Chapter 11

43 45 12
                                    

Information

Pangalawang araw nanamin dito sa Hospital at pangalawang araw na din kaming hindi pumapasok sa school. Ang bawat isa sa amin ay hindi pumapayag na iwan mag-isa si Shawn knowing na baka balikan sya ng mga bumugbog sa kanya.

Hindi namin pinaalam kila tito ang nangyari kay Shawn kundi baka imbis na mag-alala sila at alagaan si Shawn ay pagalitan at mas lalo lang nila itong saktan. Hindi namin alam kung bakit tila parang laging galit sila tito at tita kila Ezekiel ganung wala naman silang ginagawang pagkakamali. Sa tuwing makikialam ako sa away nilang magpamilya ay nauuwi sa away naming mag-ama. Lagi nyang sinasabing problema nila kaya lutasan nila, wag kang makialam dahil hindi ka miyembro ng pamilya nila. Pero kahit ilang beses na sinasabi yan ni dad hindi parin ako tumitigil na mangialam sa away nila, isa yan sa dahilan kung bakit nagiging cold sakin si dad.

Tahimik akong nakaupo sa bangko dito sa labas ng kwarto ni Shawn, kahit naka private yung kwarto nya hindi parin kami kasyang lahat sa loob.

"Ahm Zae" Nag-angat ako ng tingin sa kadadating lang na si Aspen. Nag paalam sya kanina na uuwi muna saglit para maligo at may kukuhanin daw sya, hindi na ako nagtanong at tumango nalang sa kanya.

"Uhm" Inabot nya sa akin ang isang brown envelope. "Information yan about Clark, dapat nung isang araw kopa iyan nabigay sayo ang kaso nakalimutan ko kasabay ng pagdukot kay Shawn." Kinuha ko ang inabot at binuksan ang envelope at doon tumambad sa akin ang PSA at ibang information about clark.

"Kumuha narin ako ng ibang picture nya na baka sakaling makatulong sayo" Tinignan ko ang sinasabi nya at

"Shit!"

Hindi kaya... hindi kaya sya yung isa sa kagang mate ni....

Kuya.

Ang kuya ko na dalawang taon ng patay, namatay sya sa death palace kung saan hindi namin alam na sila ang nakamatch namin, ang nakapatay sa kanya ay walang iba kundi si.......

"Shawn" Wala sa sariling banggit ko.

"Huh? Si Shawn, bakit anong meron sa kanya? Saka sino bayan?" Nagtatakang tanong ni Aspen.

Hindi ko sinagot ang tanong nya. "Aalis muna ako, pakitawagan mo nalang ako kapag nagising na si Shawn" Nagmamadaling sabi ko at nagsimula ng maglakad pero napahinto ako ng may maalala. "Oo nga pala, wala kang dapat pagsabihan about sa pinakuha ko sayong information."

"Bakit? Paano?" Hindi kona sya sinagot at patakbong umalis ng Hospital.

Nagmamadali kong pinaharurot ang kotse ko pauwi. Pagkadating ko doon wala sila mom, dad at Gie, si Gie malamang nasa school at sila mom naman nasa companya.

Umakyat agad ako sa kwarto ko at mabilisang naghanap ng maisusuot at nagmamadaling naligo.

Pagkatapos kong magbihis umalis na ako at pinaharurot papuntang Death Palace.

Nasa harapan palang ako ng Death Palace, hinarang na ako ng mga bouncer dito kasi bawal pumunta ang mga katulad kong gang dito pag alam nilang wala pang laban, dibali nalang kung pinatatawag kami ng Hari at Reyna.

Sa totoo lang, kayang-kaya kong pumasok dito ng walang kahirap-hirap sapagkat isa ako sa mga anak ng Hari at Reyna. Oo, tama kayo ng nabasa sapagkat ang aming ina at ama ni Gie ay silang Hari at Reyna sa Death Palace kung kaya't ganon nalang makitungo sa akin si dad ng malaman nyang pumapangalawa lang kami sa ranking nung April. But no ones know na isa ako sa mga anak ng Hari at Reyna maliban lang sa isang tao. Gusto kasi nila dad at mom na saka lang nila ako ipapakilala kapag nanalo ako sa all out battle, gusto nila akong ipakilala bilang anak kapag ako na ang tatanghaling bagong hari.

"Anong kailangan mo?" Matigas na tanong ni Jerk habang may hawak na sobrang laki at mahabang baril, ang leader ng mga bouncer.

"Kailangan kong makausap si Dragonizer" Cold na sabi ko.

"Anong kailangan mo sa kanya" Maangas na tanong nya.

"Hindi mona kailangan pang malaman" Matigas na sabi ko.

"Alam mo naman sana ang patakaran dito diba?" Walang emosyon na pinagtaasan nya ako ng kilay.

Binigyan ko sya ng Death Glare para malaman nyang wala akong pakialam sa rules nayan.

"Alam ko" Pinakatitigan ko syang mabuti. "At wala akong pakialam" Matigas na sabi ko at inagaw ang isang baril sa isa nyang kasama at hinampas sa mukha sa isa pa nyang kasama, tumalon ako at sinipa sa mukha yung inagawan ko ng baril ng mapansin kong pasugod sya at sa isang sipa ko nayun nakatulog sya. Ng makabangon ang hinampas ko kanina, bigla nya akong sinugod at pinaputukan naman ako ng baril ni Jerk mula sa gilid kaya agad akong nagpadiusdos pababa at hinuli ang isang kamay nung lalaki saka ko tumayo at pinalipit patalikod para sya ang iharang ko sa bala ng baril ni Jerk.

Binitawan ko agad ang lalaki ng makitang may sumugod sa akin, iniwasan ko ito at binigyan sya ng high kick sa mukha.

Patakbo-takbo ako at patalon-talon para maiwasan ang mga bala ng baril ni Jerk. Sinugot ako ng tatlo nya pang kasama, sinuntok ko sa panga ang unang sumugod at ang sumunod naman ay binigyan ko ng backflip kick at ang panghuli inuppercut ko.

Susugudin sana ako ni Jerk ng mapahinto sya ng dumating si Derk.

"Anong nangyayari dito?" Walang sumagot sa tanong nya. Iginala nya ang paningin nya at ng madako ito sakin pinagkunutan nya ako ng noo, para bang nagtataka sya kung anong ginagawa ko dito.

Tinutukan ako ng baril ng makatayo ang mga nakalaban ko kanina pero wala akong pakialam doon.

"Gusto kanyang makausap, hindi ko sya pinapasok dahil isa iyon sa patakaran natin." Sabi ni Jerk kay Dragonizer na nasaakin parin ang paningin.

"Tss" Tinignan ako ng masama ni Jerk.

"Ibaba nyo ang baril nyo" Utos ni Derk sa mga tauhan naming nakatutok ang baril sa akin.

"Pero--" Hindi sya pinansin ni Derk at binalingan ng tingin ang nagtutok ng baril sakin.

"Sa susunod na makita nyo yang batang yan, wag kayong magdalawang isip na papasukin sya." Tinignan nya nang masama ang mga nakalaban ko pati narin si Jerk.

"Tara na Zae" Aya nya sa akin at iginaya ako papasok. Nagtangka pang tumutol si Jerk pero hindi na nya ito tinuloy bagkus sinamaan pa ako ng tingin. Dikonalang sya pinansin at pumasok na.

"Anong kailangan mo mahal na Prinsipe?" Bahagya pa syang yumuko ng itanong nya yan. Nandito kami ngayon sa isa sa mga silid dito sa Death Palace.

Ang tinutukoy kong isang taong nakakalaman na isa ako sa anak ng Hari at Reyna ay walang iba kundi si Derk a.k.a Dragonizer.

"Pahiram ako ng D.P (Death Palace) List book ng 2018." Ang D.P List book ay dito mga nakasulat ang history ng mga magkakamatch.

"Sandali, kukunin ko" Umalis sya saglit at maya-maya lang dala na nya ang isang manipis at maliit na libro.

Hinanap ko ang buwan ng Augost kung saan namin nakalaban ang Slander Gang. Ang gang ni kuya.

Tinignan ko ang pangalan at picture ng miyembro ng Slander, napahinto ako ng matapat sa isang pangalan ang mga mata ko.

Sean.

"Clark Sean Gozon" Wala sa sariling bigkas ko.

--
*Don't forget to vote and comment*

Who are You? [On-going]Where stories live. Discover now