Chapter 10

447 41 1
                                    

"BAKIT ba ang hilig mo'ng magtago jan sa ilalim ng kama ko?!" Bulyaw ko sa batang pasaway na nasa harapan ko.

"Pake mo, gusto ko eh!" Bulyaw niya rin sakin. Aba letse 'tong chanak na'to bulyawan ba naman ako mas matanda parin kaya ako sa'kanya. Respeto naman oh.

"Aba sasagot pa." hinubad ko ang isa 'kong sapatos at inambahan siya pero bago ko pa siya mahampas ay sumilip si tita Tessy mula sa pinunta. Naka uwe na pala siya.

"Ba't ba nag sisigawan kayo ah?" naka kunot noong tanong ni tita. Mag sasalita palang sana ng maunahan ako ng chanak.

"Tita si Mama Sabrina inaaway nanaman ako." naka ngusong pag susumbong ng chanak.

"Gago hindi kita anak!" bulyaw ko ulit sa'kanya.

"Sabrina bunganga."pag babanta ni tita." tsaka tigil tigilan mo nga ang pinsan mo." Oh bakit kasalanan 'ko nanaman.

"ikaw naman Jericho wag mo nga'ng asarin ang ate Sabrina alam mo namang asar talo yan." Luh akala ko ba si Jericho ang pinag sasabihan mo? Bakit nasama nanaman ako?

"Opo." sabay naming sabi. Patago kaming nag tinginan ng masama sa isa't isa.

"Tita tatabi ako'ng matulog kay ate Sabrina mamaya." pag papaalam niya na akala mo hindi kami nag away.
Tss ganito lang talaga kami mag mahalang mag pinsan laging nag bubulyawan atsaka siya lang ang pinaka close sa mga pinsan ko.

No'ong apat na taon yan maagang naulila si Jericho kaya palipat lipat siya ng bahay halos once a month hanggang makarating siya dito.

Dahil wala naman ako'ng kapatid inampon siya nila mama at papa pero umalis silang dalawa para mag hanap buhay kaya ako at si tita Tessy ang nag alaga sa'kanya.

Umabot ng tatlong taong tumira dito si Jericho pero ng mag pitong taon siya ay kinuha siya ng lola niya(nanay ng papa niya) para pag aralin doon. Malay ko lang bakit bumalik siya dito.

"Ate Sabrina tulala ka'na jan. Sabi ni tita dito ako matutulog." Tinanguan ko lang siya. Hindi ko napansing umalis si tita dahil sa pag r-reminiscene ko. Napansin kong titig na titig sakin si chanak.

"Bakit ganyan ka maka titig? May dumi sa mukha ko?" tanong ko sa'kanya pero bigla siya'ng pumalahaw ng iyak kaya nataranta ako'ng yumakap sa'kanya. Luh hindi ko naman siya pinalo.

"A-ateeee m-miss na miss k-kita wala kasi ako'ng mama doon kila l-lola ikaw lang w-wag mo ako'ng ibabalik doon d-dito nala'ng ako hindi na ako pasaway." pumipiyok niyang sabi kaya mahigpit ko siya'ng niyakap.

"O-oo sige basta tumahan ka na baka akalain ni tita na inaway nanaman kita."pag papatahan ko sa'kanya. Tumahan siya pero sumisinghot singhot parin.

" Sure ka ate ah kasi a-ayoko doon lagi akong inaasar ng mga pinsan ko kila lola, wala kasi ako'ng m-mama at papa, ikaw at si tita Tessy lang mabait s-sakin." na tahimik ako sa sinabi niya,

hindi ko alam na nahihirapan siya ang akala ko kasi masaya siya dahil sa lola na niya 'titira. 'Yon siguro ang dahilan kaya bumalik siya dito.

" sige dito ka nala'ng kay ate kaya wag ng iiyak ah? Kanina lang ang sungit mo ngayon umiiyak ka na jan."

"Sorry na a-ate." naka ngusong sabi niya. Namumula pa ang matambok niyang pisngi.

"Sabrina, Jericho halina kayo dito at kakain na!" sigaw ni tita mula sa kusina.

"Opo pupunta na! Mag hilamos ka na mo'na ang dumi na ng mukha mo." utos ko kay Jericho na sinunod naman niya kaagad. Pag katapos niyang mag hilamos ay pumunta na kami sa kusina para kumain.

Pag katapos kumain ay nag hugas ako ng plato pero na kasunod sakin si chanak, nakasunod parin siya sakin ng bumalik ako sa kuwarto para tawagan si mama. Na pailing nala'ng ako dahil sa pag sunod niya. Nagkaroon pa ako ng buntot.

Gaya ng sabi ni Jericho kanina ay tumabi siya saking matulog.
"ate yakapin mo'ko." utos niya sakin. Hindi kasi siya sanay na hindi niyayakap pag natutulog. Sino kayang yumayakap pag natutulog ang batang ito doon. Hayyy kawawang Jericho.

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon