Chapter Ten

396 18 1
                                    

KAHIT na masakit ang ulo ni Czarina ay pinilit pa rin niyang tapusing punan ng kanyang mga saloobin ang diary na ibinigay ni Maggie sa kanya para maibalik na niya iyon dito. Wala nang rason para manatili pa iyon sa kanyang mga kamay. Gusto man niyang lagyan ng magandang ending ang kwento niya ay hindi maaari dahil hindi lang naman siya nag-iisa sa relasyong sinuungan niya.

She thought that Kaizen was the right one for her. But it turns out that he's the worst guy she'd ever been with.

Nagpakalasing siya nang nagdaang gabi at sinamahan siya ni Cyrene at nang nobyo nitong si Penn. They consoled her but it was no use. She hated seeing the both of them together. Pero hindi hinayaan ni Penn na lumabas silang dalawa ni Cyrene na sila lang kaya nagpumilit itong sumama sa kanila. Na-realize niya na naiinggit lang pala siya sa mga ito dahil mabuti pa ang dalawa, may happy ending samantalang siya'y wala.

She'd had enough of relationships. Maybe it's time for her to believe in single-blessedness. Maybe she's better off without a man in her life. At least, she's going to live peacefully.

Pero magiging masaya ka ba? anang isang bahagi ng isipan niya.

Oo naman! Nabuhay ako ng ilang taong ang kinikilalang lalaki ay ang tatay ko at si Caloy, makakaya ko at magiging masaya ako. Ipapakita ko sa kanilang lahat na magiging masaya ako kahit na wala akong boyfriend o asawa, aniya sa sarili.

Pagkatapos niyang magsulat sa diary ni Maggie ay tinungo niya ang kanilang kusina. Um-absent siya ngayon sa Royale dahil hindi siya makakapagtrabaho ng maayos doon. She would overhaul herself today and tomorrow's going to be all right again. It would be like she hadn't met Kaizen at all. Sinisigurado niyang iyon ang mangyayari sa araw na ito.

Ngunit may ibang plano yata sa kanya ang tadhana sa araw na iyon dahil pagkarating niya sa kanilang kusina ay nakita niya si Kye na prenteng nakaupo sa may kitchen counter nila habang kausap ang mama niya. May dala na naman itong milk tea.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" mataray na tanong niya rito.

"Dinalhan kita ng paborito mong milk tea. Pampa-relax," nakangiting sabi nito sa kanya. That cute and calming smile of his didn't work for her this time.

"Trust me, Kye. Hindi pa rin ako mare-relax dahil d'yan," pagtataray pa rin niya rito.

"Masarap ang ginger milk tea na 'to ha, Kye. Maraming salamat," anang mama niya rito.

"It helps prevent cancer too, tita," sabi naman dito ni Kye.

"There you go with your oh-so-good personality again. Pero maniwala ka sa'kin, 'Ma. Hindi siya gano'n kabait," aniya sa mga ito. She thinks it's fair enough to be that cold to him.

"Czarina!"

"Tita, would you excuse us please?" ani Kye sa mama niya.

"Sige. Pag-usapan n'yong mabuti 'yan. Czarina, 'wag mong isarado 'yang puso't isipan mo. Kahit na ano'ng pahinga, pag-iisip ng tama at pagbabago ang gawin mo, hindi ka pa rin magiging okay. Pakinggan mo siya," sabi sa kanya ng mama niya saka sila nito iniwan ni Kye sa kusina.

"Kasalanan ko ang lahat, Czarina," simula ni Kye.

"Oh, please. Enough with your good side, Kye. I won't buy that anymore," inis na sabi niya rito.

"For ten years, palaging may ikinukwentong babae si Kaizen sa'min ni mama. I know how much my brother loved that girl even from afar. I know what bet and what deal he made her ten years ago. And then just last month, I met you. Ikaw ang kauna-unahang babae na hindi pumansin sa kapansanan ko. Maliban sa angking ganda mo, I fell for your smiles and your humility. Hindi ko napigilan ang sarili ko. I started loving you from afar dahil lagi kitang nakikita sa Sky's Place. Kaya nang magkaroon ako ng tsansa sa'yo, gusto kong may kahantungan 'yon."

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon