Chapter 25

265 23 0
                                    

"SHUT up Owen."Mapanganib na tugon ni Orion.

"Okay... Fine. Miss ano palang pangalan mo?"Ibinaling ni Owen ang tingin sakin.

Hindi na ako nakipag matigasan sakanya dahil alam kung mas kukulitin niya ako pag hindi ko siya sinagot. "Sabrina Lucero."sagot ko.

"Hindi...Maria Sabrina Lucero ang buong pangalan niya."Sabat naman ng echoserang si Lory. Namumuro na talaga 'tong babaeng 'to kunti nalang b-bingo na siya. Narinig ko namang humagikhik si Owen. Inirapan ko silang dalawa.

"Ilang beses ko bang sasabihin na Ma. Sabrina not Maria Sabrina huh!?" nanggigigil na tanong ko kay Lory na nag tatakbo papalayo sakin.

"So Miss Ma. Sabrina nice to meet you."halatang inaasar niya ako dahil sa tono kung paano niya banggitin ang pangalan ko. Inabot niya sakin ang kanyang kamay pero tinabig lang ito ni Orion, hindi naman niya pinansin ang kapatid niya.

"Likewise..."boring na tugon ko.

Magsasalita ulit sana si Owen ng dumating na si Sir. Mac kaya nag si upuan na silang lahat sa kanya kanyang assigned seat nila. Bago mag simula sa lecture si Sir ay nag taas ng kamay si Orion na hudyat na may sasabihin siya kay.

"Ano yun Mr. Orion?" hindi binanggit ni Sir ang apelyido ni Orion. Feel ko din nararamdaman ni Sir dahil dalawa na ang Skyler ngayun dito sa classroom. Awkward naman kung si Orion lang ang tawaging Mr. Skyler.

"Sir...Pwede bang lumipat ako sa ibang upuan?" Medyo naguluhan naman si Sir dahil sa request ni Orion.

"Why Mr. Orion?" Nagtatakang tanong ni Sir.

"Sir I'm near sighted... Hindi ko makita ng maayos ang nasa blackboard at baka hindi ako makahabol sa pinag-aaral-an."eh? Siya kaya ang pumili ng upuan niya tsaka hindi naman yan nakikinig pag nag l-lecture si Sir lagi lang siyang nagbabasa ng 'math' na libro niya. ——obviously yung mga BL niyang book——

"Oh, okay you can seat wherever you like."tumayo na si Orion at lumapit siya kay Claire seat mate ko siya nasa right side, si ate Nerisa naman sa left side ko.

"Palit tayo ng upuan."Malamig na utos niya kay Claire. Hindi niya pinansin ang tono ng boses ni Orion, imbes magalit ay ngumiting kilig na kilig pa siya.

"S-sige." kinikilig niyang tugon. Tumango si Orion. Kinuha niya ang kanyang bag at lumipat na ng pwesto.

Lumipat na din si Orion sa tabi ko. "Bakit ka nandito?"

"kasasabi ko lang, I'm near sighted." binigyan niya pa ako ng 'diba-obvious-look.

"Parang may babantayan ka ah."Sarkastikong sabi ni ate Nerisa.

"Ganun ka din naman."Malamig na tugon ni Orion sabay tingin kay Owen na parang tanga na pabalik balik ang tingin saming tatlo. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" umiling-iling lang siya. Hindi ko nalang sila pinansin. Nakinig ako kay Sir na nag l-lecture sa harap. Napansin naman nilang wala na akong sasabihin kaya nag kanya-kanya na sila ng gawain. Katulad ko nakinig din si ate kay Sir. Si Orion bumalik sa binabasa niyang libro——yan ba yung gustong humabol sa klase?——.

At si Owen naman ay patagong nakalabas ang phone habang suot sa tenga ang kanyang Airpod, kaya hindi napansin ni sir ang ginagawa niya. Napailing nalang ako sa gawain nilang dalawa. Mag kapatid nga sila parehong walang pake sa paligid. Bakit pa kaya sila nag aaral kung ganyan naman ang gawain nila? Hanggang mag lunchtime ganun pa din ang ginagawa nila.

Tumayo na kami ni ate Nerisa para pumunta sa Cafeteria ganun din ang ginawa ni Orion, itinigil niya ang pag babasa tsaka sumabay na din siya. Sanay naman na kami ni ate Nerisa na kasabay namin siyang kumain pag lunch na.

Napatingin kaming tatlo kay Owen. Tumabi kasi siya samin ni ate Nerisa. Obviously nasa gitna na namin siya ni ate.

"Bakit ka nandito?" tanong ni ate.

"Kayo lang ang kilala ko kaya sainyo ako sasabay." Sabi niya sabay akbay saming dalawa ni ate. Pinalo ni ate ang kamay niya ganun din ang ginawa ko. Ang landi talaga ng taong 'to.

"Ang FC mo, Alam mo yun?" pabalang na sabi ko. Hinila ni Orion si Owen papapunta sa likuran namin ni ate kaya nag mukha silang mga bodyguard ——Mga guwapong bodyguard——namin sa laki ba naman nilang dalawa.

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