Chapter 15

23 24 2
                                    

I'll do everything

Third Person POV

Madiin ang pagkakakuyukom ng kamao ng isang babae habang nakaupo sya sa upuan sa kanyang Opisina, habang nakatalikod sa kanyang ibang alagad na nakayuko at mukang natatakot na sa pinapakita nyang expression.

"Diba sabi ko bantayan nyo sila" Nagtitimping sabi nya, walang sumagot sa tanong nya dahil takot sa kanya ang lahat ng naroroon.

"I'm s-sorry Miss KL, h-hindi po n-namin alam n-na m-mangyayari to." Lakas loob na nakayuko at utal-utal na sabi ng isang babae.

Hindi sumagot ang tinatawag nilang Miss KL na mas lalong nagpakaba sa mga taong nandoroon. Nagulat nalamang sila ng biglang nasaharapan na nito ng isang babaeng sumagot kanina, habang nakasakal ang isang kamay at nanlilisik na nakatingin sa kanya.

"Eh pano kung patayin kita, at sabihin kong hindi ko alam na mangyayari to?" Nanggagalaiting tanong nito, at hinigpitan ang pagkakasakal sa babaeng nahihirapan ng huminga.

"W-wag po M-Miss KL n-nagmamakaawa a-ako" Naiiyak at hirap na sabi ng babae.

At mukhang natauhan ito ng marinig ang salitang iyon. Nanginginig ang kamay nito na binitawan ang babae na ngayon ay naghahabol ng hininga.

"Umalis kayo" Parang nahihirapang sabi nya na napansin ng mga alagad nya.

"Miss KL ok lang poba kayo?" Nag-aalalang sabi ng isang lalaki.

"Ok lng ako" Pag tutol nya sa pagbalak ng lalaki na lapitan sya.

"Pero--"

"Umaalis na kayo!" Galit na sabi nito kaya't mabilisang nagsialisan ang mga alagad nya.

Tila walang lakas na napaupo sya, ng biglang mag flashback sa isipan nya ang pangyayaring nagpadurog ng puso't isipan nya.


"Wag po, wag nyo pong patayin ang magulang ko." Umiiyak na bulong ng isang bata sa isang tabi, habang nakatingin sa harap na walang awang pinatay ang magulang nya. Ngunit walang nakakarinig sa kanya, dahil sa ingay at sigawan ng mga tao na para bang natutuwa sa nakikita.

Kitang-kita ng dalawang mata nya ang hirap at pag ubo ng dugo ng ama't ina nya habang nakahawak sa dibdib nila na may saksak ng kutsilyo.

"Please! Tulungan nyo ang magulang ko" Hikbi sya ng hikbi sa isang gilid, ngunit hindi nya kayang umalis sa pwesto nya, dahil kabilin-bilinan sa kanya ng magulang nya na kahit anong mangyari hindi sya lalabas sa pinagtataguan nya.

Wala syang nagawa ng makita nyang unti-unting nagsara ang mga mata ng magulang nya, at kinaladkad na parang hayop paalis doon ang bangkay ng magulang nya ng mga taong walang puso na natutuwa sa pagkamatay ng magulang nya.

"N-Nagmamakaawa a-ako" Huling sabi ng isang bata bago ito mawalan ng malay.

"Nagmamakaawa ako" Parang wala sa sariling sabi nya, at biglang may tumulong luha sa mga mata nya.

Pakalabog na bumukas ang pintuan at patakbong lumapit sa kanya ang isang babaeng nasa idad 30s.

"Sssh! Tahan na magiging ok din ang lahat." Sabi nito habang nakayakap at hinahagod ang likod nya.

"Mommy, h-hindi kona alam ang g-gagawin ko." Lumuluha at pag-amin nya sa nararamdaman nya.

"Lahat nalang ng mahal ko napapahamak." Pagtuloy nya sa sasabihin nya, dahil alam nyang nakikinig sa kanya ang mommy Claudia nya.

