Chapter 8

61 58 12
                                    

Unknown number

"Grabe pre ang galing palang maglaro ni Angelica ng Volleyball." Di makapaniwalang sabi ni Klyde.

"Oo nga eh, biruin moyon muka syang mahina at lampa pero grabe ang lakas nyang mag spike." Manghang sabi ni Brix.

Tumango-tango naman sila Asher, Aspen, Harold, Kyle, Kairo at Kenzo habang kami nila Ezekiel at Shawn ay pawang mga nakikinig lang.

Its Saturday so andito kami ngayon kila Kairo. Dito namin nakagawiang tumambay tuwing weekends tutal palaging nasa out of town ang parents nya, puro kasambahay lang ang kasama nya dito.

Hindi ko napanood ang laban nung mga babae dahil buong laro tulala ako.

*Flashback*

Mabilis akong nakabalik sa court ng volleyball dahil sa laki ng mga hakbang ko, saktong magsisimula nung makarating ako, napunta ako sa may gilid sa harapan it means ako ang setter.

Tulala ako habang naglalaro kung kaya't pag napupunta sa akin ang bola ay hindi ko ito na ise set ng mabuti hanggang sa puro ako ang tinatarget nung kalaban kaya natambakan kami. Tiningnan ko ang mga kasama ko na nginitian lang ako ng pilit.

Inis akong nagpa Sub kay Klyde. Natapos ang laro na nilalamon ng tanong ang isip ko.

Sino si Sean at kung bakit ganun nalang ang inis ni Angelica habang kausap sya?.

Paanong sobrang bilis kumilos ni Angelica na hindi komanlang namalayan na nasalikod konasya kanina?

"Uy Zae tara uwi na tayo."

At bakit ganon nalang mag-alala si Shawn ng makita nyang binubully si Angelica sa Canteen?.

"Zae uwian na uy!"

Tsk mababaliw ako nito kaiisip.

"Hoy!"

"Aray! Ano ba?!" Inis kong tinignan si Ezekiel na binatukan ako.

"We've been calling you for how many times now but tulala kalang!" Inis ding sabi nya.

"May problema kaba Zae?" Nakakunot na tanong ni Kyle.

"Wala!" Tumayo na ako at nagsimulang maglakad pero napahinto ako ng may maalala. "Teka diba ngayon na ang laban nila Angelica?" Tanong ko ng maalalang papanuodin ko pala yung laban nila.

"Tsk kanina pa tapos." Asar na sabi ni Ezekiel at nanguna nang umalis ng court.

"Tss!" Yun nalang ang nasabi ko at sumunod na kay Ezekiel.

End of Flashback*


Pagkayari nilang magkwentuhan, napagpasyahan nila na maglaro muna ng bola, habang ako naiwan dito sa sala dahil wala ako sa samood maglaro. Napagdesisyunan ko munang umakyat at tumungo sa isang guestroom nila dito para matulog.

Nagising ako ng may biglang nanghampas ng unan sa mukha ko.

Inis akong bumangon at binigyan ko ng death glare si Kyle. "Hinahanap kana sa baba hehe." Naka peace sign na sabi nya at biglang kumaripas ng takbo.Bagot akong tumayo at bumaba.

Pagbaba ko hinanap ko sila sa Dining area pero wala sila doon.

"Ahm manang asan sila?" Tanong ko sa mayordoma nila dito.

Bahagya syang yumuko at sinabing nasa garden sila kaya tinahak ko ang daan na tinuro nya. At tama nga sya dahil malapit palang ako sa garden naririnig kona ang mga tawanan nila, pinangungunahan ni Harold.

Who are You? [On-going]Where stories live. Discover now