Chapter Nine

278 12 1
                                    

"OH my God!" gulat na bulalas ni Czarina kasunod ang malakas na pagsinghap nang makita niya ang isang picture sa Facebook News Feed niya. I-t-in-ag iyon ni Cyrene sa kanilang dalawa ni Kaizen. Agad na kinuha niya ang kanyang cell phone at i-d-in-ial ang numero ni Kaizen. Hindi niya alam na ang "ginawa" nila kahapon ay magiging malaking issue para sa ibang tao.

"Open your Facebook now!" agad na sabi niya kay Kaizen nang sagutin nito ang kanyang tawag.

"Kanina pa nakabukas, babe," natatawang sabi nito sa kanya.

"Ibig sabihin nakita mo na 'to?" tanong niya rito habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa litrato nilang nakailang "share" na sa Facebook.

"Yup. And it's going to be in the next issue of Fab Mag. Ako kasi ang magiging head feature nila sa next issue so, that picture would surely hit the pages," cool na sabi ni Kaizen sa kanya.

"How can you act so cool about this? This is ridiculous! Do something! I don't want my face to be in the papers or something. Not like this! Mag-tweet ka o mag-post ka sa Facebook na 'wag nang i-share 'yong picture!" aniya ritong halos mag-histerya na.

"Hindi mo ba nakita ang caption niya? It says, 'the most romantic couple you could ever see on the streets'. Cute, right?" ani Kaizen sa kanya. Hindi alam ng ibang tao kung gaano talaga ka-romantic at sweet ang istorya sa likod ng litratong iyon.

Huminga siya ng malalim at saka muling tiningnan ang litrato. Nilakihan pa niya iyon para mag-fit sa laptop screen niya. Nakita nga niya ang caption na sinasabi ni Kaizen at nagulat pa siya nang umabot sa halos two thousand likers at five hundred sharers ang picture nila na hindi nila alam na may nakakuha palang isang fan.

Kahapon ay napag-trip-an lang nila ni Kaizen na mag-date sa mall. Dalawang linggo na daw kasi silang magkasintahan pero wala pa silang "normal" na date. Kapwa sila may suot na sombrero at dark sunglasses para hindi sila makilala ng publiko. Pwede naman siyang hindi magsuot ng mga iyon pero nakisama siya kay Kaizen.

They roamed around the mall walking hand in hand just like normal couples do. They ate in several fast food restaurants that Kaizen misses out so much. He helped her shop some clothes for her upcoming event to a product launch she did an ad to. It was a simple and normal date until Kaizen started to act insanely sweet.

Lumabas kasi sila ng mall para manood ng fireworks display doon. At dahil nakasuot sila ng disguises nila, walang nakakapansin sa kanila. For all of the people there, they looked like a normal couple. Hanggang sa...

"I never thought watching fireworks could be so romantic," aniya kay Kaizen habang manghang nakatingin sa kalangitan na puno ng iba't ibang liwanag.

"I never thought I could have you," sabi naman ni Kaizen na ikinatingin niya rito. Noon niya nalaman na hindi naman pala ito nanonood ng fireworks. Sa halip ay pinagmamasdan siya nito. "I never thought I could have this moment with you," anitong unti-unting lumapit sa kanya. Nang makalapit ito sa kanya'y tinanggal nito ang suot niyang sunglasses at ganoon din ang ginawa nito sa sarili. "I never thought I could watch you this close," anitong nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata. She could never explain the happiness she felt when all she could see in his chinky eyes is her self. "I never thought I could hold your hands like this," anitong hinawakan ang isa niyang kamay. "I never thought I could touch your face like this," anitong hinawakan ang kanyang pisngi saka nito tinanggal ang kani-kanilang suot na sombrero. Hindi na siya nakapagreklamo pa dahil sa sobrang romantikong pakiramdam ng moment na iyon.

"I never thought I could smell your breath like this," anito Kaizen sa kanya na ipinagdikit ang tungki ng kanilang mga ilong. "And I never thought I could kiss you like this," anito bago nito sinakop ang kanyang mga labi.

Maggie's Diaries Book 3: Nobody Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon