Chapter 38

241 22 0
                                    

"BUT we have a problem."nalilitong napatingin ako sakanya. "She doesn't recognise us."

"No... That's impossible! Nag bibiro ka lang diba?"

"Sabrina, hindi kita binibiro may amnesia si Shivam."dahil sa sinabi niya ay itinulak ko siya palayo at tumakbo papasok sa classroom.

Pag kaupo ko ay nag aalalang lumapit si ate sakin. "Anong nangyare?May masama bang ginawa sayo yung mokong na yun?"Nanghihinang umiling lang ako. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil gulong gulo na ako sa nangyayare ngayon.

———

Nakauwe na kaming apat nila Orion, Alex, at Jericho ngayon sa bahay. Tulalang umupo ako sa sofa habang sina Alex at Jericho ay nag takbuhan papuntang kwarto para mag bihis. Tahimik naman na umupo sa tabi ko si Orion. Iba ngayon ang klase ng pag tahimik niya, dahil pag tahimik siya sa school ay parang wala siyang pake at may sarilling mundo.

Ngayon hindi ko alam kung bakit tumatayo ang aking balahibo sa pagiging tahimik niya, At dahil narin sa klase ng pagkatitig niya sakin ng maigi na parang hinuhukay ang kaluluwa ko. Hindi ko nalang siya pinansin kahit naiilang ako sa pagtitig niya, itinuloy ko ang pag tulala.

Kanina ng sinabi ni Howth na nahanap na si Shivam hindi ko alam ang mararamdaman ko. Itinulak ko lang si Howth dahil sa sobrang confused at biglaang pangyayare.

I wish this is just a dream... But Fuck! who am i kidding? this is not a dream. Oh our Shivam, I'm sorry, this is all my fault. Sana hindi nalang kami lumabas nun, sana hindi ko siya pinilit, walang mangyayareng masama sakanya kung hindi lang ako nag paka selfish nun, kung sakin nalang nangyare yun kasama parin namin sana siya ngayon at hindi niya kami makakalimutan.

Walang buhay na tumayo ako sa pagkaka upo. Malalakad na sana ako papasok sa kwarto ng hilain ni Orion ang braso ko. Tinignan ko siya ng masama, wala ako sa mood na lumandi ngayon.

"What do you want?"walang buhay na tanong ko.

"Anong pinag usapan niyong dalawa nung Howth na yun?"Matiim niya akong tinitigan.

"Wala kang pake kung ano ang pinag usapan namin."Sabi ko at sinubukang alisin ang kanyang kamay sa braso ko pero mas hinigpitang niya ang pag hawak.

"Aray, a-ano ba? N-nasasaktan ako."Hindi niya pinansin ang daing ko.

"No! Hindi kita bibitawan hanga't hindi mo sinasabi ang napag usapan niyo."Dahil sa pag pilit niyang sabihin ang gusto kong kalimutan na pangyayare kanina ay bumigay na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napapasong napabitaw siya braso ko ng makita niya ang reaksyon ko. Napatakip ako ng mukha dahil hindi ako sanay na may nakakakita saking umiiyak.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon, dahil siguro sa halo halong emosyon ang nararamdam ay bumigay na ako, hindi ko na kasi talaga kayang pigilan. Ang sakit sobra, dahil sakin hindi na kami nakikilala ni Shivam.

"Sorry. I didn't mean to do that. I-im just worried about you and I'm j-jealo...ugh! I'm so sorry."mas napahagulhol ako ng maramdaman ko siyang yumakap sakin. Wala ng lakas na yumakap pabalik at Isinandal ang ulo ko sa matigas niyang dibdib.

Nang mahimasmasan ako sa pag iyak ay bumitiw na ako sakanya. Mabuti nalang at hindi pa dumadating si Jericho baka kung ano pa ang isipin nun pag nakita niya ang nangyare.

"Ate, anong nangyare sayo?bakit namumula yang mata mo? " oh speaking of the devil andito na si Jericho.

"A-ahh Wala naman, n-napuwing lang."parang hindi siya naniwala sa sinabi ko dahil tinignan niya lang ako ng makahulugan. "Sige, alis na ako, magbibihis pa kasi ako e..." Nag mamadaling pumasok sa kuwarto ko at sumubsob sa kama. 

Tumayo ako sa pag kakahiga at dumiretso sa cabinet. Naka ngiti akong habang nag bibihis ngayon. Shit lang, kanina para akong tangang umiiyak sa harapan ni Orion ngayon parang bulateng inasinan dahil sa kilig. Landi mo talaga self.

Dapat ba kong umiyak para lang yakapin niya ako ulit ng ganun? Kung Oo lagi na akong hahanap ng paraan para umiyak.

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon