Chapter Seven

243 11 3
                                    

FRUSTRATED na napabuntong-hininga si Czarina. Actually, hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng frustration dahil nasa ayos naman lahat ng dapat niyang gawin. Siguro ay dahil iyon sa pag-aakala ng lahat na 'sila' talaga at sila 'pa' rin ni Kaizen hanggang ngayon pero ang totoo ay hindi na naman sila nagkikita. Ni hindi na nga sila nagkaka-text. Hindi na ito nagparamdam sa kanya dalawang linggo na ang nakararaan.

Ano'ng nangyari? Iyon ang palagi niyang itinatanong sa kanyang sarili. Sumuko na ba ito sa kanya? O talagang hindi siya nito mahal kaya hindi na ito nagpaliwanag pa sa kanya?

Hindi man niya aminin ng deretso sa kanyang sarili ay masakit ang realisasyon ng huli niyang katanungan. Dapat ay masaya na siya ngayon dahil hindi na siya kukulitin ni Kaizen, hindi na niya ito makikita at hindi na rin siya magpapanggap bilang nobya nito. Pero kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon. She was longing for his quirks, his smile, his kisses...him. She can't deny the fact that she missed him more each day. Tama pala ang sinasabi ng ibang tao noon na kapag nawala sa'yo ang isang tao, doon mo lang malalaman ang halaga niya sa buhay mo.

The one person she hated the most turned out to be the one person she'll love the most in the end.

Wait a minute. Love? Mahal mo na siya? kastigo sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya.

Alam mo iyong pakiramdam na tuwing tumutunog ang cell phone mo ay akala mo'y siya ang nag-text o tumatawag? Alam mo iyong pakiramdam na sa tuwing manonood ka ng basketball game nila ay inaasam mong sana'y batiin ka niya ulit? Alam mo iyong pakiramdam na iniisip mo pa lang siya ay napapangiti ka na? Alam mo iyong pakiramdam na gustong-gusto mo na siyang makita na halos sundan mo na ang bawat kilos at galaw niya at kung saan siya pupunta?

Yep. Nagawa niyang maramdaman ang lahat nang iyon dahil kay Kaizen. Naiintindihan na niya ngayon ang ginawa nitong pang-i-'stalk' sa kanya noon dahil nagawa niya rin iyon dito nitong mga nakalipas na araw. Mula sa MOA Arena—nang manood siya ng isang laban nito matapos ang isang linggong hindi pagpaparamdam sa kanya ni Kaizen—ay sinundan niya ang sasakyan nito hanggang sa building ng condo unit nito kaya nalaman niya kung saan ito nakatira. At doon nagsimula ang pang-i-stalk niya rito.

She was so glad that he's not seeing anyone yet. Ang daily routine nito'y condo at gym lang. Kating-kati na siyang i-text o tawagan ito pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil ayaw niyang siya ang unang gumawa ng move. If you would consider what she've done love, then yes, she's already in love with him. Or she could just be falling for him.

You're getting crazier each day, Czarina.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Czarina nang may marinig siyang kumatok sa pintuan ng opisina niya. Si Steffi iyon.

"Hi, Miss Czarina? Nakakaistorbo ba ako sa pagmumuni-muni mo?" anito sa kanya.

"Oo. Bakit?"

"Nagpapa-update lang po si Sir Nick tungkol sa pictorial n'yo bukas para sa Rapture," anito.

Shit! Isa pa ang pictorial na iyon bukas. Hindi niya alam kung paano sila kikilos ni Kaizen sa harap ng ibang tao. Magpapansinan ba silang dalawa? Magpapanggap pa rin ba silang magnobyo? O deadma na lang sila sa isa't isa?

"Everything's set up already. Ready na kaming lahat bukas. Pero hapon pa kami magpi-pictorial dahil may practice pa daw sa umaga si Kaizen," aniya rito.

Iyon pa ang isang ikinangingitngit ng kalooban niya. Hindi niya nakausap si Kaizen kahit na sa numero siya nito tumatawag. Ang palaging nakikipag-coordinate sa kanya ay ang manager nitong si Lily. Heck! She didn't even know that he has a manager.

"Okay. Alam ko namang magiging successful ang pictorial na 'yon dahil ikaw ang hahawak. For sure magiging exciting 'yon dahil boyfriend mo ang model. Kinikilig ako para sa inyong dalawa. Grabe lang! Dati todo ayaw mo kay Kaizen, 'yon pala kayong dalawa naman," nakangisi at kinikilig na saad ni Steffi.

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon