𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 4 - WILAY

44 11 4
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟺 -

#Sabado/Saturdate ? chz :*

"Oh' Nicha, akala ko ba'y wala kang pasok tuwing sabado? Bat bihis na bihis ka ?" nagtatakang tanong ni Mama nang mabungaran niya ko palabas ng kwarto ko. Galing siyang kusina.

Wala naman kasi talaga akong pasok pag sabado. Kaya lang alam niyo na may usapan kami nung impakto. Grr.

"Ah Ma, Kasi may gagawin po akong work related po yun sa school" sorry Ma ayoko pong magsinungaling pero kailangan ko ngayon. Sorry po !

At some point may katotohanan naman yung sinabi ko kasi related naman talaga sa school yung pakay ko kaya kami magkikita nang abnoy na yun.

Napatingin ako sa relo ko, hala ! 7:45am na. Ang usapan namin ay alas otso. Nagmadali na akong umalis dahil wala pa naman si Papa para maihatid ako sa bayan.

"Ma, alis na po ako" sigaw ko habang papalabas ng gate.

Pagdating ko sa bayan ay mabilisang paglalakad ang ginawa ko para makarating agad sa may simbahan. Dun kasi kami magkikita.

'Wait lang self ah, bat ba madaling madali ka ? Excited lang ganun' umepal yung utak ko !

Oo nga naman bakit ba ko nagmamadali ! Nagmumukha tayong excited BRADER masama yan. Tsaka ano naman kung nandun na siya. Eh di maghintay siya. Siya may gusto nito eh. Grr !

Huminto muna ako saglit nang malapit na ako sa may entrance papasok sa may simbahan. Malawak kasi parking lot dun kaya doon ko siya pinahintay.

Actually, nakikita ko na siya dahil di pa naman ganun karami ang nakaparadang sasakyan ngayon doon. Nakasandal siya sa sasakyan niyang pulang pula ang kulay. Hindi ako maalam sa sasakyan kaya hindi ko rin alam kung anong klaseng kotse iyon. Bagamat sa unang tingin mo pa lang ay mahahalata mo nang mamahalin talaga. (RiCHKiD amp)

'Hayaan niyo't igo'google ko mamaya pag uwi ko kung anong klaseng sasakyan yan para may idea tayo' hahaha

Nakasandal siya habang panay ang linga sa paligid sabay susulyap sa kanyang wrist watch tapos titingin sa cellphone niya. 'Haha, naiinip na ba siya ? Cute !' ha ? ano daw ? wala ako sinabing cute siya ah. 'Defensive, tss' GRR.

Black leather jacket with white plain shirt sa loob, black pants tapos black & white na shoes na alam kong mamahalin dahil sa istura at tatak nito. NIKE✔️. And last but not the least nakasuot siya ng black sunglasses. Oh' diba bongga, modelong modelo ang pormahan.

So what's with the black and white get up na suot nito ? May photoshoot yata siyang pupuntahan at gagawin niya kong alalay tss.

Oo na sige na. Gwapo siya. Kung usapang gwapo ay gwapo talaga siya. Kung tutuusin ay pwedeng pwede siyang maging artista.

Matangkad, maputi, matangos ang ilong, mapulang labi, maayos pumorma, naka clean cut din siya na mas lalong nakadagdag sa maayos niyang itsura. Para siyang koreano na pilipino version, ganern! Kaya naman ay hindi imposibleng magustuhan siya ng maraming babae.

Napatingin ako sa suot ko. Denim jacket at puting blouse ang suot kong pangtaas, maong skinny jeans at white rubber shoes naman ang pangbaba. Di naman yata ako magmumukhang hampaslupa sa suot ko noh. May dala din akong backpack dahil may dala akong extra shirt, bimpo at tubig at kung ano ano pa. 'Girl Scout yata ako, laging handa' hahahah.

Nagkunwari akong palinga linga sa paligid na tila may hinahanap dahil napansin kong nakatingin na siya sa direksiyon kung saan ay naroon ako. Nagpanggap akong nabigla na makita siya, ang di niya alam ay kanina ko pa siya nakita.

When I Look At You (BS)- on-goingWhere stories live. Discover now