't it work on Czarina?

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon