Chapter Two

272 17 3
                                    

YOU can do this, Czarina! Si Kaizen Arenzana lang siya. Kayang-kaya mo siyang harapin at kumbinsihing maging model ng Rapture. Kayang-kaya mo 'yon, pagtsi-cheer ni Czarina sa kanyang sarili habang naghihintay siya sa labas ng Rain or Shine dugout. Hinihintay niya roong lumabas si Kaizen—ang taong pinakaayaw niyang makaharap pero kailangan.

Hindi gumana kay Kaizen ang convincing powers ni Kim kaya balik sa kanya ang "operation: convincing Kaizen". Nagpunta si Kim sa gym kung saan nagpa-praktis ang team nina Kaizen pero hindi daw ito hinarap ng lalaki dahil nalaman ng huli na naroon si Kim para sa Rapture. Pero naging matiyaga si Kim dahil hinintay talaga nitong makalabas ng gym si Kaizen. Sinundan pa daw nito ang basketball superstar sa isang restaurant para ma-corner ito pero tumawag daw ng mga guwardiya si Kaizen para itaboy si Kim.

Kaya sa huli ay sumuko rin si Kim. But "giving up" is not in her dictionary. By hook or by crook, magiging Rapture model si Kaizen. Kahit na anong inis niya rito'y gagawin niya ang lahat para makuha ito—para sa Rapture siyempre.

Nang makarinig siya ng mga yabag at ng mga boses ay agad niyang inayos ang kanyang sarili. Nagsuot siya ng wig na kakulay ng buhok niya at dark sunglasses bilang props niya. Ayaw niya kasing makilala siya ni Kaizen dahil sampung taon nang nakalipas ay may naging pustahan sila nito. Kapag siya ang unang lumapit kay Kaizen at magmakaawa sa atensyon nito'y magiging nobya siya nito sa isang pitik lang. Pero kapag ito ang unang lumapit sa kanya'y magkakaroon siya ng bahay at kotse sa isang pitik lang. Kaya hindi siya nito maaaring makilala.

Ipinapanalangin na lang niyang sana'y hindi siya nito makilala at sana'y limot na nito ang tungkol sa naging pustahan nilang dalawa.

Naghanda siya ng isang malawak na ngiti para isalubong kay Kaizen. Kanina lang niya naisip ang istratehiyang ito at sana lang ay maging epektibo. Magpapanggap siyang isang super fan ni Kaizen para makuha ang atensyon nito. May puso kasi si Kaizen sa mga fans nito kaya alam niyang papansinin siya nito.

Isa-isang lumabas ng dugout ang mga Rain or Shine players pero hindi niya binati ang isa sa mga ito dahil loyal San Mig fan niya. Mas gusto pa nga niyang asarin ang mga players na ito ngayon dahil nanalo ang team niya laban sa mga ito. Series tied to one na ang status ng PBA Finals ngayon at proud na proud siya sa San Mig Coffee Mixers niya.

"Kaizeeeeeen! Ang galing-galing mo kanina pero sayang dahil natalo tayo 'no? Hayaan mo, bumawi ka na lang next time. Mananalo ang RoS next game! Fighting!" masiglang bungad niya kay Kaizen kahit ulo pa lang nito ang nakita niyang lumabas ng dugout. Napatingin sa kanya ang mga players na naunang lumabas dito pero hindi niya pinansin ang wirdong tingin ng mga ito sa kanya.

Sorry, San Mig. Todo cheer naman ako sa inyo kanina eh.

Imbes na magsalita ay tiningnan lang siya ni Kaizen mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy siyang na-conscious sa get up niya. Nakasuot siya ng dress na hakab sa katawan niya dahil galing siya sa isang luncheon meeting at dumeretso siya sa Mall of Asia Arena para manood ng laban ng mga ito. Hindi na siya nakapagpalit ng damit. Mabuti na lang nga at nakasuot siya ng high heeled shoes dahil kahit papaano'y umabot siya sa balikat ni Kaizen. Pero alam niyang ang nakakuha ng atensyon nito'y ang wig at shades niya.

May narinig siyang sumipol pero hindi na siya nag-abala pang tingnan kung sino iyon. Nang dumako ang tingin ni Kaizen sa kanyang mukha ay ngumiti siya—kahit plastik na ngiti lang iyon. Hindi niya alam kung guni-guni lang niya iyon pero may nakita siyang kakaibang kislap sa mga mata ni Kaizen nang matitigan nito ang mukha niya.

Nakilala ba siya nito?

"Gutom na ako. Let's go," sabi lang ni Kaizen saka siya nilampasan at umagapay ito sa paglalakad sa iba pang miyembro ng Team RoS. Napanganga lang siya dahil sa naging reaksyon nito.

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon