Chapter 16

21 22 3
                                    

Kris

Zaerochi Fuevous POV

Lumipas ang dalawang linggo at bumalik na kami sa school. Hindi alam ni mom at dad na ilang araw din kaming hindi pumasok, dahil tumawag sila mom dati na aalis daw sila at may aasikasuhin daw na emergency sa isa naming kompanya sa ibang bansa, hindi ako nag-aalala dahil alam kong malulutusan nila yan.


Katulad dati pagkababa na pagkababa palang namin ni Gie sa kotse, tilian na ang bumungad samin. May narinig pa ako na nagpapasalamat dahil pumasok na ulit ako.


"Ang ingay bwisit!" Badtrip na sabi nya kaya pinagkunutan ko sya ng noo.


"Problema mo?" Nagtatakang tanong ko.


"Wala!" Inis na sabi nya kaya pinanlakihan ko sya ng mata, pero inirapan lang ako at nauna ng maglakad.


"Abat! Hoy Gie kelan kapa natutong umirap?!" Medyo inis na tanong ko sa kanya dahil ngayon ko lang sya nakitang umirap, at sakin patalaga huh?!


"Hahaha ibang klase, nakita nyo yun?"

"Oo naman puahahaha"

"Ala eh, taob pala si bos kay baby girl, hahaha"

"Pfft, ibang klase talaga si Gie."


Sinamaan ko ng tingin ang Bad blood gang na naglalakad papunta sa gawi ko, habang mga siraulong tawa ng tawa sa nakita nilang pag-irap sakin ni Gie.


"Pfft Ibang klase ang kapatid mo ah" Naiiling at natatawang tinapik ni Kairo ang balikat ko.


"Tch!" Inis kong singhal.


"Ano meron don, bat parang high blood?" Tanong ni Ezekiel at nginuso si Gie na naglalakad papalayo.


Hindi ako nagsalita at iniwan na sila doon.

Anong problema non?


Wala ako sa sarili habang binabaybay ang daan patungong classroom.




"S-sorry"


"Pre! Ok ka lang?" Dali-daling nagsilapitan sakin sila Kairo ng matumba ako dahil may bumunggo sakin.


"Diko sinasadya" Paumanhin nung babaeng nakabunggo sakin, medyo nagulat ako ng magtama ang mga mata namin.


"Angelica?" Nagtatakang tanong ni Shawn ng mamukhaan nya ito.


Hindi ko tinanggal ang pagkakatitig sa kanya at ganun din sya, ewan koba kung ako lang o, sadyang may dumaan na galit sa mga mata nya habang nakatitig sakin. Napakunot ako ng noo, tatanungin kona sana sya ng biglang ilipat nya ang tingin kay Shawn na naglahad ng kamay upang tulungan sya.


"S-salamat" Utal na sabi nito pagkatayo at umiwas ng tingin.


Tumayo narin ako at pinagpagan ang puwitan ko.


"Pasensya na ulit" Huling sabi nito bago nagtatakbo papalayo.


"Anyare don?" Takang tanong ni Klyde. Nagkibit balikat lang ang iba at nagpatuloy na sa paglalakad.


Naghiwa-hiwalay na kami at pumunta sa kanya-kanyang room.


"Good morning class!" As expected na pagbati ni ma'am.


"Good morning po ma'am" Balik na bati namin pero hindi ako tumayo dahil tinatamad ako, napailing nalang si Ma'am at nag attendance na.


"Angelica Flantelion" Tawag ni ma'am pero walang sumagot sakanya.


Who are You? [On-going]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz