Chapter 15

310 36 1
                                    

SHIT! literal na hindi ako makahinga ng maayos inaatake n-naman ng hika ko hindi pa naman nadala yong inhaler ko.

"Okay ka lang?" pinagloloko ba ako ng taong 'to?ugh!

"B-bilisan mo m-mag drive pa uwe n-nasa bahay yong i-inhaler ko, h-hindi ako m-makahinga ng maayos." nataranta naman siya sa sinabi ko kaya mabilis siya'ng nag drive.

Ng makarating kami sa harap ng bahay ay bumaba si Orion sa kotse at lumapit sa passenger's seat, binuksan niya ang pintuan ng kotse at madali niya ako'ng binuhat na parang bagong kasal papunta sa bahay. Namula ako sa ginawa niya.

Gaga ka Sabrina hini-hika ka'na nga't lumandi ka pa!

"Tita Tessy! 'Yong inhaler ni Sabrina paki labas hindi siya makahinga ng maayos!" Tarantang sigaw ni Orion pag pasok namin sa bahay. Hindi na nag tanong pa si tita kong bakit, natatarang in-abot ni Tita sakin ang inhaler ko.

Inabot kaagad ko ang inhaler sa kamay ni tita. Maya-maya ay umayos na'rin ang pag hinga ko. Hayy Salamat.

"Anong ginawa mo nanaman at inatake ka ng hika mo huh!?" tanong ni tita.

"napagod po siguro siya nag linis kasi kami kanina sa school."concern niyang sabi. Hindi pa ako maka pag salita ng maayos kaya si Orion na ang sumagot. Gago kang lalake ka peste, bwiset, manhid!
Tumango nalang ako sa sinabi niya.

"Sa susunod wag ka ng mag paka pagod tsaka lagi mo na'ng dalhin yang inhaler mo ang tamad kasi eh."sermon naman ni papa na kakalabas lang sa kuwarto niya, hindi ko pa nakikita si Jericho nasan na yong batang yon.

"Opo."nakayuko kong sagot.

"Salamat pala sa iyo Orion kong wala ka baka kong anong nangyare dito sa babaeng 'to." sabi ni papa, wag ng mag taka kong mag kakilala yang dalawang yan anak ng boss ni papa eh.

"Wala'ng ano man po tito sige alis na po ako." sabi niya tapos tipid siya'ng ngumiti sakin bago lumabas ng bahay namin.

Nananaginip ba ako? Pwede pa kurot? Lalo siya'ng naging guwapo sa paningin ko. Umiling iling ako sa na isip ko. Tangina lang parang wala'ng masamang nangyare sakin.

" Asan si Jericho bakit hindi ko siya nakita kanina sa school?" tanong ko kay tita at papa.

"Nasa kuwarto niya nagkalagnat dahil sa takot, hindi mo kasi pinatabi sayo kagabi takot pa naman siya sa madilim." eh? Luh kawawa si chanak tsk.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at pumunta ako agad sa kuwarto ni Jericho. Natutulog siya pag pasok ko. Ang matambok na pisngi niya ay pulang pula dahil siguro sa lagnat.

Umupo ako sa gilid ng higaan niya at idinampi ko ang palad ko sa noo niya, medyo bumaba na ang lagnat niya.

Iminulat niya ang bilugang mata niya.
"Ate? H-hindi ka'na galit sakin?" teary eyed niyang tanong letche plan ang cute!.

"Hmn, hindi na galit si ate."tumatangong sagot ko sa'kanya. Bigla namang yumakap sa bewang ko ang paslit niyakap ko rin siya pabalik.

" Ate dito ka matulog sa kuwarto ko ahh?"tumango nalang ako sa pakiusap niya kawawa kasi eh dapat hindi ko na siya ni-lock-an ng pintuan kagabi.

" punta lang ako saglit sa kuwarto ko para mag bihis at para makakain na tayo ah?" tanong ko habang ginigulo ang buhok niya.

" Sige po. Balik ka agad."lumabas na ako sa kuwarto ni Jericho para magbihis.

Pag ka pasok  ko ay humarap ako sa salamin na nasa tabi ng kama ko, na isip ko nanaman yong nangyare sa kotse ni Orion, sino kaya yong childhood friend niya? Kong sino pa man yon hindi niya maaagaw sakin si Orion.

"Beh kailan pa siya naging sayo?" pag ka usap ko sa sarili ko.

Hayyy nababaliw na ata ako kailangan ko na ng psychiatrist.

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon