PROLOGUE

130 87 59
                                    

"Uy Zae andito sila dali!" Sigaw ni Ezekiel paliko sa isa pang eskinita.




"Shit dalian nyo!" Frastruate na sigaw nya dahilan para mas bilisan namin ang takbo.




"Takte asan na sila!" Galit na sabi ko ng mapansin kong nawala nayung sinusundan namin.




"Shit"


"This is Bullshit!"


"This cannot be!"




Sabay-sabay na sabi nila ng mapansing hindi na namin makita yung sinusundan namin.




"Maghiwa-hiwalay tayo, dito kami nila Klyde,at Ezekiel, turo ko kung saan magdederetsyo kami ng takbo. Asher,Kairo, at Aspen dito kayo, turo ko sa bandang kaliwang eskinita. At last Kyle, Kenzo, Brix saka harold dito kayo sa kabila."




Agad kaming naghiwa-hiwalay at tumakbo.




"ARRG TAMA NAAH!"



Napahinto kaming lahat ng marinig namin ang sigaw nayun kaya nagkatinginan kaming tatlo at dali-dali kaming tumakbo papunta sa tinig nayun.



--
Nang makarating kami don pare-parehas kaming nagulat sa nakita.




"What the!" Gulat na bulong ni Klyde.



Mga nakabulagta na yung mga hinahabol namin kanina, pare-parehas silang may pasa sa mukha at putok ang mga labi, at yung narinig naming sumigaw ay walang awang pinagsusuntok ng isang babaeng nakatalikod sa gawi namin, tila ba galit na galit sya duon sa lalaking wala ng malay. Nang magsawa sya ay binitiwan na nya ito pero nakakuyukom parin ang mga kamao.




"Imposible!" Di makapiniwalang sabi ko.




Aalis na sana sya ng tawagin sya ni Ezekiel. "Sandali lang" Napahinto sya sa paglalakad pero hanggang ngayon ay nakatalikod parin sya sa amin, kaya hindi namin makita ang mukha nya pero isa lang ang sigurado ko, schoolmate namin sya dahil sa suot nyang uniform ng Climton University.




"Who are you?" Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya.




Kahit nakatalikod sya sa amin ramdam kong napangisi sya dahilan ng mas lalo kong pagtataka.




Akala ko hindi nya sasagutin ang tanong ko dahil nagsimula na syang maglakad, pero ganon nalang ang kaba ko nang huminto sya at sabihin ang salitang "You'll die if I tell you" Nakakakilabot na sabi nya at tuluyan ng umalis.




Hindi pa sana ako kikilos ng tawagin ako ni Ezekiel. Ni hindi ko manlang namalayan na umalis na pala sila sa gawi ko, hindi ko alam kung narinig nila yung sinabi ng babae dahil parang sakin lang iyun pinaparating.




"Zae, andito si Shawn" Pagkasabi nya non nagmadali akong pumunta kung nasaan ang walang malay na katawan ni Shawn, putok ang labi nya, may black eye sya sa parehas na mata, may pasa sya sa kanang pisnge pati narin ang braso nya.




Kawawang Shawn mukhang muka nya ang napuruhan sa kanya.




Pero hindi yun ang iniisip ko ngayon, kundi ang misteryosang bumugbog sa mga dumukot kay Shawn, sa nakita ko alam kong hindi sya pang karaniwang babae dahil sa lakas nyang sumuntok na halos madurog nayung muka nung sinuntok nya kanina at ang nakakapagtaka, bakit nya kami tinulungan dito sa mga lalaking ito or kung hindi man nya kami tinulungan, ano ang kasalanan ng mga lalaking to sa kanya para gulpihin nya. At ang isa kopang pinagtataka,  kanina lang hinahabol pa namin yung mga lalaking yun pero ng maabutan namin nakabulagta na, ibig sabihin ganun nya kadali napabagsak ang kulang sa Sampong kalalakihan nayon.




Tsk Imposible!




"Hoy Zae!"




"Aray! Ano ba?!" Tinignan ko ng masama si Ezekiel na nambato ng maliit na bato na hindi ko alam kung saan nya kinuha.




"Kanina pa kita tinatawag, tinatanong kita kung tatawag naba ng ambulansya para dito kay Shawn!" Inis na sabi nya.




"Dapat kanina mo pa ginawa tsk!" Babatukan kona sya ng makita ko ang iba na paparating.



"A-Ano.. pang ginagawa... nyo dito a-at di nyo pa dalin sa Hospital y-yan?" Walang sumagot sa hinihingal na tanong ni Asher, bagkus pinagtulungan nalang nilang buhatin at nagsimula na silang maglakad paalis, kaya tumayo na ako at sumunod sa kanila.




Napahinto ako sa paglalakad ng may matapakang isang bagay.




Nilingon ako ni Aspen ng mapansin nyang hindi ako sumusunod sa kanila, nag hand signal ako na tumuloy lang sya sa paglalakad, binigyan pa nya ako ng nagtatakang tingin bago nagpatuloy sa paglalakad.




Bahagya akong yumuko at pinulot ko ang natapakan kong bagay, isang handkercheif. Pinagmasdan ko itong mabuti, bulaklakan ang design nato at sa bandang ibaba may nakatatak na KL.Sa itsura palang ng panyo alam ko nang babae ang nagmamay-ari nito.




"Kung sino kamang babae ka, malalaman at malalaman korin kung sino ka." Binulsa ko ang panyo sa jacket na suot ko at pinagpatuloy na ang paglalakad.

Who are You? [On-going]Where stories live. Discover now