Ang mommy nya na tumulong sa kanya na maghilom ang sugat sa puso nya.

"Ayoko ng ganito" Umiiling na sabi nya. "Nagiging mahina nanaman ako" Naiinis na sabi nya at sinuntok suntok ang dib-dib nya na agad namang pinigilan ng mommy nya.

"Tama na, wag mong saktan ang sarili mo, sometimes ok lang maging mahina dahil minsan sa pagiging mahina, mas nagpupursigi lumakas ang isang tao, at yun ang dapat mong pagtuunan" Parang natauhan sya sa sinabi ng mommy nya dahil alam nyang tama ito.

Pinunasan nya ang luha sa mga mata nya bago ibalik ang blank expression sa kanyang mukha, at tumayo saka humarap sa mommy nya na ngayon ay nakatayo na din.

"I swear mom, Lahat gagawin ko upang mas maging malakas pa ng saganon ay mapatay ko ang pumatay sa mga magulang ko." Desidido at nakakakilabot na sabi nya sa mom nya.

"I'll support you sweetie but for now you need take a rest, masyado ka ng pagod" Mapang-unawang ngiti nito.

Totoong pagod na sya dahil simula pa ng mailigtas nya ang nagngangalang Shawn ay hindi na sya matahimik, sinisisi nya ang sarili nya dahil nahuli sya ng dating.

"Thanks mom, I will" Sabi nito bago pumasok sa isang pinto sa loob ng Opisina nya.

Nabubuhay ang galit sa loob nya tuwing bumabalik sa isipan nya ang pagkamatay ng magulang nya at ang itsura ni Shawn nung dukutin ito.

At mas lalong nabubuhay ang galit nya dahil ilang linggo ng absent si Shawn, plus ang panggagaya nung dumukot kay Shawn ng uniform ng kanyang Gang, na sobrang kinainis nya.

Pinakalma nya ang sarili, bago humiga sa kama nya.

"Im sorry mom't dad kung minsan nagiging mahina ako but I swear hinding-hindi ako matatahimik hanggat diko nabibigay ang hustisya na nararapat sa inyo" Pursigido na bulong ni KL sa hangin habang nakahiga sa kama nya bago sya nilamon ng kadiliman.





Lumabas nadin ng silid ang babae pagkatapos makitang pumasok ang kanyang tinuturing anak.

Napapabuntong hininga sya habang naglalakad sa pasilyo, kahit hindi nya tunay na anak ang batang yon nasasaktan sya sa tuwing nasasaktan ito dahil sa pagkamatay ng magulang nya, at pagkawala ng mga kapatid nya. Sometimes naaalala nya sa kanya ang matagal ng patay na anak nya na sobrang miss na miss na nya.

Simula ng kupkupin nya ito nung limang taon ito, sobra na syang napamahal sa batang ito kung kaya't kaya nyang ibuhos ang buhay nya para dito, handa nyang gawin ang lahat upang matulungan ito. At isa din sya sa nagtrain sa pakikipaglaban sa batang ito.

Pinulong nya ang lahat ng alagad ni KL at ang miyembro ng Devilish Evil Gang.

"Madam" Sabay-sabay na nagbow ang mga tao sa conference room.

"Makinig kayong mabuti, may plano ako" Seryosong sabi nya.

This is for you sweetie, kung kinakailangang gamitin ko ang pera at kapangyarihan ko, gagawin ko.

I'll do everything to help you sweetie.

I hope magtagumpay ako.

A/N

O ayan huh, nagbibigay na ako ng clue sa nangyayari, at oo nga pala wag muna kayong mainip kung wala pang kilig moment dito, basta malapit na, onting hintay pa mga men.

Psst! My modules taking my brain away. Sorry kung medyo lame ito (~_~) {>_<} [-_-].

*Dont forget to vote, comment, and share*

Who are You? [On-going]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin