Chapter 10

53 54 9
                                    

Please read below in this story🙏👇

Handkerchief

Flashback*

Pagbalik namin sa classroom dumiretso na agad kami sa upuan namin, kami-kami palang ang naririto. Maya-maya lang dumating na si Angelica at dumiretso sa katabi kong upuan kasunod nya si Clark na dumiretso sa dulo ng row 4 bali katapat ko sya.

Nagtaka ako ng pasimpleng sumusulyap si Clark sa gawi namin ni Angelica, nung una ang akala ko ako ang tinitingnan nya but nang marinig ko ang mahinang buntong hininga ni Angelica napatingin ako sa kanya at nahuli kong palihim din na sinulyapan si Clark.

Nasa parking lot na ako ng maalala kong hindi ko nakuha yung pang sketch ko sa locker ko, balak ko kasing mag sketch mamaya pag-uwi. Tumalikod ako at naglakad patungo sa locker ko.

Nakuha kona ang pang sketch ko kaya nagsimula na akong maglakad pabalik pero napahinto ako ng may makitang dalawang anino sa may kalayuan sakin hindi kona sana ito papansinin pero ng marinig ko ang tila pamilyar na boses, kusang humakbang ang mga paa ko sa gawi nila.

At tama ang hinala ko sila Clark at Angelica ang nag-uusap. Hindi ko man marinig dito sa pwesto ko ang pinag-uusapan nila pero isa lang ang sigurado ko, nagtatalo sila base sa mga kilos at reaksyon nila.

Tinitigan kopa sila hanggang sa biglang nag walk out si Clark, mukhang hindi nya nagustuhan ang pag-uusap nila. Maya-maya lang sumunod na si Angelica na parang walang nangyari.

Nagtataka kong sinundan ng tingin si Angelica hanggang sa maglaho sya sa paningin ko.

Ano ang pinag-usapan nila at bakit tila nainis si Clark?

"Magkakilala ba sila?

Yan ang mga namuong tanong sa isipan ko bago ko napagpasyahang sumunod sa kanila palabas.

End of Flashback*

Katatapos ko lang magbihis at dumiretso ako sa kama ko, tinanggal ko sa pagkaka charge ang cellphone ko at tinawagan si Aspen.

"Alamin mo ang pagkatao ni Clark" Sabi ko pagkasagot nya sa call at hindi na sya hinayaang magsalita, pinatay kona agad ang tawag at kinuha ang sketchpad at ang gagamitin kong pang sketch.

Kung nagtataka kayo kung bakit si Aspen ang tinawagan ko para alamin kung sino si Clark kasi expert sya dyaan sa pagkuha ng impormasyon.

Ang bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang katangian bilang isang miyembro ng gang. Si Klyde, Kyle at Kenzo ay magaling sa mga bomba, kahit anong uri ng bomba nayan ay kaya nilang ideactivate. Sila Brix, Harold, Kairo naman ay magaling sa lahat ng may kinalaman sa gadgets, kaya nilang mag track ng mga tao at kaya din nilang mag hack. Sila Asher at Ezekiel naman ay magaling sa pagmamaneho ng kahit anong uri ng sasakyan. At ako saka si Shawn ay sobrang talas ng aming memorya, kahit isang katiting na salita lang natatandaan na namin ito forever. Yan din ang dahilan kung bakit nasa star section kami.

Napahinto ako sa pag i sketch ng marealize ko kung sino ang ginuguhit ko, hindi ko alam kung bakit sya ang pumasok sa isipan ko kung kayat sya ang nai sketch ko. Isang babaeng mangingiyak ang mga mata.

Ang mukha ni Angelica nung una ko syang nakita.

Erase! Erase! Erase!

Pinilig-pilig ko ang ulo ko at niligpit nalang ang inisketch ko at pumunta na sa kama.

Ilang saglit pa akong nakipagtitigan sa kisame bago ko napagpasyahang matulog.

                        ***

Who are You? [On-going]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang