Chapter 35

240 24 1
                                    

BIG letters WTF?! Kanina lang pinag—uusapan lang namin siya, ngayon nasa harapan na namin?! absent pa naman si Orion paano kaya pag andito siya? Siguradong matutulala yun.

Pag katapos niyang mag pakilala sa lahat ay nag hanap siya ng mauupuan at sa minalas malas bakante ang katabing upuan ni ate.

"Nerisa, Owen!"Gulat niyang sabi ng mapansin niya ang dalawa.

"Oh, hi Bian long time no see."bored na sabi ni Owen tsaka sinundot sundot ang tenga.

Nilunok muna ni ate ang sariling laway bago magsalita. Napailing ako dahil sa ginawa niya halatang kinakabahan siya, mabuti nalang at ako lang ang nakapansin. "H-hi, Kamusta kana Bianchi?"Kumakaway na sabi ni ate.

"hmm, okay lang naman, masaya dahil hindi na ako babalik sa States makakasama ko na kayo."Napataas ng kilay si ate sa sinabi ni Bianchi.

"K... Good for you."Medyo pabalang niyang sagot. Ang bilis mawala ang kaba niya ah. Hindi naman napansin ni Bianchi ang tono ni ate, "Si Sabrina pala 'to Bianchi, Best friend ko."Itinuro niya ako. Diniinan niya ang huling sinabi niya. Parang na offend pa si Bianchi sa sinabi ni ate kasi medyo tumaas ang isang kilay. Kumaway naman ako kay Bianchi at malapad na ngumiti. Kumaway din siya sakin at ngumiti.

"Ah Nerisa, asan pala si Orion? Bakit kayong dalawa lang ni Owen ang nandito?"Palihim na tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

Tumingin muna sakin si ate bago niya sagutin ang tanong ni Bianchi. "I don't know, si Sabrina baka alam niya kasi mag kasama lang sila sa iisang bahay."Hindi daw alam, halos kaka sabi ko lang sakanya ang dahilan. Tumingin sakin si ate at kumindat siya, naintindihan ko naman ang sinabi niya kaya patago ko siyang nginitian.

Naiintrigang tumingin naman sakin si Bianchi. "S-sainyo siya nakatira?"nakangiting tumango ako sakanya. "Paano n-nangyare?" kumibit balikat ako sa tanong niya.

"Mahabang pangyayare, pag kwinento ko pa baka abutin tayo ng uwian."Hindi ko pinansin ang pag he-hesterical niya sa kanyang upuan, umayos lang ako ng upo at patago kaming nag high-five ni ate. Mahinang humagikhik si ate.

"Tignan mo yung itsura niya parang natatae."naphagikhik din ako dahil sa bulong ni ate.

"Ang galing kasi natin ate."Ganito talaga kami ni ate pag ayaw namin sa isang tao, pinag titripan namin haha.

Habang nag hehesterya siya, kami naman ni ate ay patagong humagikhik hanggang mag lunchtime, sumakit pa nga ang tiyan ko kakatawa sa natataeng pag mumukha niya.

Palabas palang kaming tatlo ng pumagitna si Bianchi sa pagitan nila Owen at ate kaya napasimangot naman siya. At bumulong sakin, "Ang landi talaga ng babaeng 'to."Natawa naman ako sa pag pout ni ate.

"Selos ka lang."

"Hindi kaya, sa ganda kong ito magseselos ako? No way! Over my gorgeous body."Sabi niya habang nag papacute sakin.

"Anong connect ate?"taas kilay na tanong ko. Nag pose pose naman siya sa harapan ko. Walang hiya andaming tao dito sa labas nakuha pag mag pose ng ganyan.

"Maganda kasi ako."napailing nalang ako sa kahanginan niya.

Nang makarating kami sa cafeteria ay sa laging pwesto namin, andun na yung dalawang paslit. Nakahanda na din ang mga pag kain na lagi naming in-oorder. Inilahad naman ni Jericho ang palang niya saming tatlo.

"Akina mga bayad niyo."Inabot naman namin ang pambayad namin sakanya.

"Ahh, kuha lang ako ng pag kain ko."Napatingin naman kaming lima sakanya. Nandito pa pala 'to, tumango lang kami sa sinabi niya.

Pag kaalis niya ay tumabi naman sakin si Jericho. "Sino yun ate? Mukhang pokpok."Muntik akong mabulunan sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Natawa naman sina Ate at Owen.

"Wag ka ngang OA, porket na kasuot lang ng kita ang Cleavage at na miniskirt pokpok na agad?"Sabi ko ng mahimasmasan sa sinabi niya.

"Eh sa alam niyang School 'to at maraming bata nakasuot siya ng ganyan."Binatukan ko nalang siya para matahimik. Minsan talaga nakakalimutan kong siyam na taon palang 'tong si Jericho, napaka pintasero at kung ano-ano ang napapansin.

———————

I Hope you enjoy this chapter!❤️💕

Seducing Mr. Fudanshi✔️ (Unedited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon