Chapter 27

242 23 3
                                    

NANDITO na kami ngayon ni Jericho sa bahay. Pag kapasok nga namin ng bahay naabutan pa naming nag haharutan sina Tita at Tito Christopher. Mabuti nalang at tinakpan ko ang mga mata ni Jericho.

"Wag kang titingin, pag tumingin ay matulog ka sa madilim mong kuwarto."Banta ko sakanya ng maramdaman kung aalisin niya sa mga mata niya ang palad ko. Natakot naman siya kaya tumigil na ang paglilikot niya.

"Tita excuse lang ha? Dadaan kami ni Jericho."Nagulat na umalis si tita sa hita ni Tito. Manliligaw daw oh. Inalis ko na ang kamay ko kay Jericho ng matapos sila tita sa landian session nila.

Pinapasok ko muna si Jericho sa kuwarto niya para makapagbihis. Nag  paiwan naman ako dito sa sala. Umupo ako sa pang isahang sofa sa harap ng dalawang 'nagliligawan'.

"Mag jowa na kayo?"Gulat naman na tumingin sakin si Tita.

"Paano mo nalaman?"Napairap ako sa tanong niya.

"Saan ka ba tita nakakita ng nagliligawan palang pero kung makaupo sa hita daig pa ang mag jowang millennial?"Sarkastiko kong tanong sakanya. Tumawa si Tito Christopher sa sinabi ko habang si tita naman ay masama ang tingin habang namumula ang magkabilaang pisngi.

"Ewan ko sayo Sabrina, baliw ka talaga."Nginitian ko ng malapad si Tita.

"Ay, Oo nga pala Sabrina, Mag babaksyon kami ng Tito Chris niyo at baka wala kami ng tatlong linggo o mahigit pa—" pinutol ko ang sasabihin ni tita. Ang aga naman ng bakasyon nila wala pa ngang April eh.

"Tita, honeymoon niyo ni tito?"Dahil sa sinabi ko ay nakatanggap ako ng malutong na headchop kay tita. Aray ko naman. Hinaplos ko ang ulo ko.

"Hindi pa ako tapos, gaga!... Alam kong Kayang kaya mo na ang sarili mo at hindi mo naman pababayaan si Jericho. Mapapanatag akong iwan kayong dalawa tsaka makakasama mo naman si Orion malaki ang tiwala ko sa batang yon."Nanlalaking mata na napatingin ako sakanilang dalawa. Madalas din kasing pumunta si tita sa bahay nila Orion. Kaibigan ni Tita ang nanay ng mag kambal na Skyler.

Nakalimutan ko palang sabihin ang pangalan ng parents ng kambal. Si Mr. Orlando Skyler ang ama nila. Siya ang nag mamay-ari at CEO ng Sky Company. At si Mrs. Alessandria Skyler  ang nanay nila na house wife. Ayaw 'atang pag trabaho-in ni Mr. Skyler.

"Pumayag naman ang parents ni Orion?"Nanlalaking matang tanong ko sakanila.

"Syempre naman, mabait kaya si Alessandria."sabi ni tita na may tonong pagmamalaki ang boses. Mabuti nalang at hindi si Owen ang makakasama namin. Baka kung ano pang magawa ko sa gunggong na 'yon.

Tumango ako sa sinabi ni tita. "kailan pala ang alis niyo?"

"Bukas ng umaga."

"Ang bilis naman."kumibit balikat si Tita.

"Eh sa nagmamadali 'tong si Chris."Kinikilig niyang sagot. Dudugo ata ang mga mata ko. Masaya naman ako na nag karoon si tita ng love life pero sana naman isipin nilang may single silang kaharap. Sana all may Jowa.

Umiling-iling nalang ako sa pinagagawa ni tita. Ibinaling ko ang tingin ko kay tito Chris. "Tito, papuntahin niyo din si Alex dito." Excited na pagpapaalam ko.

"Hmn. Sige, ipapaalam ko muna siya sa parents niya."Tumango ako. Pag katapos naming mag usap ay dumiretso na ako sa kuwrto ko. Nakita kong nakahilata sa kama ko si Jericho. Nakabihis na din siya. Tumabi ako sakanya at kwinento ko ang napag usapan namin nila tita sa sala. Excited naman ng malaman niya na baka makasama din namin si Alex.

Kahit ako excited na din akongnmakasama si Alex. Kahit nakita ko lang siya kanina ay miss ko na agad.

Weh? Si Alex lang ba talaga ang Miss?
Napailing nalang ako sa naisip ko. Sobrang marupok ka talaga Sabrina.

——————————

❤️Thank you for reading, Hope you enjoy this chapter❤️

💕Salamat din po sa lahat ng sumusuporta. love you all😘💕

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon