𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 14 - 𝑀𝐹𝐴𝐿

27 4 2
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 14 - ᴍғᴀʟ

ᴘᴀʀᴛ ɪɪ

ɴᴀsᴀ pang walong istasyon na kami nang makaramdam ng pagod ang lahat kaya naman ay doon muna kami huminto ng medyo matagal para makapagpahinga. Nagtataasang mga puno ang nasa paligid namin kaya naman ay malamig ang simoy ng hangin, masarap sa pakiramdam ang pagdampi nito sa balat kahit pa mainit na ang sikat ng araw.

"Wah, thank god nakaupo na rin sa wakas, nakakapagod umakyat Nicha, ang sakit na ng mga paa ko." pagrereklamo ni Tiffany.

"Ayos lang yan, sulit naman ang lahat ng pagod natin sa oras na marating natin ang pinakataas nito." nakangiti kong tugon sakanya. "Makakalimutan mo ang sakit ng paa mo, sinisigurado ko yan sayo." dagdag ko pa.

Nagkanya kanya na kaming upo muna para makapagpahinga, si Xenia at Deo ay walang tigil sa pagkuha mg litrato tila wala silang nararamdamang pagod, si Cass at Jace ay kagaya rin naming nakaupo sa isang tabi gano'n din sila Nyke at Tiffany.

"Love, pwede makiinom ng tubig dito sa dala mo.?" ani Cyde na ang tinutukoy ay ang dala kong tumbler na siyang may hawak ngayon.

"Sige sige, dinala ko talaga yan para satin." tugon ko, totoo namang dinala ko yun para samin since malaki naman yon.

"Naks! Hindi ko alam na gusto mo palang sa iisang inuman lang tayo uminom love, don't worry I'll take note of that love." ani Cyde na may nakakalokong ngiti sa labi. Tumawa na lang ako dahil medyo may katotohanan naman yung sinabi niya. Grr!

"Love, can I ask a question.?" seryoso niyang tanong.

"Hmmm.. ano yon.?" balik tanong ko sakanya habang papainom ng tubig.

"Bakit hindi mo ako tinatawag na love, since iyon ang endearment natin." nasamid ako bigla sa tanong niya, may pumasok pang tubig sa ilong ko kaya lalo akong napaubo.

"Hey! Are you okay?" nag aalalang tanong niya habang tinatapik ang bandang likod ko.

"O-Okay lang ako." sagot ko ng medyo mahimasmasan na ako.

"So, ano nga love? About sa tanong ko." seryoso niyang tanong ulit.

"Eh kasi naman eh, n-nahihiya ako." nauutal ko pang tugon.

"Bakit ka naman mahihiya, you're my girlfriend and I am yours too." yawa kinilig naman ako sa pa "I am yours too" niya. Grr.! Oo na, tsaka aba!,  dapat lang na akin ka kasi sayo ako, yayks! "Unless, ikinakahiya mo ako hmm." dagdag niya pa.

"Oy, hindi ah. Bakit naman kita ikakahiya ... sa g-gwapo mong 'yan." nahihiyang sagot ko rito. "S-Sige na, tatawagin na kitang l-love. 'Wag mo lang iisipin na ikinakahiya kita, dahil hindi naman." dagdag ko pa.

"Good to know that love." masayang ani niya.

Maya maya pa ay nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad, ramdam ko na ang pagod at ang init init na rin dahil tanghali na, mag a'alas dose na yata ng tanghali.

Napahinto ako saglit dahil nangangatog na yung tuhod ko, kaya naman ay napahawak ako rito.

"Love, are you okay?" nag aalalang tanong ni Cyde. Tumango lang ako dahil hindi ako makapagsalita sapagkat hinihingal ako. "Here, drink water first and then we'll proceed." abot niya ng tubig sa akin, ininom ko naman ito at medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Nagulat pa ako ng bahagyang punasan niya ang pawis ko sa noo gamit ang kanyang sariling bimpo. Nag init ang mukha ko sa simpleng gesture niyang iyon. Kinilig ako.

"Let's go, let me hold your hand love para maalalayan kita." napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Nahihiya man ay tinanggap ko ito, pinagsalikop niya ang mga palad namin dahilan upang mas lalong mag init ang mukha ko.

When I Look At You (BS)- on-goingWhere stories live. Discover now