𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 12 - 𝑀𝐹𝐴𝐿

36 6 2
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 12 - ᴍғᴀʟ

ɴᴀᴋᴀᴘɪʟᴀ na yung apat sa may cashier para bumili ng pagkain, hindi na namin kasama si Adrian dahil may biglang tumawag sakanya kanina at nagmadali na siyang umalis pakatapos magpaalam sa amin.

Kanina pa ko kinukulit at inuungot nitong si Xenia at Tiffany.

"Ang daya mo Nicha, sinagot mo na pala si Cyde tapos di ka man lang nagki'kwento sa amin." pagmamaktol na parang bata ni Xenia.

"Kaya nga, ang harot mo eh no!" dagdag naman ni Tiffany sabay tawa.

"At ikaw, pangiti ngiti ka lang diyan. Halatang may alam ka na eh' tas di ka man lang nagki'kwento. Akala ko ba bff tayo." kunwaring umiiyak pa ng bruha. Jusko po!

"Hey! We're all bff's here and besides wala ako sa posisyon para magsabi, right Nicha?" binigyan ako ng makahulugang tingin ni Cassie.

Natatawa na lang ako sakanila.

"Okay, okay! Ang balak ko talaga ay ngayong lunch ko sasabihin sainyo na ... n-na kami na. Eh ang kaso naunahan ako ni Cyde , panira siya ng plano." pagpapaliwanag ko sakanila.

"Oh, yon naman pala XeiiXeii eh. 'Wag ka na magtampo tampohan kasi hindi mo bagay." natatawang pang aasar ni Cassie kaya maging kami ay ni Tiffany ay natawa din.

"Hala, pinagtutulungan niyo ako." oa na naman niyang reaksiyon.

"Woy, Xeii 'wag ka ngang ganyan babatukan na kita." pagbibiro ko sakanya.

"Kita mo na, nagka jowa ka lang sadista ka na Nicha." awit talaga sa isang to! Natatawa na lang ako sa kanya.

"Matagal na kong ganito Xeii, hindi ka pa ba sanay."

"Hey, andiyan na sila kaya quiet ka na muna Xeii ah. Kay Deo ka na lang magmaktol baka kiligin ka pa." pang aasar naman ni Tiffany sakanya at ayon natahimik ang bruha. GRR!

After namin kumain ng lunch ay sabay sabay na rin kaming lumabas ng canteen para tumungo sa kanya kanyang susunod na klase.

"Bye guys, dito na ko dadaan. See you na lang." pagpapaalam ni Tiffany at hinatid naman siya ni Nyke.

Magkakasunod kaming naglalakad sa hallway, magkasabay si Cassie at Xenia na sinusundan naman nung dalawa at kami ni Cyde ang nasa huli. Diko maiwasang mailang dahil sa mga tingin ng ibang estudyante. Mas lalo rin akong nailang dahil sa samo't saring mga bulungan nito.

"Ang swerte naman ni Nicha noh."

"Ang malas lang ni Cyrus, sakanya lang napunta. Hindi sila bagay."

"Bagay kaya sila, nakakakilig. Inggit ka lang eh."

"Bakit naman ako maiingit aber! Eh mas maganda naman ako sa Nicha na yan." edi wow.

Yan ang ilan sa mga narinig ko, ayoko na lang makinig kaya hinayaan ko na lang.

"Don't mind them love." nagulat ako sa lambing ng tono ng pagkakabulong sa akin ni Cyde. GRR!

"Uhmm .. yon naman ang ginagawa ko eh." marahan kong tugon sakanya.

"Good girl." saad niya pa bago muling tumingin sa harap ng dinadaanan namin.

Napatingin lang ako sakanya, maswerte nga ba talaga ako't nagustuhan niya ko. Sabagay napakalayo ng agwat namin sa isa't isa. Sobrang yaman niya samantalang kami ay napaksimple lang ng pamumuhay ngunit masaya.

Kung iisipin ay maswerte din naman siya sa akin dahil siya pa lang din naman ang nagustuhan ko.

Aaminin ko, medyo nag aalinlangan ako sa estado namin ni Cyde ngayon, hindi ko alam kung hanggang saan aabot tong relasyon namin. Natatakot akong sumugal at itaya ng husto ang lahat ng meron ako. Ako kasi iyong tipo ng tao na kapag nagmahal ay todo dahil gano'n din naman ang gusto ko.

When I Look At You (BS)- on-goingOù les histoires vivent. Découvrez maintenant