Chapter 7

65 61 14
                                    

Shock

"Its time to change seats, the previous seating arrangement isn't working, so I figure we'll used an old school method."

"Come up and take one starting from the back row." Sabi ni Ma'am Alyssa ng pagkatapos ng greetings ngayong umaga. Bagot akong tumayo dahil nasa likod ako nakaupo at kumuha ng isang papel.

Ang old school method na tinutukoy ni ma'am ay ang pagbunot ng papel kung saan may nakasulat na numero, dito mo malalaman kung saang row ka uupo.

Umupo ako sa pinaka dulo ng row 5 saka dumukdok at natulog.

Tch bahala sila dyan.

***
"Uy pre Lunch time na." Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nagsisiayusan na ng mga gamit yung iba kong kaklase.

"Tara." Aya ko at kinuha kona ang bag ko saka lumabas, nagsisunuran naman sila.

"Uy Shawn anyare sa inyo kahapon at hindi na kayo bumalik?" Tanong ni Aspen habang umoorder kami.

"Oo nga Shawn saka pinuntahan namin kayo kahapon sa Clinic pero wala na kayo don." Si Asher habang binabayaran ang inorder nya.

Pagkatapos kong umorder iniwan kona sila at dumiretso na ako sa table namin. Maya-maya lang dumating na din sila pero pasubo palang ako ng may mapansing nakatayo sa gilid ng table namin kaya nag-angat ako ng tingin.

"Anong ginagawa nyan dito?" Nagtatakang tanong ko kila Aspen na ngayon ay nakatingin lang sa akin.

"Ahm Zae tinatanong ni Shawn kung pwede daw ba syang makitable dito satin." Si Klyde ang sumagot.

"At bakit naman?" Medyo inis na tanong ko habang nakatingin kay Shawn.

"Masama kasi ang pakiramdam nya kaya nagprisinta si Shawn na sumama muna sya satin, baka kasi mapano sya." Tinitigan ko si Angelica na halata parin yung mga pasa sa mukha nya, muka ngang hindi sya ok.

"Kawawa naman kasi sya kaya pumayag kana please!."

"Oo nga Zae pumayag kana!"

"Sige na Zae, beside wala naman syang kasama."

Hindi ko pinansin ang pangungumbinsi nila Brix, Harold at Kyle. "Tsk bat ba kasi pumasok pa sya gayong masama pala ang pakiramdam nya." Inis na sabi ko at binalingan ng tingin si Shawn na ngayon ay nakatingin kay Angelica.

"A-ahm ok lang n-naman kung ayaw mo, aalis n-nalang ako." Utal-utal na sabi nya habang nakayuko.

"Wait!" Pinigilan sya ni Shawn at kinuha ang pagkain nilang dalawa, umakto syang lilipat sila ng table kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Tch Fine!" Pagkasabi ko non nag si Yes sila, habang si Shawn binigyan ako ng hindi makapaniwalang tingin bago sya umupo,pinaghatak nila ng isang bangko si Angelica at nilagay sa tabi ni Shawn.

Tsk ano nanaman nakain ni Shawn at pinili pa nya dito na sumabay yang babaeng yan.

Hindi ko nalang sila pinansin at binilisan kona ang pagkain ko at tumayo na saka umalis, narinig kopa na tinawag nila ako pero dere-deretso akong naglakad at tumuloy sa classroom.

Pagpasok ko sa Classroom ako palang ang nandito, sang-ayun naman sakin yun kaya dumiretso na ako sa dulo ng row 5 at nilabas ko ang earphone ko at nakinig nalang ng music saka dumukdok.

Maya-maya lang naririnig ko ng umiingay ang paligid, it means nandito nayung iba kong kaklase. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko nalang ito pinansin.

"Good afternoon Class!." Nag-angat nako ng tingin ng dumating ang Lec namin ngayong hapon.

"Good Afternoon Sir!."

What the?

Nanlalaking matang nakatingin ako dito sa katabi kong tumayo at bumati kay Sir Clent.

The hell, sya ang katabi ko?

Buong klase wala akong naintindihan dahil lumilipad ang utak ko kung saan, ganun din sa mga sumunod pang klase.

Bakit ba sa dinami-dami kong pwedeng makatabi ay si Angelica pa ang nakatabi ko?

"That's it for today, good bye class!" Yan lang ang naintindihan ko bago lumabas ang huling naming guro ngayong hapon.

Dali-dali kong kinuha ang bag ko at dali-daling umalis. Pagkauwi ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko at hindi na kumain ng dinner bagkus natulog nalang.

***

Its Friday as usual I wearing a P.E uniform. Katatapos lang namin mag breakfast so we can go to school now.

*SCHOOL*

"Ok class our P.E today is volleyball so Girls Vs. Girls and Boys Vs. Boys ang magiging labanan, Understood?" Ani Miss Vanessa, P.E teacher.

"Yesss miss" Sabay sabay na sagot nila, napatingin ako dito sa katabi kona parang hindi nya gusto ang nangyayari base sa facial expression nya.

Hindi kaya... hindi sya marunong mag volleyball?

Kung ganon pala dapat kong mapanood ang laro nila.

Napa smirk ako bago tumayo at sumunod sa mga kaklase kong pumunta na sa court ng volleyball.

Pag dating ko sa court ay sya namang pabalik sa papuntang room ni Angelica, sinundan ko sya ng nagtatakang tingin.

"San pupunta yun?" Tanong ko sa isang lalaking nakasalubong ko.

"A-ahm ano kasi.. b-bawal daw kasi na m-may dalang g-gadget dito k-kaya bumalik sya sa classroom para iwanan a-ang cellphone nya." Nagkanda utal-utal na sabi nya, bahagya pa syang nakayuko.

Kinapa ko ang bulsa ko sa likod ng pants ko at doon ko nakita na dala korin pala ang cellphone ko kaya tinalikuran kona yung lalaki at bumalik papuntang classroom.

"Hindi pwede Sean" Napahinto ako sa pagpasok ng classroom ng makitang tila ba naiinis si Angelica sa kausap nya sa cellphone nya.

"Basta hindi pwede!" Medyo galit na sabi nya at pinatay ang tawag saka sya umalis sa pwesto nya kanina.

"Sino si---" Naputol ang sasabihin ko nung pumasok ako sa loob ng classroom pero hindi ko sya nakita kaya nagpalinga-linga ako at hinanap sya kaya pumihit ako palabas.

"Shit!" Nagulat ako ng pagharap ko palabas ng pintuan ay syang bumungad sa akin ang nagtatakang tingin ni Angelica.

"Pa... Paanong?" Hindi ko maituloy ang itatanong ko dahil sa gulat.

The hell! Pano sya napunta sa likod ko, gayung kakikita ko lang sya na umalis sa pwesto nya kanina?

"Ahm tulala ka k-kasi nung lumabas ako kanina." Sabi nya habang nahihiyang nakatingin sakin.

"Ok." Yun nalang ang sinabi ko kahit na meron saking hindi naniniwala sa sinabi nya at tulalang nilagay ko sa bag ko ang cellphone ko at iniwan na sya sa loob ng classroom.

A/N

Sorry mga mahar, dapat kahapon kopapo iyan naupdate but may mga binago ako at dinagdag kaya ngayon kolang naiupload.

*Dont forget to vote and comment*

Who are You? [On-going]Where stories live. Discover now